Chapter 32: number 1 enemy

689 18 8
                                    

A P R I L 1 2 2 0 1 7
Fast forward!
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

First na ng klase namin ngayon. Nandito na kami ni Marc sa gate ng KFIS. Hindi pa rin ako makapaniwala na dito na nga ako mag-aaral. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang naglakad papasok.

"Nervous?" Tanong saakin ni Marc saka ako inakbayan. "A little." Maikling sagot ko saka lumunok. Oo medyo kinakabahan ako dahil bago nanaman ang mga magiging kaklase ko. Hindi ko alam kung ano ang ugali nila. Hindi ko alam kung makakasundo ko sila.

Pero, bahala na si Batman. Bumuntong hininga muna ako saka na ngumiti. Magkasama kami ni Marc ngayon dahil pareho lang kami ng strand.

STEM.

Gusto daw kasi niya kumuha ng engineering sa collage kaya ayun pareho kami. Ganun din kasi ang gusto ko.

Pakiramdam ko magiging maayos naman kami dito. Pero hindi pa rin maalis yung pakiramdam na hinahanap-hanap ko rin yung BU. Yung atmosphere doon, yung mga estudyante na pamilyar ang mga mukha, yung campus na kabisado ko na ang pasikot-sikot. Hayy... Pero this is my choice.

Pagpasok namin sa room, bumungad na saamin ang maingay na paligid. Wow, parang mga kaklase ko lang sa BU.

Napangiti ako dahil kahit papaano, nasisiguro ko na mag-eenjoy din ako dito.

Naupo kami ni Marc sa dalawang bakanteng upuan sa may likuran. Pinagmasdan ko ang mga bago kong kaklase. Halos ay kilala na nila ang isa't-isa. At masasabi kong mayayaman silang lahat. Makikita ito sa mga alahas na suot nila at ang mga gadgets na hawak nila.

"Hi! You're new here. I'm Lara." May babaeng lumapit saamin ni Marc. Nakangiti siya saka inextend ang kamay niya saamin. Masaya ko naman itong tinanggap. "Hi! Oo bago lang kami dito. I'm Hermione and this is my bestfriend Marc." Pakilala ko. Kinamayan din niya si Marc.

"Saang school kayo galing?" Tanong niya saka naupo sa bakanteng upuan na nasa tapat namin.

"Blood University." Sabay naming sagot ni Marc. Medyo natawa si Lara dahil sa pagsabay namin ng pagsasalita bi Marc kaya nginitian ko na lang siya.

"Doon ako nag-aral noon. Then I transferred here the moment na mag-umpisa ang enrollment. BU was good, but KFIS is the best." Pagkukwento niya. Ang dami pa niyang sinabi na panay tango lang ang sagot ko. It is true na maganda talaga ang KFIS. Mula sa facilities ay bongga na. No doubt.

Habang kausap ko si Lara ay may mga kaklase na rin kaming lumapit kay Marc saka nakipagkilala. Ayun, parang matagal na silang magkakakilala dahil pare-pareho sila ng interest. Mahilig silang lahat maglaro ng basketball kaya pinipilit nilang sumali si Marc sa team nila. Kaagad namang um-oo yung isa na ikinatuwa nilang lahat. Pero kailangan muna daw niya mag try-out dahil napakaraming gusto makapasok sa team nila.

Gumraduate na daw kasi ang ilan sa mga kasama nila noon kaya kailangan na nila kumuha ng bago ngayon.

Habang ako naman, si Lara pa rin ang kausap ko. Hindi siya nakakainip kakwentuhan dahil ang dami niyang sinasabi. Daig pa niya ang radyo. Pakiramdam ko nga ay nasabi na niya saakin lahat ng tungkol sa KFIS which is a good thing para hindi ako mukhang tanga sa tuwing nasa labas kami.

Free day namin ngayon dahil first day pa lang naman ng klase namin. Half day din daw kami sabi ng isang teacher na pumasok kanina.

"Alam mo ba Hermione, dapat talaga badtrip ako ngayong araw na to." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Lara. Sa nakikita ko, napapalagay na ang loob niya saakin. Pakiramdam ko mag-oopen up na siya saakin. Madaling makuha ang tiwala ng isang to.

"Bakit naman?" Sagot ko.

"Eh kasi naman ayaw ko talaga pumasok ngayon! Kainis! Kinaladkad ako palabas ng bahay ng Ate ko! Bwiset na yun!" Pinagmasdan ko ang mukha niya at kitang-kita nga ang pagkainis niya sa Ate niya. Para bang nililibing na niya ito sa isip isip niya.

"Pareho pala tayo. Kaso mga asungot kong Kuya ang mga kaaway ko." Sagot ko saka marahang napangiti. Nakakamiss na nga yung paggising nila saakin. Hindi na kasi ako sa bahay natutog ngayon dahil doon na ako sa condo namin ni Hiro.

"Oh? Alam mo bang pinangarap ko magkaroon ng Kuya para may magtatanggol saakin? Kaso hindi nangyare." Ngumuso siya na parang bata.

"Ilan kayong magkakapatid?" Tanong ko sa kanya.

"Dalawa lang kami ng Ate ko. Boring diba?" Nginitian ko siya.

"Buti ka may Ate. Ako dalawang Kuya. Wala man lang akong mapagtanungan ng mga bagay-bagay." Sagot ko. Totoo naman yun. Sa tuwing gusto ko malaman ang isang bagay na tanging babae lang ang makakaintindi, wala akong mapagtanungan. Wala naman kasi si Mommy para masagot iyon. Hindi ko naman matanong sina Astrid at Bella dahil hindi rin nila nasasagot ng maayos. Walaaaa! Kaya gusto ko talaga ng Ate. Pero may magagawa pa ba ako? Dalawang maskuladong ulupong ang mga Kuya ko? Hayy..

"Thankful naman ako na may Ate ako. Pero madalas talaga sumpaan na kaming dalawa dahil sa kakabangayan namin." Natatawang sabi niya. Bipolar siya no? Kanina nakasimangot tapos ngayon tatawa-tawa naman.

Ilang oras ang ginugol namin na wala naman kaming ginagawa kaya lumabas na lang kami ng room saka naggala sa buong campus. High school campus lang ito pero napakalaki na. Malayo din dito ang college campus at ang pre-elem at elem campus.

"Ganyan din ako noong kakalipat ko lang dito. I am always amaze at how beautiful this school is." Nakangiting sabi ni Lara. Totoo nga, kahit siguro ilang taon ka na dito, hahangaan mo pa rin ang kagandahan nito.

Habang naglalakad kami ay may isang tao ang nakakuha ng atensyon naming lahat. Nakasuot siya ng earphones habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng pants niya. Naglalakad siya papunta sa direksyon namin.

"Omggg! Ang hot talaga ni Liam~" Kinikilig na bulong ni Lara na nasa tabi ko lang. Napakunot naman ang noo ko saka pinagmasdan ang lalakeng palapit ng palapit sa direksyon namin.

Psh! Hot? Siya? Oh, puh-lease! Mukha siyang su-- "Aww, shit!" Napahawak ako sa balakang ko dahil sa maling pagbagsak ko sa sahig. Dammit!

"Tatanga-tanga kasi. Tss.." Nilampasan niya ako saka pinabayaan nakasalampak sa sahig.

"Omg, Hermione!" Madali akong tinulungan makatayo ni Lara saka inalalayan makaupo sa isang bench dito. Tangina ang sakit ng balakang ko.

"Bwiset na yun!" Daing ko habang hinihimas ang balakang ko.

"Ikaw naman kasi girl natameme ka na dun sa kagwapuhan niya. Ayan tuloy nabangga mo na siya." Natatawang sabi pa nitong si Lara. Bwiset! Kanina, hot. Ngayon naman, gwapo? Eh kung tagain ko yung apdo nun? Ugh!

"Hindi siya hot! At hinding-hindi siya gwapo! Mula ngayon, itinatalaga ko na yang Liam na yan ang number one enemy ko!" Gigil na gigil kong sabi habang masamang nakatitig sa daang tinahak niya.

Maya-maya lang ay napangisi ako dahil sa naisip. Liam, Liam, Liam...

Ha!

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon