Chapter 34: si ulupong at tanga

737 18 14
                                    

A P R I L 1 5 2 0 1 7
CHFIL, now showing!
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Ngayon na ang araw ng ball. Papunta ako ngayon sa mall. Magkikita kami nina Bella at Astrid doon. Kasama din namin si Lara. Sa loob ng mahigit isang buwan ay nagkasundo-sundo kaming apat. Lalo na si Lara at Astrid.

Mamayang gabi na ang masquerade ball na sinasabi ni Mommy. At pupunta kaming apat nina Lara. Ang dinig ko ay napakaraming kilalang tao ang dadalo kaya medyo may kaba akong nararamdaman.

Ayaw ko talaga sa mga parties. Alam niyo naman iyon dahil una pa lang nanggulo na kami ni Hiro sa isang event nina Mommy at Mama. Dalawang bagay lang ang gusto ko sa isang party, slow dance and FOOD! Yun lang ang dalawang dahilan kung bakit pumupunta pa rin ako.

Nang makarating ako sa mall ay kaagad akong nagpunta sa meeting place naming apat. Naabutan ko si Bella na nandoon na. Aba, wala pa yung dalawang mabunganga.

"Hey Bell!" Nakibeso ako sa kanya. Nginitian lang niya ako. Nakatutok siya sa phone niya habang may iniinom na frappe. Naupo ako sa katapan niyang upuan.

"Kumusta ka na?" Tanong niya saakin ng hindi ako nililingon. Napaturo ako sa sarili ko, "Ako ba kausap mo?" Tanong ko.

"Gaga, malamang ikaw. May iba pa ba akong kilala dito bukod sayo?" Nakakunot noong sabi niya. Inirapan ko naman siya saka bumuntong hininga.

"Ayos lang ako." Sagot ko sa kanya. Kita kong napapatango siya.

"Nakausap mo na si Hiro about sa divorce?" Tanong nanaman niya. Marahan akong umiling.

"Mamaya na lang sa ball." Sagot ko. Tinanguan nanaman niya ako. Ilang minuto pa ang hinintay namin nang makita ko na sina Lara at Astrid na paparating. Aba't sabay talaga silang nagpunta dito ha?

"Dumating pa kayo, mga letche!" Naiinis na sabi ni Bella sa kanila. Tumawa lang yung dalawa. Nagsimula na kaming maglakad-lakad at maghanap ng isusuot namin mamayang gabi.

Hindi ako gaanong makapagfocus dahil iniisip ko ang mangyayare mamayang gabi. Jusme! Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Mamaya ko na sasabihin at ibibigay kay Hiro yung divorce paper namin.

Paano ko ba sisimulan ang pagsasalita ko kapag ibibigay ko na sa kanya?

"Hi future ex-husband, nandito na pala ang birthday gift ko sayo. Sorry nadelay ng ganito katagal. Enjoy your life!"

Ugh! Para namang masyado akong cheerful kapag ganyan. Ang korni pa!

"Hiro, hawak ko na ang papel na magiging dahilan para mawala ka na ng tuluyan sa buhay ko. Sana maging masaya ka na.. Bye."

Nyeta masyado yatang madrama yan! No no no! Dapat yung tama lang. Ugh!

"Hoy Hermiona!" Napatingin ako kay Astrid nang pumitik siya sa harapan ko. May sinasabi yata siya.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Wala ka nanaman sa sarili mo. Pumili ka na ng susukatin mo dyan." Napatingin ako sa kanilang lahat at may hawak na sila na susukatin nila.

Tumingin naman ako sa rack na nandito sa harapan ko saka nagsimulang pumili.

Hinablot ko ang dalawang dress na nakita ko saka na pumasok ng fitting room.

OoooOoooOooo

In the end, napili ko ang isang puting dress na sobrang fit na fit saakin pwera yung sa ibaba. Basta eto yung picture!

Dibaaa? Ang sexy ko masyado! Ganyan talaga kapag maganda ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dibaaa? Ang sexy ko masyado! Ganyan talaga kapag maganda ka. Pauwi na kami ngayon dahil tumawag na si Mommy saakin. Kailangan ko na daw magprepare. 3 o'clock na rin kasi at pupunta daw kami doon ng 6 o'clock.

"Kita na lang tayo doon sa ball." Bumeso na ako sa mga kaibigan ko at sumakay sa kotse. Uuwi ako sa mansyon ngayon. Hindi sa condo namin ni Hiro. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa condo na yun. Baka ibenta na lang or ipaupa. Ewan.

Babalik na kasi ako sa mansyon o baka kukuha ako ng sarili kong unit sa ibang building. Kung papayagan ako nina Daddy, gusto ko na ring bumukod tutal kaya ko naman na ang sarili ko.

OoooOoooOooo

Tinitigan ko ang sarili ko sa full length mirror na nandito sa kwarto ko. Tapos na akong magbihis. Ready to go na lang.

Hindi ko alam kung sino ang kasabay ko pupunta sa ball mamaya. Kasabay ni Astrid si Hiccup. Hindi ko alam paano nagkaayos yung dalawang yun. Si Bella naman sasabay daw kay Edward. Mygoodness! Si Marc naman si Lara ang kasama. Nagulat nga ako nang malaman ko yun. Aba, nagkakamabutihan yata yung dalawa? Well, mabuti na rin yun para makahanap na ng lovelife si Marc at hindi puro drama sa buhay. Hindi naman daw kasi niya alam na wala pala akong kasabay kung hindi daw sana ako na lang pinili niya.

Naman eeehhhh! Ang sabi pa naman nina Mommy dapat ay per pair ang pumupunta doon. Required daw yun. Yun ang magsisilbing pass mo para makapasok ka. Paano na ako nito? Eh lonely ako!

Panigurado si Hiro kasama nun si Nikka! Juskoooo! Ito na talaga ang kapalaran ko, ang maging mag-isa habangbuhay. Nyeta!

Pero wag kang magpapastress, Hermione. Take a deep breath and smile. Show the world how contented you are.

Damn!

Lumabas na lang ako ng kwarto ko habang bitbit ang purse at car key ko. Ako na lang mag-isa ang pupunta doon. Ipapaliwanag ko na lang sa kanila na wala akong kasama na pupunta doon dahil masaya maging single. Nasa kotse ko na rin pala yung divorce paper namin ni Hiro.

Pinabukas ko sa guard ang gate namin para makalabas ako. Isa sa itim na sports car ang ginamit ko para kahit papaano naman ay maging astig ako kahit nag-iisa lang ako.

Pagdating ko sa venue, dinig na dinig ko ang music mula sa loob. Pinarada ko ang sasakyan ko saka tumingin muna sa salamin. Ang ganda ko talaga!

Dinampot ko ang envelop na naglalaman ng divorce paper at yung purse ko. Doon ko na lang din inilagay ang susi ng kotse.

Bumaba na ako saka naglakad papunta sa entrance. Marami ang pumapasok kaya nagpila pa ako. Mygad!

Nang ako na ang susunod, medyo kinabahan ako dahil baka hindi ako papasukin.

"Miss, nasaan po ang kapartner niyo?" Tanong saakin nung lalake na nagbabantay sa gate. Napairap ako sa isip-isip ko. Heto na Hermione, ipaliwanag mo na..

"Ganito kasi yan, Kuya.. Ako--"

"I'm here.. May kinuha lang ako sa kotse namin ng misis ko." Napalingon ako sa lalakeng bigla na lang ipinulupot sa bewang ko ang braso niya.

"You may come in now Ma'am and Sir. Enjoy the night.." Pinapasok na kami at naglalakad kami na nasa bewang ko pa rin ang braso niya.

Siya ang kasama kong maglakad sa red carpet kung saan kita kami ng lahat ng tao. May suot na mask ang lahat kaya hindi ko sila makilala. Pero itong lalake na nasa tabi ko ngayon ay kilalang-kilala ko. Amoy pa lang niya, naaalibadbaran na ako.

Naupo kami sa isang bakanteng upuan. Magkakatabi kasi ang magkakapartner. Ano ba kasing klaseng pasabog itong nalalaman nila? Hayyy... Ngayon lang ako nakaencounter na party kung saang required na may kapares ka.

Pinalipas ko muna ang biglaang pagsulpot ng 'mister' ko daw at sandaling nanood sa mga naglalakad sa red carpet.

Patay saakin itong ulupong na to mamaya. Ang kapal talaga ng mukha. At paanong nagkataon na magkapareho pa talaga kami ng kulay ng suot? Nakaputi kasi siyang tuxedo. Ugh!

Tadhana nga naman, hindi na ako binigyan ng kaligayahan. Ano bang kasalanan ang nagawa ko?

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon