A P R I L 1 5 2 0 1 7
i just watched chfil, omg!
they nailed it again, ppl!
------------------------ 🌸 -----------------------Hermione's Point of View
"Anong ginagawa mo ba dito, ulupong?" Tanong ko kay Liam na kasayaw ko ngayon. At oo, larang JS prom lang itong nagaganap dahil kung sino ang kapartner mo ay iyon ang first dance mo.
"Hoy baket, iyo ba ang party na ito at wala akong karapatang maparito?" Tanong niya saakin habang patuloy kami sa pagsayaw. Actually kanina pa kami nagbabangayan nito.
"Sinabi ko ba ha? Tinatanong ko lang kung paano ka napadpad dito." Nairap na sabi ko sa kanya.
"Malamang nakakotse ako, tanga!" Kinurot ko siya sa tagiliran niya kaya napangiwi siya. Nasasanay siyang tinatawagan akong tanga. Letche talaga!
"Alam mo, wala ka talagang sense kausap!" Aalis na sana ako doon kaso hinawakan niya ng mahigpit ang bewang ko kaya lara na akong nakayakap sa kanya.
"Let go of me.." Bulong ko sa kanya. Ramdam ko naman ang mainit niyang hininga sa leeg ko.
"Let's dance for another minute." Bulong niya. Pinagbigyan ko na lang siya sa gusto niya. Habang sumasayaw kami ay iniisip ko kung paano ko kakaudapin si Hiro.
Natanaw ko na siya kanina. Kasama niya si Nikka at para bang wala siya sa mood niya. Kilala ko si Hiro, kabisado ko bawat kilos niya. Ano naman kayang nangyare sa kanya?
Ako na lang ang lalapit sa kanya mamaya. Dahil baka matapos na ang party ay hindi pa niya ako nilalapitan.
Natapos ang isang kanta at mabuti na lang inaya na akong umupo ni Liam. Nagugutom na daw siya kaya nagpunta kami sa buffet table at kumuha ng pagkain namin.
"Ano yang dala mong envelop?" Tanong saakin ni Liam saka sumubo ng pagkain niya.
"Iyan ang kasulatan na magpapagunaw ng buong mundo ko." Natatawang sagot ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.
"Pati ba naman sagot mo saakin, pantanga din?" Napapailing niyang sabi kaya hinampas ko nanaman siya sa braso niya. Ayun, muntik na mabilaukan. Tsss...
"Seryoso nga, ano yan? Mukha ka kasing biyernes santo. May problema ka ba?" Tanong niya saakin. Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka.
"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam saakin?" Tanong ko sa kanya. Inirapan naman niya ako.
"Wala naman akong pakialam sayo eh. Bored lang ako kaya kita kinakausap." Sagot niya kaya nasipa ko siya. Nagiging brutal na talaga ako sa kanya dahil naiinis ako sa pagmumukha niya. Dapat talaga tinuloy ko na lang ang balak kong pagtapon sa kanya sa Pasig River.
"None of your business." Sagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na divorce paper ko yun.
"Whatever." Sagot naman niya. Nagpatuloy na lang kami sa paglamon dahil pareho na kaming naiinip. Dinaan na lang namin sa pagkain ng kahit anong ioffer ng mga nagseserve saamin. Kaya kapag lason na ang inoffer saamin, kakainin pa rin namin. Hindi naman kasi namin inaalam kung anong pagkain ang ibinibigay nila.
Ilang saglit pa ang lumipas at nagsimula nanaman ang slow dance. Hinahanap ko si Hiro dahil kailangan ko na siyang makausap. Ang alam ko last na ito at tapos na ang party. Oh diba, wala man lang akong napala sa party na ito.
Wala naman kasi akong pakialam sa business chuchu nina Mommy. Ito.na daw kasi ang chance para makakilala ng ibang businessmen. Magoffer ng partnership or invest mga ganung bagay. At wala akong pakialam sa ganun.
Ang gusto ko lang ngayon ay mahanap si Hiro. Gusto ko kasi siya makasayae kahit sa huling pagkakataon man lang. Huhu!
"Hermione!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
bestfriend // kn
FanfictionBakit kasi napakawrong timing ng tadhana, noh? Tapos ganyan pa pumana si Kupido! Papana na lang, lilihis pa dun sa taong hindi ka naman mamahalin. At ang mas nakakatawang part, sa best friend mo pa! Lintek na pag-ibig! ds: 12/25/16 de: 5/25/17