Chapter 38: plan

923 22 5
                                    

A P R I L 1 9 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hiro's Point of View

Buong araw lang akong nasa bahay hanggang sa magpasya akong pumunta sa KFIS kung saan nag-aaral si Hermione. Bigla ko na lang nakita ang sarili ko na nakatayo sa hindi kalayuan kung nasaan si Hermione. Masayang nakikipagtawanan sa isang lalake.

Napalunok ako bigla dahil sa biglaang pagbara sa dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka tumalikod. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Samantalang nakita ko si Nikka kanina sa HN's Kitchen na may kasamang ibang lalake at nakikipaglampungan.

Tangina nga eh! Ang lakas ng loob makipaglampungan sa restaurant namin. Isa pa yun, kailangan ko siya makausap nang magkalinawan na. Wala na yung sayang nararamdaman ko sa tuwing siya ang kasama ko. Hindi na sobrang saya tulad ng dati. Wala na rin yung inis sa tuwing makikita ko siyang kausap si Oliver. Yung basketball teammate ko sa BU.

Psh! Ilang beses ko na sila nakitang magkasama. Iniipon ko lang talaga tong sama ng loob ko kay Nikka para hindi na ako mahirapan hiwalayan siya.

Ewan ko ba, isang araw bigla na lang akong nagising na wala na akong gana sa kanya. Para akong nasasakal. Para akong nakakulong. Hindi ako makagalaw ng maayos kapag siya ang kasama ko. Pinipigilan niya akong maging ako.

Sa ngayon, nababaliw na ako sa kakaisip kung paano ko makukuha ang atensyon ni Hermione. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang makasama.

Gago ako, oo! Oo na tatanggapin ko na. Gago na kung gago! Pagkatapos ko siyang pagsabihan na hindi ko siya mahal at ng kung anu-anong masasakit na salita, hahabol-habol naman ako ngayon.

Aish! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nakakaulol ang ganito!

Nagpunta na muna ako dito sa bahay namin. Dito kina Mommy. Ang alam ko kasi ay wala silang trabaho ngayon kaya dito na muna ako. Sakto naman dahil kakatapos lang magluto ng lunch ni Mommy.

"Oh, Hiro, naparito ka?" Tanong saakin ni Daddy. Napasimangot naman ako.

"Hindi na ba ako welcome dito?" Tanong ko saka naupo. Natawa naman siya saakin.

"Nagtatanong lang ako." Parang nang-aasar niyang sabi.

"Anong nangyare sayo? Mukha kang nabusted. Saka may pasok ka diba?" Tanong niya. Tumango lang ako saka kumuha na ng kanin at ulam.

"Tinamad ako pumasok ngayon. Wala akong gana kumilos." Paliwanag ko sa kanila.

"How's the divorce paper?" Tanong nanaman niya. Tinignan ko siya ng tamad na tamad.

"Dad, pwede ba wag mo munang banggitin yan? Nababadtrip ako." Iritableng sabi ko saka nagsimulang kumain.

"Okay.." Natatawang sabi niya. Kita ko namang kinurot siya ng palihim ni Mommy sa braso niya saka sinamaan ng tingin.

Napapailing na lang ako.

Malamang ay nagtataka din sila kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binibigay sa kanila ang mga papel na yun. Sila kasi ang magbibigay sa lawyer.

Pagkatapos namin kumain ay nagkulong na muna ako sa kwarto ko. Tinatamad talaga ako. Wala akong gana. Gusto ko magpatiwakal. Tanginaaaa!

Gusto ko makita si Hermione.

Ano ba ang dapat kong gawin para makausap at makasama ko lang siya?

Kapag ba pinuntahan ko siya sa school niya at sinabing gusto ko siyang makasama, sasama ba siya saakin? Papayag ba siya?

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon