M A Y 1 8 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------Hermione's Point of View
From: my sweet
Sweet, wala na ba ibibilis yang pamimili mo? Nandito na po ako sa HN's kanina pa. Nababagot na ako.To: my sweet
Maghintay ka, letche! Ayaw mo naman kasi akong samahan. Wala kang pakundangan! Papunta na rin ako dyan.Sumakay na ako ng kotse ko. Kagagaling ko lang ng mall. Namili ako ng bagong gamit para sa condo namin ni Hiro. Idedeliver na lang daw yung iba tulad nung napakalaking couch na binili ko. Binilhan ko rin kasi ng regalo si Hiro. Mabuti naman ay nandoon na siya sa HN's.
Palabas pa lang ako ng kotse ko, pansin ko na ang katahimikan sa loob ng restaurant namin. Dapat ay nakabukas na ito kanina pa. Ang sabi ng magaling kong asawa ay nandito na siya, bakit hindi pa bukas ito? Malilintikan talaga saakin ang lalaking yun.
Nakakunot noo akong naglakad papasok. Bumungad saakin ang nakangiting si Hiro habang may hawak na isang bouquet ng bulaklak. Nasa likuran din niya ang mga empleyado namin na nakangiti saakin.
Lumapit siya saakin habang nakangiti pa rin.
"Happy 3rd wedding anniversary, sweet.." Inabot niya saakin ang mga bulaklak na hawak niya saka ako hinapit sa bewang ko at hinalikan sa labi.
"Happy 3rd wedding anniversary.. Nasurprise nanaman ako sayo. Nakakainis ka!" Pabiro ko siyang hinampas sa braso niya. Marahan naman siyang natawa.
"Mabuti naman at nasusurprise ka pa rin kahit parati ko namang ginagawa ito." Sabi naman niya. Niyakap ko lang siya ng mahigpit.
"I love you, Kyles." Naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko.
"I love you, too, Lyles." Sagot ko naman saka mas isiniksik ang sarili ko sa kanya.
Napabitaw lang ako nang mapuno na ng tilian ang restaurant namin. Marami pala ang nanonood saamin. Hinarap namin silang lahat. Ngayon ko lang napansin na may banner pala silang hawak.
"HAPPY 3RD ANNIVERSARY MR. AND MRS. ORTEGA!" Sigaw pa nila. Natawa naman ako. Mukha pa silang kinikilig kesa saakin.
Lumapit naman kami sa kanila saka nagpasalamat.
"Thank you, guys!" Naggroup hug kaming lahat. Ilang saglit lang ay nagbukas na rin kami. Kaagad naman dinagsa ng mga tao ang restaurant. Kahit anong gawin ay hindi na mawawalan ng tao ito.
"Good morning everyone!" Napalingon ako kay Hiro na nagsalita sa gitna. Napatingin tuloy sa kanya lahat ng customers namin. "3rd wedding anniversary po namin ngayon ng misis ko.." Tinuro pa niya ako. Lahat naman ay bumati saamin. Nagpasalamat naman ako. "At dahil dyan, libre na yang kinakain niyo. Enjoy!" Naghiyawan naman ang mga tao. Tatawa-tawang lumapit saakin si Hiro saka ako inakbayan at inakay palabas.
Ibinilin muna niya ang restaurant sa mga empleyado namin bago kami tuluyang umalis. Iniwan ko na muna ang kotse ko doon dahil dala din niya ang sasakyan niya.
"Where are we going?" Tanong ko sa kanya nang mailagay na niya ang seatbelt ko.
"In our bedroom, sweet. This time, gagawa na talaga tayo ng bata." Namula ako kaagad dahil sa sinabi niya saka sinundan iyon ng hampas saka kurot aa tagiliran.
"Joke lang naman! Aray!" Daing niya saka malanding inirapan ako. Binuhay na niya ang makina ng kotse saka nagmaneho paalis.
"Nako Hiro! Parati mo na lang akong pinapakaba dahil sa mga salita mo. Nakakainis ka!" Sumimangot ako saka nagsandal sa salaming bintana ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
bestfriend // kn
FanficBakit kasi napakawrong timing ng tadhana, noh? Tapos ganyan pa pumana si Kupido! Papana na lang, lilihis pa dun sa taong hindi ka naman mamahalin. At ang mas nakakatawang part, sa best friend mo pa! Lintek na pag-ibig! ds: 12/25/16 de: 5/25/17