Chapter 53: malanding mag-asawa

1K 22 0
                                    

M A Y       1 6        2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Mag-isa ako ngayon dito sa bahay namin. Malapit na magpasko. One week na lang at Pasko na. Ramdam ko na ang lamig ng hangin.

Nandito lang ako sa kwarto ko at nanonood ng movie sa Netflix.

One week before Christmas, still no sign of Hiro. Talaga bang ito ang gusto niya? Talagang ayaw na ba talaga niya? Si Nikka na ba talaga?

Naiiyak ako sa tuwing maiisip ko yun. Parati na lang niyang pinipili ang babaeng yun kesa saakin.

Nagring ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino iyon.

Astrid Calling...

Ano namang kailangan ng babaeng ito saakin?

"Ano?" Bungad ko. Wala kasi akong gana makipagdaldalan sa kanya.

"Namatayan ka teh? Anyway, nandito kami sa labas. Pagbuksan mo kami ng gate dali!" Pagmamadali pa niya.

"Ugh!" Tumayo na lang ako saka pinatay ang tawag. Wala nga pala ang mga katulong namin ngayon dahil umuwi sila ng probinsya para sa Pasko.

Pagdating ko sa may gate namin, nakita ko silang lahat na may suot na Santa hat. Yung kulay red na may puting pompom. Basta yun!

"Anong trip niyo? Mangangaroling na lang kayo, dito pa?" Pairap na tanong ko sa kanila. Nandito kasi silang lahat. Astrid, Bella, Lara, Marc, Hiccup, Edward, at Liam.

"Duuh hindi kami nangangaroling!" Sabi naman ni Marc. Napakunot naman ang noo ko.

"Eh ano yan?" Tanong ko sa kanila.

"Harana." Maikling sagot ni Liam na mukhang inip na inip na.

"Sino nanghaharana?" Tanong ko.

"Siya.." Tinuro nilang lahat ang lalaking nasa pinakalikuran. Doon ko nakita si Hiro na may hawak pang gitara habang nakangiti saakin.

Tinikom ko ang bibig ko saka ready na magwalk out nang magsimula siyang magsalita.

"Sweet, please, pakinggan mo muna ang hinanda kong kanta para sayo.." Malambing niyang sabi. Inis ko naman siyang tinignan saka humalukipkip habang nakasandal sa may bakod ng gate namin.

Nagsimula siya magstrum sa gitara niya.

"Panalangin ko sa habang buhay Makapiling ka, makasama ka. Yan ang panalangin ko.." Paninimula niya. Kagat kagat ko ang ibabang parte ng labi ko habang pinagmamasdan siya.

"At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling. Mahal ko iyong dinggin.." Binuhos ko lahat ng makakaya ko para hindi maiyak. Ayaw kong makita niyang bumibigay nanaman ako dahil sa mga pakulo niya. Kailangan niya muna akong paghirapan.

"Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa. At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita." Palapit na siya ng palapit saakin habang may suot na ngisi sa labi niya.

"Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka. Yan ang panalangin ko.." Binitawan niya sa gitna ng kalsada ang gitara niya saka lumapit ng tuluyan saakin.

"At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling. Mahal ko iyong dinggin.." Hinawakan niya ang mga braso kong nakatupi sa harapan ko.

"Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
Yan ang panalangin ko.." Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa may batok niya saka pinulupot sa bewang ko ang mga kamay niya.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon