Chapter 28: wish

714 20 3
                                    

M A R C H 2 6 2 0 1 7
#QueenKathryn21stBirthday
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Bumalik kami ni Marc sa bahay na nirerentahan namin. Nandito na pala silang lahat. Nakasimangot naman si Hiro nang makita ko siyang nasa isang sulok lang habang hawak ang cellphone niya.

Ano nanaman bang problema niya?

Pasimple akong umalis sa tabi ni Marc at lumapit kay Hiro. May pakialam ako sa kanya kaya ayaw ko siyang nalulungkot.

"Hindi ba siya makakarating?" Tanong ko sa kanya. Sumulyap siyang muli sa cellphone niya saka nagkibit balikat.

"Baka may inasikaso lang sa Pilipinas. Darating yun.." Pagpapagaan ko ng loob niya. Hanga rin ako sa sarili ko. Nakukuha ko pang pagaanin ang loob niya sa pamamaraan nang babaeng kaagaw ko sa puso niya. Ang lakas ng loob ko noh?

"Walk with me." Tumayo siya saka hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko naman ang boltahe ng kuryente na dumaloy sa mga ugat ko dahil sa ginawa niya. Walang nakapansin saamin dahil abala silang lahat sa paghahanda ng mga pagkain.

Pumunta kami sa beach kung saan kami galing ni Marc kanina. Naupo kami sa same spot kung saan kami nakaupo kanina.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman niya ako aayain dito kung wala siyang gustong pagusapan.

"Bakit mo ito ginagawa?" Tanong niya saakin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ang alin?" Walang ideyang tanong ko. Bakit hindi kaya niya ako diretsuhin nang hindi ako nanghuhula diba?

"Pagaanin ang loob ko. Ayos na ba sayo na si Nikka ang mahal ko? Diba mahal mo ako? Dapat nga ikaw ang magsasabi saakin na huwag ko siyang papuntahin dito. Ikaw pa naguudyok saakin na gawin yun." Nakakunot ang noo niya habang nakatingin saakin. Napaiwas ako ng tingin saka tinitigan ang dagat.

Para rin pala akong dagat. Sa labas lang mukhang payapa. Pero sa loob, may hinanakit din.

"Hindi ko naman talaga gustong gawin yun. Kaso mahal kita kaya kung ano ang magpapasaya sayo, tatanggapin ko. Alam mo ba na nakakalason ang pagmamahal ko sayo? Pwede ko ikamatay kahit hindi sinasadya." Napangisi ako dahil sa sinabi ko. Kita ko namang tahimik lang siya habang nakikinig.

"Okay lang lahat saakin, maging masaya ka lang. Kaya kung ang wish mo ngayong birthday natin ay ang divorce ng kasal natin, i-ibibigay ko sayo. Maging masaya ka lang.." Tinignan ko siya saka nginitian. Kita ko ang pagkakunot ng noo niya.

"Alam mong isang taon pa ang itatagal ng kasal natin." Kumuha siya ng maliit na bato saka ibinato iyon sa dagat. Ang layo ng narating nito.

"Hindi. Nakausap ko na si Mommy at si Mama. Gagawan na daw nila ng paraan. Humingi na rin sila ng tawad dahil nasira pa nila ang samahan natin." Niyakap ko ang mga tuhod ko saka nagsulat sa buhangin gamit ang hintuturo ko.

Superhero

"Eh ikaw, ano ba ang wish mo ngayong birthday natin?" Tanong niya saakin. Pinagpagan ko ang daliri ko saka tumingin ulit sa dagat.

"Magsinungaling ka saakin." Sagot ko. Ramdam ko ang masamang titig nito saakin. Nilingon ko naman siya at hindi nga ako nagkakamali. Masama ang titig niya saakin. Nginisian ko lang siya saka tinitigan.

"Ano namang kasinungalingan ang sasabihin ko?" Tanong niya saka nag-iwas ng tingin.

"Tell me you love me."

Nakakunot noo niya akong nilingon. Tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nginitian ko lang siya.

Totoong yun ang wish ko.

"I love you.." Napapikit ako habang pinapakinggan ang mga salitang sinabi niya. Kunwari, totoo yun. Kunwari, hindi ko sinabi sa kanya na magsinungaling siya saakin. Kunwari, mahal talaga niya ako.

"Once more, please?" Pagsusumamo ko. Nakangiti ako ngayon pero ang puso ko ay lumuluha. Sino bang niloloko ko? Sigurado kasi ako na hindi ang puso ko.

"No more. I don't wanna lie to you." Napalunok ako saka marahang iminulat ang mga mata. Nakangiti pa rin ako habang unti-unti ng nadudurog ang puso ko. I get it.. Hindi na niya kayang magsinungaling na mahal niya ako. Dahil hindi rin niya kayang magsinungaling sa sarili niya.

"Balik na tayo doon." Tumayo na siya at iniwan akong nakaupo sa buhanginan. Nang hindi ko na maramdaman ang presensya niya ay nagunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

Ang hirap magpanggap. Ang hirap magkunwari na okay ka lang. Ang hirap ngumiti kahit lumuluha ka na sa loob-looban mo. Ang hirap paniwalain ang sarili na mahal ka rin niya. Na baka may pag-asa pa.

Kahit bilang best friend na lang niya..

Kaso, niloloko ko lang naman ang sarili ko eh. Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Wala naman siyang pakialam sa nararamdaman ko, ako lang talaga itong nananakit sa sarili ko. Alam ko namang wala na, ipinipilit ko pa rin.

Ang hirap naman kasi. Ang sakit pala ng pag-ibig. Alam mo yung sakit na hindi mo maipaliwanag? Yung sakit na ayaw mo? Yung sakit na pinipilit mong kalimutan pero parati mong nararamdaman? Yung sakit na sobrang sakit. Yun ang nararamdaman ko. Gusto kong umiyak lang ng umiyak hanggang sa mapagod ako. Gusto ko ibuhos lahat ng nararamdaman ko.

Pero nahihirapan na ako. Nagsasawa na ako umiyak. Nagsasawa na ako masaktan.

Pwede ba na isipin ko na lang na mahal pa rin niya ako? Kahit bilang kaibigan na lang.

Kunwari, mahal niya pa ako. Kunwari, siya pa rin si Lyles na superhero ko. Kunwari hindi ako nasasaktan dahil sa kanya. Kunwari okay lang ako.

Haharap nanaman ako sa mga taong mahalaga saakin na may suot na maskara. Tatakpan ko nanaman ang umiiyak na mga mata ko. Tatakpan ko nanaman ang simangot ko. Tatakpan ko nanaman ang sakit na nararamdaman ko.

Lahat nalang pagpapanggap. Kung ganun naman pala, hindi ba pwedeng magpanggap na rin ako na masaya kami ni Hiro sa buhay namin ngayon?

Magpapanggap na lang ako na okay kaming dalawa.

Baka sakaling kahit papaano ay mawala ang sakit na nararamdaman ko. Hindi naman magtatagal to. Malapit na kaming matapos. Malapit ng dumating ang deadline namin.

Baka next month lang, tuparin ko na ang wish niya saakin.

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon