Chapter 24: superhero ng isa't isa.

718 18 10
                                    

M A R C H 0 8 2 0 1 7
------------------------ 🌸 ----------------------

Hermione's Point of View

Nakatitig ako sa ceiling ng kwarto ko. May condo na kami ni Hiro na magkasama kami. Isang linggo na rin ang lumilipas mula nang makauwi kami mula sa New Hampshire.

I can't believe my parents did this to us. Hindi ko lubos maisip na mangyayare din saakin ang mga nangyayare sa mga librong nababasa ko. Nakakatawang isip dahil akala ko noon malabong mangyare iyon saakin dahil hindin-hindi gagawin iyon ng mga magulang namin.

Kaso heto kami ngayon. Ganun na nga ang kalagayan namin. Magtatagal lang naman ito ng isang taon. Pagkatapos ng 365 days ay mawawala na siya saakin.

Bumuntong hininga ako saka nagpasyal tumayo na. Papasikat pa lang ang araw dahil 5:45 pa lang ng umaga. Nagbihis ako ng leggings at muscle tee at sinuot ang running shoes ko saka itinali ang buhok ko. Kinuha ko rin ang cellphone earphones ko at lumabas. Tulog pa si Hiro kaya nagpasya akong magjogging na lang muna.

Nga pala, magkafloor lang kami ni Marc. Dito kami sa condominium nila kumuha ng unit. Kilala na kasi nina Mommy si Tita Cheska kaya mas panatag sila.

"Good morning, Mrs. Ortega." Nilingon ko si Marc na nakangisi saakin. Inirapan ko siya saka sinalpak ang earphone sa tenga ko. Masyadong mapangasar!

"Aba inirapan ako?" Dinig kong sabi niya. Hindi naman kasi nakasuot yung isa kaya naririnig ko pa rin siya.

"Tigilan mo ako, Marc. Napakaaga pa para asarin ako." Pumasok ako sa loob ng elevator at pinindot ang G. "Araw-araw ka bang nagjajogging?" Tanong niya saakin. Napakunot ang noo ko. "Nope. May pasok." Sagot ko. Nakarating naman kami sa ground floor kaya lumabas na ako.

Naglakad lang kami papunta ng pinakamalapit na park. Malawak itong park at marami din ang mga nagjajogging.

"Kamusta naman kayo ng asawa mo?" Tanong niya saakin. Pinasadahan ko lang siya ng tingin saka nagsimulang magjogging. Hanggat maaari ay ayaw kong napapag-usapan ang saamin ni Hiro. Wala naman kasi akong magandang maisasagot.

"We're fine." Sagot ko saka binilisan ang pagtakbo. Kaagad naman niya akong nahabol.

"Kailan ka mageenroll?" Tanong niya saakin. "Maaga pa para mag-enroll, Marc." Sagot ko. Nakatatlong ikot na kami nang magpasya akong magpahinga muna sandali. Bumili ako ng bottled water saka naupo sa isang bench.

"Hindi ka ba talaga sasamahan ni Hiro sa KFIS?" Tanong niya saakin. Umiling ako saka inubos ang tubig ko.

"Galit ka saakin?" Nilingon ko siya at nakasimangot na siya. Umiling nanaman ako. "Bakit ang cold mo?" Tanong nanaman niya?

"Ang kulit mo kasi." Sagot ko. Inirapan niya ako saka napangisi. "Sorry. Hindi na ako mangungulit." Sambit niya. Napatango naman ako.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Tumayo na ako ulit saka tumakbo nanaman. Pagkatapos ng limang ikot ay nagpasya na akong umuwi. Si Marc may nakitang kakilala niya kaya nagpaalam na iiwan muna ako.

Nang makarating ako sa unit namin ay tulog pa si Hiro. 7 o'clock na bakit tulog pa yun? Madalas kasi ay maaga siyang umaalis. Hindi ko naman alam kung saan siya pumupunta.

At dahil marunong naman akong magluto kahit papiri-pirito lang, nagluto ako. Hindi naman kami pinalaking mang-mang nina Mommy para hindi ko pa.malaman paano gawin ito. Kung nabanggit ko noon na wala akong alam gawin sa bahay, kung sakali man na naitype ni Ayjei iyon, wag kayong maniwala sa kanya! Ibash niyo siya dahil mali ang mga sinusulat niya. Hahahahaha! Joke lang Ayjeeeeiiii!

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon