Chapter 44: baby

972 25 2
                                    

A P R I L 2 9 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Tulog na si Hiro. Medyo bumababa na ang lagnat niya pero parang bata pa rin siya. Napapailing na lang ako sa tuwing magmamakaawa na siya saakin. Mabuti na lang at tapos ko na lahat ng school works ko.

Iniisip ko nanaman si Marc at Lara. Nakakafrustrate na talaga sila. Ano na bang nangyayare sa kanilang dalawa? Meron na bang sila?

Itong si Hiro naman, nagpupumilit na pumasok bukas. Hindi pa siya okay talaga. Gusto daw niyang makausap si Nikka. And, speaking of that bitch, bakit hindi man lang dumalaw ng ospital at dito? Wala ba siyang pakialam sa b-boyfriend niya?

Aish! Walang kwenta!

Naalala ko bigla yung nakita ko noon sa ospital. Dun sa clinic ng ob-gyne..

Siya yun. Si Nikka yung nakita ko na lumabas mula dun sa clinic ng ob. Hindi ko pa nga alam kung anong ginagawa niya doon. Iwinaksi ko na kasi sa isip ko yun. Naalala ko lang dahil nabanggit ko ang ospital at si Nikka.

But, whatever! Wala na akong paki doon. May paki ba kayo doon? Diba, wala? Yaaahh! Wala tayong paki sa babaeng yun! Beautiful girls don't give a daaaaamn!

"You look crazy.." Napalingon ako kay Hiro na nakangisi saakin ngayon. Nagising pala siya.

"Kung ako crazy, ikaw mukha kang tae!" Pairap na sabi ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya kaya binato ko siya ng throw pillow.

"Where are you going?" Tanong niya saakin sa nanghihinang boses.

"Kitchen. Kuha ako ng gatas. Gusto mo?" Tanong ko. Tumango lang siya saka niyakap ang unan na nasa tabi niya at pumikit.

Tignan mo to, gusto daw ng milk pero bumabalik sa pagtulog. Nananaginip ba siya?

Lumapit ako para tignan kung gising ba talaga siya. As in isang inch lang yata ang pagitan ng mukha namin. Natagalan ang pagtitig ko dahil ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit. Natitigan ko na siya noon, kaso matagal na yun.

Ang haba ng pilik mata niya. Kaya nga ang sarap nakikipagtitigan sa kanya dahil magaganda ang kanyang mga mata. Matangos din ang ilong niya, gustong-gusto ko ilandas ang daliri ko doon. Napatingin ako sa labi niya, parang iniimbita nila ako. Ang pupula nila..

"Baby, if you want a kiss from me, sabihin mo lang. Hindi mo na kailangan nakawin pa iyon." Nakangisi si Hiro habang nakapikit pa rin.

"Lul!" Lumayo ako sa kanya saka hinampas nanaman siya ng unan.

"Chinecheck ko lang kung gising ka ba talaga. Nagpapakuha ka kasi ng gatas, tapos bumabalik ka naman sa pagtulog." Inirapan ko nanaman siya saka tinalikuran. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.

Bakit ko ba kasi ginawa yun?

"Ang bad ng bibig mo, baby.." Nakasimangot niyang sabi. Napangiwi ako dahil sa itinawag niya saakin. Dalawang beses na niya sinabi yan.

"Don't baby me. Mukha ba akong sanggol ha?" Tinuro ko pa ang mukha ko. Unti-unti namang sumilay ang ngiyi sa labi niya.

"Hindi. Pero iyon muna ang itatawag ko sayo habang wala pa akong tatawaging baby.." Nakangiting sabi niya. Ang tamis ng ngiting iyon kaya kinilabutan ako bigla.

Ahh ganun? Porke wala si Nikka dito na 'BABY' niya, ako ang reserba? Ganun ba yun? Psh!

Tinalikuran ko na lang siya saka padabog na lumabas ng kwarto. Kainis talaga ang lalaking yun. Si Nikka pa rin ang bukambibig eh ako lang naman ang nandito. Ako kaya ang nag-aalaga sa kanya from day one. Bakit puro si Nikka na lang ang nasa isip at puso niya?

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon