Epilogue

1.2K 27 12
                                    

M A Y     2 4     2 0 1 7
special chap after this.
------------------------ 🌸 -----------------------

6 years later..

Hermione's Point of View

"Kyles, medyo late na pala akong makakauwi mamaya. May late meeting ako with Mr. Navarro." Paalam saakin ni Hiro saka humalik sa labi ko.

"Mga anong oras?" Tanong ko sa kanya.

"Maybe between 10 or 11." Sagot niya. Napatango naman ako.

"Okay, ingat ka na lang.." Sagot ko saka siya hinatid hanggang garahe.

"Bye Daddy!" Paalam naman ni Clint sa Daddy niya.

"Be a good boy, okay?" Tumango lang si Clint sa tatay niya. Tuluyan na umalis si Hiro kaya naiwan nanaman kami ni Clint dito sa bahay.

Anim na taon na ang nakakalipas. Marami na ang nagbago. Third year college namin, nagpakasal kami ulit ni Hiro dito sa Pilipinas. Then continued college. Graduating na kami nang mabuntis ako sa baby naming si Clint Ortega. He's turning three years old this year.

Kung gaano kahaba ang pangalan namin ng Daddy niya, ganun kaikli ang kanya. Ayaw na naming maranasan niya ang pagdurusang dinanas namin ni Lyles.

"Clint, iligpit mo na yang mga toys mo ha? Your Ninangs will be here anytime now." Bilin ko sa anak ko.

Napanguso naman siya. Kamukhang-kamukha niya talaga si Hiro. Siyang-siya nung bata pa kami.

"Mommy, pupunta nanaman dito sina Tita Astrid? May maingay nanaman." Halata sa boses niya ang pagkairita. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa rin kasi nagbabago yung si Astrid. Napakaingay pa rin.

"Hindi ka ba masaya sa tuwing dumadalaw sila dito?" Tanong ko sa kanya saka siya binuhat.

"Ayos lang. Wag lang sana sila maingay." Sagot niya. Ayaw talaga niya ang maiingay.

"Then you should tell them to keep quiet." Sagot ko sa kanya. Kita ko naman ang pag-iling niya.

"As if they will listen to me." Ngumuso nanaman siya kaya hinalikan ko ang mapupula niyang labi.

"Of course they will. Boss ka ng mga yun eh." Natatawang sabi ko sa kanya. Aba't napangisi naman siya.

"Yes. I am the boss." Natawa ako. Ginagawa niya ang boss baby na movie. Binilin ko na nga kay Hiro na huwag ipanood kay Clint ang kung anu-anong movie. Ang sabi naman ng ama na para daw habang bata pa lang ay marami na itong alam.

Baka alam na kalokohan ang ibig niyang sabihin.

Minsan nga inilalayo ko si Clint sa ama niya. Walang tinurong kabutihan.

"HELLO ORTEGA FAMILIAAAAA!" Napatakip si Clint sa tenga niya dahil sa boses ni Astrid. Maging ako ay naiirita sa tuwing sisigaw ng ganyan si Astrid.

"Tita Astrid, maririnig ka naman namin kahit normal lang ang volume ng voice mo." Mahinahon na sabi naman ng anak ko sa kanya.

"Sorry baby boy.. Excited lang talaga akong makita ka. Ang gwapo gwapo kasi ng inaanak ko!" At ayun pinanggigilan nanaman niya si Clint. Halata naman sa mukha ng anak ko ang pagkairita.

Sumunod naman saakin si Bella at Lara sa kusina. Naging bonding na talaga namin ang pagluluto na magkakasama kami.

"Kamusta ang buhay may asawa?" Tanong ko kay Lara.

"Medyo nagaadjust pa ako. Hanggang ngayon hindi pa ako sanay na Ruz na ang apelyido ko." Napapailing niyang sabi.

"Ikaw, kamusta lovelife?" Tanong ko kay Bella.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon