Chapter 49: MIA

733 20 0
                                    

M A Y 0 8 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Tapos na ang sembreak. Balik school nanaman kaming lahat. Hindi ko pa pala nasasabi kay Marc na nagkaayos na kami ni Hiro. Panigurado matutuwa siya sa ibabalita ko.

"Good morning, Hermione!" Binabati ako ng mga kaklse ko na madadanan ko. Hindi tulad sa BU na kahit sino, ay kilala ako.

"Good morning!" Bati ko naman sa kanila pabalik. Good mood nga kasi ako ngayon. Wala akong gana mambara.

"Aba, ganda ng gising natin ha." Natatawang sabi ni Marc na todo rin kung makangiti.

"Syempre.." Sabi ko naman saka nilabas ang isang libro ko. Magaadvance reading ako para ready kung sakaling may surprise quiz nanaman.

"Anong meron?" Tanong niya saakin. Sinarado ko na lang ang libro na hawak ko saka tuluyang humarap sa kanya.

"Ayos na kami ni Hiro." Nakangiting sabi ko. Hindi naman siya kaagad kumibo. "Hoy, sabi ko ayos na kami--"

"Oo narinig ko. Ang linaw nga eh.." Inayos niya ang pagkakaupo niya saka umakto na para bang pinoproseso pa ang sinabi ko sa utak niya.

"Marc, aren't you happy?" Sumimangot ako dahil sa naisip ko. Diba noon, gusto naman niya na maayos namin ni Hiro ito kasal namin?

"Of course I am! Alam mo namang ayaw kong nakikita kang malungkot. Nasurprise lang siguro ako kaya ganito ang reaksyon ko. Hindi mo naman kasi nakukwento saakin kung ano na ba ang nangyayare sainyo ni Hiro." Paliwanag niya. Napapatango naman ako. Totoo naman, parang madalang na nga lang kami mag-usap ni Marc ngayon. Hindi katulad noon, kahit bakasyon ay magkasama kami.

"Ahh kasi nung gabing binigay ko sa kanya yung divorce paper namin.." Tinuloy ko ang pagkukwento ko sa kanya. Lahat ng nangyare sa mga nakaraang linggo, wala akong pinalampas. Marc is my bestfriend. Ayaw kong nagtatago ng kahit ano sa kanya.

"I am really happy for you, Herm. I could finally see genuine smiles from you again." Nginitian ko ng matamis si Marc saka sumandal sa balikat niya.

"Thank you, Marc.." Mahinang sambit ko.

"Hmm.." Tanging sagot niya saka umakbay saakin. Wala pa kaming teacher at walang may pake sa kung anong ginagawa ng isa't isa kaya ayos lang naman siguro ito.

OoooOoooOooo

Pauwi na ako ng bahay. This is such a long day for me. Dahil kakatapos lang ng sembreak ay binaha nanaman kami ng mga school works ng mga teachers namin. Pagkatapos ng saya, hirap na talaga ang kasunod.

Pagdating ko sa bahay ay kaagad ko na ginawa ang after school routine ko. Hindi ko alam kung nakauwi na rin ba si Hiro dahil ang alam ko ay may dadaanan pa daw siya doon sa condo namin. Hindi naman niya sinabi kung ano.

Saka, napag-usapan namin na huwag kami masyado nagiging clingy sa isa't isa. Hindi naman sa ano, pero gusto ko mamiss naman namin ang isa't isa kahit papaano. Saka nagfofocus pa naman kami sa pag-aaral namin ngayon kaya magiging busy din kami.

November na ngayon at malapit na magpasko. Hindi pa nakatayo ang Christmas tree namin dito sa living room pero ayos na lahat ng decorations. Yung tree na lang talaga ang wala. Saka na lang siguro kapag nandito na sina Mommy at Daddy saka sina Kuya.

Speaking of Kuya, magkasama pala sina Kuya Harry at Kuya Ron ngayon. Ang mga yun, iniwan talaga ako kay Hiro. Masyadong tiwala!

"Hermione, nasa hapagkainan na ang pagkain." Napalingon ako kay Manang na nagsalita. Ngumiti ako saka na sumunod sa kanya.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon