Chapter 8: Tsismosang Hermione

771 18 4
                                    

J A N U A R Y     1 3      2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point Of View

"Oh, buti nandito ka? Wala kang date?" Binagsak naman niya ang sarili niya sa may kama ko. Tinuon ko ulit ang pansin ko sa panonood ng tv.

"Wala..." Maikling sagot lang niya. Hawak ko ang isang bowl ng popcorn ko at seryosong nanonood.

"Ano yan?" Tumabi saakin si Hiro at inagaw yung bowl ng popcorn.

"Bastos na bata." Nagmake faces lang siya saakin.

"Hoy, ano yan?" Tanong nanaman niya chaka tinuro yung tv. Napakunot naman yung noo ko.

"TV yan..as in television. Kabobohan mo talaga kahit kailangan." Nakatanggap naman ako ng batok mula sa kanya.

"Ang ibig kong sabihin, ano yang pinapanood mo?" Tanong nanaman niya saakin.

"Porn." Pokerface na sagot ko sa kanya. Ramdam ko naman na ang sama na ng tingin niya saakin kaya unti-unti ko siyang nilingon at nginitian.

"Joke lang. Common sense naman kaseee...nakikita mo namang movie yang pinapanood ko." Natatawa kong sabi sa kanya.

"HERMIONE RAMIREZ!!" May pagbabanta sa boses niya kaya lalo akong natawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA ANG PANGIT MO--Eeecckkk--Ehem! Ehem!" Napaubo naman ako dahil pinuno niya ng popcorn yung bibig ko.

"Napakasama ng ugali mo! Paano kung nalunok ko lahat ng yun at bumara sa throat ko at ikinamatay ko? HUH?! Paano ka mabubuhay ng wala ako?--ARAY KO SUMOSOBRA KA NA HIRO ORTEGA!!" Ready na sana akong sapakin siya kaso nakatakbo na siya kaagad.

"Wag kang magpapahuli saakin kung hindi katapusan na ng buhay mo!" Nakapamewang ako habang masama ang tingin ko sa kanya.

"Kung mahuhuli mo ako." Nagbelat pa saakin yung loko kaya mas lalo akong nagpursigi na mahuli ko siya.

Kaso ilang minuto ko na siyang hinahabol, wala pa rin. May iba na kasi siyang hinahabol. Yun ang gusto niya eh. Habang ako, pagod na pagod kakahabol sa kanya tapos wala naman pala siyang pake.

#SadlaypHugot

"Hoy Kyles! Bakit ka tumigil sa paghabol saakin?" Tanong niya saakin habang hinihingal pa.

"Nasasaktan na kasi ako. Pagod na ako kakahabol sa wala...pagod na ako sa kakahabol sayo na parati namang tumatakbo palayo saakin." Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo niya.

"Anong pinag-sasabi mo dyan?" Takhang tanong niya saakin.

"Bakit ka ganyan? Sa tuwing may sasabihin ako, hindi mo maintindihan? Sabagay, nung sinabi ko nga na mahal kita, tinalikuran mo lang ako eh." Nakangisi ko pang sabi.

"Hindi ko gets.." Nagkakamot ulo niyang sabi at unti-unting lumapit saakin.

"Lahat naman hindi mo gets--"

"HUMUHUGOT KA, KYLES? Juice colored! HAHAHAHAHA!!" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla siyang sumigaw sa harapan ko. Naiatras ko pa tuloy yung ulo ko sa sobrang lapit niya.

"Pwede ba patapusin mo muna yung sinasabi ko bago ka umepal?" Asar kong tanong sa kanya.

"Ay sorry..sige ipagpatuloy mo."

"Lahat naman hindi mo gets...dahil sa sobrang pagkaslow mo. HAHAHAHAHAHA!!" Humalakhak naman ako saka ako tumalon sa kanya. Laking pasasalamat ko at nasalo niya ako kung hindi pareho kaming bumagsak sa sahig.

"Good catch! Mabuti na lang at nasalo kita kaagad." Napatingin ako sa kanya.

"Sana parati mo akong masasalo kapag nafo-fall ako. Masakit kasi mafall mag-isa. Maglalanding yung pwet mo sa sahig." Ibinaba naman niya ako dahan-dahan.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon