Chapter 46: mister at misis

892 23 2
                                    

M A Y 0 3 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Sobrang traffic kanina habang pauwi ako. Inabutan ako ng rush hour. Saglit akong pumikit bago nagpunta sa bathroom para makaligo na ako. Nagugutom na rin ako. Ano kayang niluto nina manang?

Pagkatapos ko ay kaagad akong bumaba at nagpunta sa kusina. Para akong pinagbagsakan ng langit nang makita kong walang pagkain sa lamesa namin.

"Manaaaaang!" Tawag ko sa mga katulong namin. Nagmamadali naman silang lumapit saakin.

"Bakit walang pagkain dito? Nagugutom na po ako.." Naiiyak kong tanong sa kanila.

"Sorry po, Ma'am Hermione. Si Sir Hiro po kasi tumawag kanina dito at ang sabi hwag na daw po ako magluto ng hapunan.." Mukhang natataranta na si manang kaya kinalma ko ang sarili ko kahit naiinis na ako dahil walang pagkain.

"Sige po Manang, tawagan ko na lang po si Hiro. Magpahinga na po kayo.." Bumuntong hininga ako saka tumalikod na.

Gigil na gigil naman akong umakyat sa kwarto ko saka kinuha ang cellphone ko para tawagan ang tantadong iyon. Alam naman niyang pag-uwi ko galing sa school ay gutom ako. At anong pumasok sa utak niya at sinabi niya sa mga katulong namin na huwag akong ipagluto ng dinner?

Kumukulo na talaga ang dugo ko sa Hiro na yun. Nanggagalaiti ako sa galit. Ayaw na ayaw ko ang nagugutom.

"HIRO!" Sigaw ko nang sagutin na niya ang tawag.

"Bakit ka ba nakasigaw?" Tanong niya at para bang nanghihina ang boses niya.

"Nasaan ka?!" Pasigaw ko pa ring tanong sa kanya pero medyo hininaan ko na rin.

"Sa bahay." Sagot niya. Binabaan ko siya ng tawag saka kaagad na lumabas ng kwarto ko para pumunta sa pamamahay nila.

Nagugutom na talaga ako at pakiramdam ko nagre-wrestling na ang mga alaga ko sa tyan.

Nang makarating ako doon ay nakita ko siyang nakaupo sa isang couch habang minamasahe ang sentido niya.

"Hiro Ortega!" Sigaw ko saka namewang sa harapan niya. Pinasadahan naman niya ako ng tingin saka bumalik sa pagpikit habang minamasahe ang sentido niya.

"Hermione Ortega, pwede pakihinaan ang boses mo? Nandito lang ako sa harapan mo." Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko bawat salitang binanggit niya. Dinig na dinig ko nang sabihin niya ang pangalan ko kasunod ay apelyido niya.

"Bakit sinabi mo kina manang na huwag ako ipagluto ng dinner? Nahihibang ka na ba? Gutom na gutom na ako!" Parang bata na pagmamaktol ko sa harapan niya. Pinadyak-padyak ko pa ang mga paa ko.

"Kaya nga pinagluto na kita. Alam kong gutom ka na. Tara na at sabay na tayong kumain.." Tumayo siya saka inilagay sa bewang ko ang isang braso niya.

Kung kanina mga dragon ang nasa tyan ko at nagbubuga ng apoy, pakiramdam ko ngayon ay insekto na sila. Parang may kung anong paru-paro na nagliliparan doon.

"Ano ba yang niluto mo? Sigurado kang nakakain yan?" Tanong ko sa kanya para makalimutan ko ang mga nakakakiliting paru-paro sa tyan ko.

"Malamang! Pakakainin ko ba ng kung anu-ano lang ang asawa ko?" Napalunok nanaman ako dahil sa sinabi niya. Bakit feeling ko nanlalambing siya ngayon?

"Anong nakain mo at ganyan ka ngayon?" Tanong ko sa kanya saka naupo sa upuan na hinila niya para saakin.

"Wala. Masama na bang ipagluto ang misis ko ngayon?" Nakangising tanong niya saakin bago naupo sa tapat ko.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon