Chapter 23: pangako sa mt. washington

751 20 13
                                    

M A R C H 0 4 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

When I was 5, I dreamed of having a fairytale like wedding. Kasing romantic ng mga napapanood kong wedding ng mga prinsesa.

When I turned 13, gusto ko yung wedding nina Bella and Edward. Soooobrang nainlove ako sa wedding nila. They were just so perfect for each other.

Now, that it is finally my wedding, wala na. Lahat ng nais ko noon, hindi naman pala matutupad ngayon.

Long gowns, beautiful flowers, smiles on our family, relatives and friends' faces, and my man standing at the end of the aisle. Excited because finally ikakasal na kami. Teary eyes while smiling.. Napakasarap imagine-n lahat ng iyon.

Napapikit ako nang makita ko si Hiro na nakakunot ang noo habang walang emosyon ang kanyang mga mata. He's just wearing a white button down polo and jeans. While, I am wearing a simple white dress and may white flower crown din ako. Sobrang simple lang ng lahat.

Kahit ganito kasimple, basta si Hiro ang pakakasalan ko, everything looks perfect. Ngayon na 16 na ako, narealize ko na hindi naman talaga mahalaga kung ano ang motif ng kasal, kung ilan ang dadalo, kung gaano kahaba yung gown, kung gaano ka kaganda, or kung sa church, beach or gubat man yan. Ang mas mahalaga ay ang taong mahal mo ang sasalubong sayo at makakasama mo sa harapan ng altar.

The person you love and who loves you matters.

Nandito sina Mommy, Daddy, Mama, Papa, Kuya Harry, at Kuya Ron. Kami-kami lang talaga.

Nagumpisa ang seremonya.

OoooOoooOooo

"You may now kiss your bride." Napalunok ako dahil sa narinig ko. Hinalikan lang ako ng mabilis ni Hiro sa pisngi saka na umalis. Natulala ako. Hindi dahil sa hinalikan niya ako, kundi dahil iniwan niya ako kaagad.

"Hiro!" Tawag sa kanya ni Papa. Sumunod na rin naman kami. Nahuhuli akong maglakad sa kanila. Tinanggal ko ang flower crown sa ulo ko saka malungkot na napangiti. Mapaglarong tadhana, masaya ka na ba ngayon? Ang galing mo!

"Bukas na ang flight natin pabalik ng Pilipinas. Better pack your things." Hinalikan ako sa pisngi ni Mommy bago iniwan. Nandito na kami ulit sa hotel kung saan kami nagcheck in. Isang linggo na kami dito at anim na araw na rin kaming kasal ni Hiro.

Never ko pa siyang nakausap mula nang ikasal kami. Ni hindi ko man lang siya malapitan. Madalas kasi ay malamig ang pakikitungo niya saamin at tila umiiwas siya. Ang buong akala ko nga ay sumangayon na talaga siya sa kasal na ito. Isang taon lang naman. But it seems like, never talaga niyang matatanggap ito.

Kung may magagawa lang ako, hindi ko hahayaang mangyare to kahit inaasam-asam ko rin na balang araw ikaw ang lalake para saakin. Kaso anong magagawa ko? Biktima lang ako ng letcheng pag-ibig! Pinaglaruan ng tadhana! Wala naman akong pakialam sa love na yan noon. Kaso ayan! Letche, isinampal saakin ang totoong kahulugan ng love. Love was just a word for me. Until I felt it towards my best friend and stabbed me and slapped it on my face. Ayun, doon ko nalaman na masakit ang love. Masyado itong brutal!

Inimpake ko na ang gamit ko saka naupo sa kama. Pinaglaruan ko ang wedding ring na suot ko. Ang cute nito. Isa siyang white gold ring na may maliliit na diamond sa gilid. Bagay na bagay saakin. Yung kay Hiro, simple lang siyang white gold. Nothing really special about it. Isang taon lang naman nasa kanya iyon. Actually, hindi niya sinusuot iyon. Nilagay lang niya sa necklace niya. Ang sabi niya ayaw niyang makita ng iba yun. Nakakahiya daw.

Ang sakit dibaaaa? Itinanggi ako ng lalakeng mahal ko. At, asawa ko pa yan ha! Ouch lang mga bes! Isang sapak at sampal na iyon saakin.

"Sweetheart?" Nadinig kong kumatok si Mommy. Inayos ko ang sarili ko at nakangiting binuksan ang pintuan. "Yes, 'mmy?" Tanong ko naman.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon