Chapter 52: our goodbye

789 24 3
                                    

M A Y 1 3 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hiro's Point of View

From: misis ko
Magkita tayo sa HN's Kitchen mamaya. Sa office natin. Kapag hindi mo ako sinipot, hinding-hindi mo na ako makikita. TANDAAN MO YAN!

Napalunok ako dahil sa natanggap kong text mula kay Hermione. Jusko po!

From: misis ko
12 o'clock sharp. Wag kang magpapalate!

Ipinatong ko ang cellphone sa center counter ng kitchen namin. Magluluto sana ako ng lunch ko. Kaso mukhang may date ako ngayon with kamatayan-- I mean, with my wife. Kaya, hwag na lang.

Ngayon ko dapat kakausapin si Oliver kaso naisip ko na unahin muna ang asawa ko. Mukhang excited na siyang makita ako. Miss na miss na siguro niya ako. Pagbibigyan ko na.

Nagbihis na din ako dahil 11 o'clock na. Tatadyakan talaga ako nun kapag nalate ako. Baka iwan na ako ng tuluyan.

Nagsuot na lang ako ng simpleng white shirt saka tokong. Naglalaway saakin si Hermione sa tuwing ganito ang suot ko. Lalo siyang nagugwapuhan saakin. Baka sakaling magbago ang isip niyang pagmumurder saakin kapag nakita niya ako.

Sinuot ko lang ang vans shoes ko saka na ako lumabas para mapuntahan ang misis ko.

Laking pasasalamat ko talaga dahil hindi ako ginulo ni Nikka ngayong araw na ito.

Tumunog ang cellphone ko. Napangiti naman ako dahil alam kong si Hermione na ang nagtext saakin.

Kaso hindi.

From: Nikka
Makikipagkita ka kay Hermione? Nandito ako sa unit ko. Hiding a knife and ready to stab my womb.

Mariin akong napapikit. Walangjo talaga! Pero ipinagkibit balikat ko iyon dahil alam ko walang utak si Nikka pero hindi naman talaga niya gagawin iyon. Tinatakot lang niya ako.

Pinaandar ko na ang kotse ko at nagmaneho papunta ng HN's. Nang makarating ako doon, tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Nikka. Tangina talaga!

"Ano nanaman ba ha?" Naiiritang tanong ko sa kanya.

"Sir?" Napakunot ang noo ko nang ibang boses ang narinig ko. Boses ng ibang babae.

"Who's this?" Tanong ko.

"I am Theresse. Nurse po ako dito sa St. Luke's hospital. Kayo po kasi ang last na taong tinext ng pasyente namin kaya kayo na tinawagan ko." Nakikinig lang ako sa kanya.

"What happened to her?" Tanong ko. Nakita ko namang pababa ng hagdan si Hermione.

"She tried to commit suicide, Sir. Nagkaroon po ng bleeding--"

"I'll be there.." Sagot ko saka ibinaba ang tawag. Nagmamadali akong sumakay ulit sa kotse ko habang hindi pa ako nakikita ni Hermione.

"I'm sorry, sweet.. Kailangan ko na talagang tapusin to. Nikka is a psychopath.. Kawawa ang magiging anak niya.." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa rear view kung saan tanaw ko si Hermione na umiiyak habang pinapanood ang kotse kong papalayo sa kanya.

Nahampas ko ang manibela ng kotse ko. "Tangina! Umiiyak na siya!" Gigil na sabi ko.

"I promise baby, I will fix this.." Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Hermione's Point of View

"So, that's your decision? Well then, goodbye, Hiro.." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko saka pumasok ng kotse at nagmaneho paalis.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon