Chapter 18: nawala nga ba?

721 17 6
                                    

F E B R U A R Y 1 3 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Nandito na ako sa HN's parking lot. Magpapalit pa kasi ako ng damit. Hindi na ako nakapagalit sa school kanina dahil sa kadahilanang tinatamad ako. Nang matapos ako, nakita ko ang sasakyan ni Hiro na nagpark sa tabi ng akin. Nagkunwari akong may kinakalkal sa bag ko nang lumabas siya at sinilip ako sa loob.

Kumatok siya sa window ng pintuan. Nilingon ko naman siya. Kinuha ko na lang ang baby powder ko saka naglagay sa likod ko. Kumwari lang iyon. Wala akong maisip na kunwaring kinakalkal ko sa bag ko.

Lumabas na ako saka ngumiti sa kanya. Galing ko magpanggap noh? Bigyan ng award! Sabay kaming pumasok. Dati-rati, nakaakbay siya saakin or hawak niya ang kamay ko. Ngayon, may distansya na sa pagitan namin.

What happened to us?

"Nandito na pala sila." Nakangiting sabi ni Mommy. Humalik ako sa pisngi nila saka umupo sa isang bakanteng upuan. Tumabi naman saakin si Hiro dahil iyon lang ang bakanteng upuan.

"Anong meron?" Tanong ni Hiro. Tumikhim si Papa bago magsalita. "Ortega Enterprises is merging with Ramirez Corporation.." Nanimula niya. Nakakunot lang ang noo ni Hiro samantalang nakikinig lang ako habang pasimple siyang tinitignan.

"Dad, we don't have anything to do with it. So, bakit kami nandito?" Tanong nanaman ni Hiro. Napapailing na lang ako dahil sa kawalang respeto talaga niya.

"Hindi makapaghintay? Patapusin mo muna kasi ako." Sabi naman ni Papa na inirapan lang si Hiro. "So, in order for that to happen, you both need to get married."

"Yun lang pal-- THE FVCK?!" Napasigaw ako dahil sa narealize ko ang sinabi nila. Tila ba tumigil ang mundo ko nang marinig iyon.

"Watch your word, Hermione." May pagbabanta sa boses ni Daddy. Napakunot ang noo ko saka naramdaman na ang bilis na ng tibok ng puso ko. Ano daaaaw? Tama ba ang narinig ko?

"Anong kalokohan to?" Inis na tanong sa kanila ni Hiro. Napakagat ako sa ilalim na parte ng labi ko.

Kalokohan.

Kalokohan lang ba ang tawag niya sa pagpapakasal saakin? Hindi ba siya marunong makiramdam? Wala ba siyang pakiramdam? Hello, may nasasaktan dito o! Napakainsensitive talaga niya. Alam ko naman na ayaw niya akong pakasalan! Ako ba gusto ko? Syempre, oo! Tungunu, pangarap ko yun pamula pa nang maamin ko sa sarili ko na mahal ko na siya.

Kaso, paano ko naman magugustuhan ang balitang ito kung purong kalokohan lang pala ito para sa taong mahal ko?

"We're serious. This vacation na ang kasal ninyo. We're all flying to New Hampshire.. That's final!" Tumayo na si Daddy saka naman sumunod ang iba.

Wow ha! Pagkatapos kaming madaliin pumunta dito, iannounce na ipapakasal nila kami ng sapilitan, hindi pinakain, tapos iiwan na lang kami bigla? Sila pa ang nagwalk out?

Nakaget over naman ako sa pagkagulat nang biglang tumayo si Hiro at akmang iiwan na akong mukhang tanga na nakaupo doon. Tumayo na rin ako saka siya hinabol. "Hiro!" Sigaw ko sa pangalan niya. Ang bilis niya maglakad.

"No, Hermione! I can't marry you!" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Ang bilis ng paghinga ko. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Kilala ko siya, kapag ayaw niya, ayaw niya. Muli akong bumuntong hininga saka pinakalma ang nasasaktan kong puso.

"I know.. I-i'll talk to them. Sasabihin kong wag na lang nilang ituloy ang pagpapakasal s-saatin." Nauutal kong sabi saka siya nginitian at pumasok na ng kotse ko. Ramdam ko pa rin ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko. Ang sakit nanaman mga bes! Kailan ba matatapos ang sakit na ito?

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon