Chapter 15: messed up life

676 19 2
                                    

J A N U A R Y 3 1 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Nandito ako ngayon sa cafeteria. Kasama si Astrid, Bella, Marc, Hiccup at Edward. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kasama namin ang mga lalaking to. Ang nakakapagtaka talaga ay si Hiccup.

Mabuti at sumama kay Astrid. Diba? Ito namang si Bella, aba hate na hate ang kalandian ni Astrid pero isa din pala siyang pinaglihi sa kalan. Kalandian.

Mas lalo kaming naging close ni Marc. Sabay kaming gumagawa ng homeworks sa library. Habang palapit kami ng palapit ni Marc, palayo naman ng palayo saakin si Hiro. Madalang ko na lang siyang makita ngayon. Madalas niyang kasama si Nikka at ang mga bitch na kaibigan ng babaeng yun.

I can't believe sumasama siya sa mga lintang yun. "Magkasalubong nanaman yang mga kilay mo." Nagulat ako ng hawakan ni Marc ang pisngi ko saka hinagod ang mga kilay ko gamit ang hintuturo niya.

"Kasi naman eh.. Iniisip ko kung saan ako mag-aaral ng Senior high school." Nakangusong sabi ko. That was a lie. Pero, pwede na rin. Totoo namang hindi ko alam kung saan ako mag-aaral ng senior high school. Malapit na kasi kaming gumraduate. Ang bilis ng oras no? Parang kailan lang nung first day of classes.

Parang kailan lang nung okay na okay kami ni Hiro.

"Lalim naman nun.." Natatawang sabi ni Astrid saakin. Napabuntong hininga na pala ako dahil sa iniisip ko.

"Bakit kasi hindi na lang dito, Herm. Para magkakasama pa rin tayo." Sabi naman ni Bella. "Napagisip-isip ko kasi, gusto ko muna lumayo.. Alam niyo yun, new school, new environment, new friends, new teachers, new rules and regulations. Ganun!" Paliwanag ko sa kanila. Maganda naman ang pag-aaral dito sa BU kaso wala lang...gusto ko muna lumayo.

Gusto ko makakilala ng ibang tao. Gusyo ko lumawak ang social life ko. Para naman hindi lang dito ang naranasan kong school.

"Sayang naman kasi kung aalis ka pa dito sa BU. Pamula nagsimula tayong nag-aral, dito na tayo." Sabi naman ni Astrid. Yun lang talaga ang pinanghihinayangan ko. Saka mapapalayo din ako sa mga kaibigan ko kapag umalis ako dito. Ayaw naman kasi nilang lumipat.

"Pero kung saan ka masaya, susuportahan ka na lang namin." Nakangiting sabi ni Bella. Nginitian ko rin naman siya.

I am thinking of Kithley Ford International School. I heard maganda ang pag-aaral doon at sobrang ganda ng school. Yun din ang pinakamalaking school sa buong Asia ngayon.

Ilang taon pa lang daw nagsimula ang klase doon pero napakarami ng estudyante. Mahal nga lang ang tuition pero keri lang. And besides, mas pabor si Mommy at Daddy doon dahil anak ni Queen Kathry Ford and may-ari nun. Diba partner nila ni Mama yun?

Nakapagdecide na ako. Lilipat ako next school year. For a change naman.. Doon na siguro ako magtatapos ng shs at college. Naexcite tuloy ako. Mamaya pag-uwi ko, sasabihin ko ito kaagad kay Mommy at Daddy.

OoooOoooOooo

"Mommy, Daddy.." Kumatok ako sa office nila. Dito lang naman kasi sila madalas magstay kapag nandito sila sa bahay.

"Come in, sweetheart.." Dinig kong sabi ni Daddy. Binuksan ko ang sliding door saka pumasok at naupo sa couch.

"Mommy, Daddy.. Malapit na po kasi ako gumraduate.." Pagsisimula ko. Nakikinig naman sila saakin. "Naisip ko na baka kung pwede akong lumipat ng school?" Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko.

"Saan mo naman gustong lumipat, nak?" Tanong saakin ni Mommy. "Sa KFIS po. Yung pagmamay-ari ni Ianthe Ford." Sagot ko. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Ayaw mo na ba sa school mo ngayon? May problema ba?" Tanong saakin ni Daddy. Napatuwid ako ng upo. "Hindi sa ganun, Dad. Naisip ko lang na gusto ko mag-aral doon. Para makameet ako ng ibang tao. You know, new environment.." Tumawa ako ng alanganin.

"Kung yan ang gusto mo.. Kakausapin namin ang Mama at Papa mo para makausap namin si Ianthe at sabihing doon kayo mag-aaral ni Hiro." Nanlaki ang mga mata ko. Pinigilan ko si Mommy nang akmang tatawagan na niya si Mama.

"Mommy, kahit hindi ko na kasama si Hiro. Ayos lang.." Sagot ko. Gusto kasi nila kasama ko parati ang lalakeng yun para daw may pumoprotekta saakin. Hindi ba nila alam na may iba na siyang pinoprotektahan?

"No no no.. Hindi kayo pwedeng magkahiwalay." Sabi naman ni Daddy at siya na ang tumawag kina Papa. Napasapo ako ng noo ko.

Pinakareason ko nga ay makalayo kay Hiro at Nikka tapos sasama din pala sila saakin sa paglipat ko. Buhay nga naman. Syempre wala namang magagawa si Hiro kung hindi lumipat kasama ako. At malamang dahil sa undying love niya kay Nikka, malamang isasama niya yun.

Susmaryosep!

"Nakausap ko na ang Mama mo. Pupunta sila dito para makasama tayo magdinner. Halika na sa labas.." Tumayo na sila saka iniwan akong mangiyak-ngiyak.

Panigurado magagalit na si Hiro saakin dahil sa kalokohang naisip ng mga magulang namin. Bakit ba hindi nila magets na hindi kami pwedeng magkasama all the time? Pinipilit nila kami sa isa't isa. Akala nila hindi ko ramdam iyon? Pamula nang mapansin nila na hindi na kami nag-uusap ni Hiro, panay nila kaming sineset up. Hindi nakakatuwa!

Tapos ito nanaman? Hayy hindi ko na kakayanin ang mga magulang ko. Sila na ang pinakamakulit na nilalang!

Maya-maya lang ay dumating na sina Mama at Papa kasama si Hiro na mukhang wala sa mood. Napapikit ako ng mariin. Ito na.. Moment of truth. Pwede ko pa naman siguro silang pilitin na wag na isama si Hiro saakin diba? Baka maparaanan ko pa.

"So, Hermione, ano nga yung sinasabi mong school?" Tanong saakin ni Papa.

"KFIS po.." Sagot ko saka sinubo ang isang kutsara ng pagkain. "Sigurado na ba kayo na doon kayo mag-aaral?" Tanong ni Mama.

"Louie, hindi nga ako mag-aaral doon. I'll stay in BU." Inis na sabi ni Hiro.

"Hiro, kung saan si Hermione doon ka. That's final!" Madiin na sabi ni Papa. "No need, Pa. I can handle myself. Hindi na kailangan ni H-hiro samahan ako.." Sabi ko saka tinignan si Hiro.

"See! Kaya na niya ang sarili niya. Matanda na siya, Dad. Hayaan niyo na siya.." Natahimik ako dahil sa sinabi ni Hiro. Ang sakit mga beeeeeessss! Sa kanya pa mismo nagmula yan!

"Y-yes.. Tama siya. Matanda na ako. Hayaan niyo na po ako." Yumuko ako saka pinagpatuloy ang pagkain ko. Ginamit ko na ang lahat ng kakayahan ko para huwag akong umiyak sa harapan nilang lahat. Naramdaman kong hinawakan ni Kuya Harry ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Nginitian ko siya. Mula nang sinabi niya saakin na mahal ko si Hiro, pinanindigan talaga niya yun kaya siya ang nilalapitan ko kapag umiiyak ako dahil kay Hiro.

"Fine. If that's what you want.. Kung ayaw ni Hiro. Si Marc ang sasama sayo." Napaangat ako ng tingin kay Daddy saka napanganga. "Daddy! Pati ba naman si Marc papakialaman pa natin?" Tanong ko sa kanya. Mukha namang natuwa si Kuya Harry. Palibhasa boto siya kay Marc dahil hindi daw ako pinapaiyak nun.

Nakakaasar mga bes!

"That's final! Kung ayaw mo, magstay ka na lang sa BU." Tumayo na si Daddy kaya wala na akong nagawa. Kawawa naman si Marc. Pati siya nadadamay dahil sa kalokohan na naiisip ko.

What to dooooo? Pumayag kaya si Marc? I mean nandoon sa BU ang mga kaibigan niya. Tapos lilipat siya dahil lang saakin? Jusko ano ba naman itong pinasok ko? Tapos si Hiro mas lalong nabadtrip saakin.

Mula nang hindi kami mag-usap, eto na ang buhay ko. A messed up life without Hiro in it..

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon