Chapter 25: nasasanay na

715 22 15
                                    

M A R C H 1 4 2 0 1 7
Happy birthday sayo!
Kung birthday mo man ngayon.
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Tambay lang ako dito kina Astrid ngayon. Wala nanaman kasi akong kasama sa condo unit kaya nagpunta na lang ako dito. Nandito rin naman kasi Bella.

"Kamusta buhay may asawa?" Tanong saakin ni Astrid. Sinamaan ko naman ng tingin. Bakit ba ang hilig nila akong tanungin yan?

"Ayos naman." Sagot ko saka niyakap ang throw pillow na nasa likod ko kanina.

"Ayos naman? Hindi man lang masaya?" Tanong nanaman niya. Tahimik nanaman si Bella. May bago ba dun mga bes?

"Hindi. Magiging masaya ba ako kung yung asawa ko nga ay panay namang wala sa bahay namin." Binuksan ko yung Doritos saka lumamon. Ganito talaga kapag wasak ang lovelife. Mas mabuting ikain na lang lahat ng sakit.

"Sabagay may punto ka naman dyan. Mabuti na lang ako walang lovelife." Sabi naman niya na nagpakunot ng noo ko. "Anong nangyare kay Hiccup? Tinigilan mo na yata?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Oo. Nakakasawang humabol sa taong pilit lumalayo sayo. Napapagod din ako kahit ganito ako kasexy." Ngumuso siya bago kumuha sa Doritos na kinakain ko. "Gusto kong hanap-hanapin naman niya yung pangungulit ko sa kanya araw-araw." Dugtong pa niya. Napakibit balikat lang ako dahil sang-ayon naman ako sa sinabi niya.

"Ang hilig mo kasi magpapansin. Hindi mo man lang maramdaman na naaalibadbaran na sayo yung tao." Sambit naman ni Bella. Lalong napasimangot si Astrid.

"Pwede ba palagyan ng filter yang bunganga mo, Bella? Sakit magsalita!" Kunwari pang nagtatampong sabi ni Astrid.

"Pasalamat na lang kayo at may kaibigan kayong tulad ko na sasabihin lahat ng nakikita niyang mali. Kahit ikasakit pa ng loob niyo basta honest ako. Karamihan ng magkakaibigan ngayon, nagpaplastikan nalang. Gusto niyo bang sumali na tayo sa populasyon nila?" Mahabang litanya niya saamin. Napailing kami ng sabay ni Astrid na tila ba napagalitan kami sa Nanay namin dahil palakol lahat ng grades namin.

"Pero namimiss ko na siyaaaa! Ano bang dapat kong gawin? Hindi naman ako mamimiss nun. Mas namimiss ko siya! Tarantado talaga yung lalakeng yun. Nagayuma niya ako ng ganito!" Nagpagulong-gulong pa si Astrid sa kama niya habang ginuhulo ang buhok niya. Nabaliw na siya mga kaibigan.

"Eh tanga ka kung ganun." Sabi nanaman ni Bella. Sinamaan siya ng tingin no Astrid.

"Hoy Bella, ewan ko pero talaga ginagawa mo na lang dahilan ang pagiging totoo mong kaibigan para lang saktan kami. Kaasar ka!" Ngumuso nanaman siya saka marahang hinampas ng unan si Bella sa kandugan nito.

"Aba loka ka pala. Kung hindi totoo ang sinasabi ko, bakit ka affected ng ganyan?" Natahimik naman si Astrid dahil totoo nanaman ang sinabi ni Bella. Basag nanaman ang madaldal at amazona kong kaibigan sa prangka at weird kong kaibigan.

"Bakit ako lang parati pinagsasabihan mo? Bat si Hermione, hindi?" Tinuro pa niya ako kaya mapakunot ang noo ko. "Dahil tama lahat ng ginagawa ko." Binelatan ko pa si Astrid. Para kaming bata na nag-aasaran.

"Isa pa rin yang tanga. Nagpakulong pa sa isang pagmamahalan na siya lang ang umiibig. Yung lovelife niya ay parang larong sili-water. Nagpapasaklolo na siya sa tubig ni Hiro kaso sinaklolo ng huli yung iba. Ayan, naiwan siyang lumuluha at nasasaktan dahil sa anghang." Inirapan pa ako ni Bella.

"Isa lang ang masasabi ko sa sinabi mo.." Tinaasan ako ng kilay ni Bella. "Tama.." Pagtutuloy ko. Tumango siya na para bang sinasabing 'I'm always right.'

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon