Chapter 36: happiness

786 21 2
                                    

A P R I L 1 6 2 0 1 7
everyday ud ohyeah!
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Maaga akong nagising dahil may pasok ngayon. Dito na ulit ako sa mansyon nakatira. Hindi kasi pumayag sina Daddy na bumukod ako. Kapag nalang daw 18 na ako.

So, ayun, back to normal nanaman ang buhay. Kasama ko nanaman dito sa bahay ang dalawa kong Kuya na panay nambubwiset saakin.

For the first time in forever, nakangiti akong bumangon sa kama ko ngayon. Masarap din sa pakiramdam ang wala ng iniisip na problema. Naisip ko nga na kaya lang maraming tao ang nastress at nadedepress dahil din sa sarili nila. They can't let go of their problems. I mean, pinipilit nilang problemahin ang mga bagay na hindi nila kayang solusyunan. Para bang kinukulong natin ang sarili natin sa isang sitwasyon kahit na alam naman nating hawak natin ang kalayaan natin. Naisip ko na yung mahihirap na pinagdadaanan mo ay lalo lang magiging mas mahirap kung ipinaglalaban mo ang bawal. Kung pinipilit mo naman ang hindi pwede. I think we should live a life kung saan magiging masaya tayo kahit mahirap. Wala namang madaling bagay sa mundo. Hindi puro saya ang buhay..

"Good morning!" Bati ko sa mga Kuya ko. Maagang umalis sina Mommy at Daddy dahil may business trip sila ngayon sa buong Asia.

Siguro hindi ko nanaman sila makakasama for two months. Oo, ganun ang buhay kapag sobrang nagpapayaman ang mga magulang mo. Nandito nanaman tuloy ako at nastuck nanaman kasama ang mga Kuya ko.

"Good morning! Maupo ka na dyan at kumain para makaalis ka na." Sabi ni Kuya Harry.

"Wala ka yatang gana?" Tanong ko sa kanya. Bored na bored naman niya akong tinignan saka sinamaan ng tingin si Kuya Ron.

"Oh, anong ganap dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Aalis din kasi si Kuya Ron. Business trip sa Europe. Magtatagal siya doon for two months." Si Kuya Harry ang nagsalita. Napakunot ang noo ko. Aba, bakit umaalis silang lahat?

"Ikaw, hindi ka aalis?" Tanong ko sa kanya. Napasimangot naman siya dahil sa sinabi ko.

"Yun na nga eh. Maiiwan ako dito kasama ka." Kunwari pa siyang naiiyak dahil sa sinabi niya.

"Ayaw mo akong kasama?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Ayaw! Sumama ka na lang dyan kay Kuya Ron para solo ko itong bahay." Sabi nanaman niya kaya nabatukan siya ni Kuya. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil kapag nagkataon na umalis sila pareho, ako makakasolo sa bahay. Or masasaktan dahil ayaw talaga nila akong kasama mga letche sila.

"Dalawang buwan lang kami mawawala nina Mommy. Ikaw na muna ang bahala dito chaka dyan kay Hermione. Magpaka-Kuya ka muna ng dalawang buwan sa kanya." Panenermon sa kanya ni Kuya Ron. Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Harry kaya binelatan ko siya.

Wala din naman siyang choice kaya nanahimik na lang siya. Pagkatapos ko kumain ay sabay-sabay na naming nilisan ang bahay namin.

OoooOoooOooo

Nandito na ako sa classroom ko ngayon at inaantay ko si Lara at Marc. Talaga namang nagkakamabutihan ang dalawang iyon. Kagabi kasi ay nakwento saakin ni Marc si Lara. Natutuwa daw siya sa huli. Aba, nagcongratulate nga ako sa kanya dahil finally nakakamove on na ang ugok na yun saakin.

Kapag daw nagtuloy-tuloy ang nararamdaman niya, liligawan na daw niya ito. Nagpapatulong pa nga saakin. At dahil supportive akong bespren, um-oo naman ako.

"Hermione." Napalingon ako sa may pintuan at nakita si Liam na nakatayo habang seryoso ang mukha niyang nakatingin saakin. Ano nanaman bang kailangan ng lalaking ito saakin?

Tumayo ako saka siya nilapitan. "Problema mo?" Tanong ko. Nagulat naman ako nang hilain niya ang kamay ko palabas at kinaladkad sa soccer field kung saan kakaunti lang ang tao.

"Hoy ano ba!" Pagpupumiglas ko. Binitawan naman niya ako saka humarap saakin ng nakakunot ang noo.

"You didn't tell me you're married." Kaagad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa sinabi niya. Kahit na walang masyadong tao dito, hindi pa rin niya dapat sinabi yun. Malay ko ba kung may isang tao pala ang nakakarinig saamin ngayon diba?

"Don't you dare say that again." Naiinis kong sabi sa kanya saka ko siya inirapan. Bumuntong hininga muna ako bago nagsimula magsalita. "Yes, I am married.. Pero mapapawalang bisa na rin ang kasal namin dahil naibigay ko na sa kanya ang divorce paper namin. Pirma na lang niya ang kulang. Saka, bakit ka ba bigla na lang naging interesado? May gusto ka ba saakin?" Dire-diretsong tanong ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang ngumisi siya saka pinitik ako sa noo ko.

"Aray!" Daing ko. Napapailing naman siyang tumingin saakin.

"Ang lakas din talaga ng loob mo noh? Masyado kang bilib sa sarili mo." Hindi makapaniwalang sabi niya saakin.

"Aba malay ko ba. Masyado mong inuungkat ang mga bagay bagay sa buhay ko." Humalukipkip ako habang nakatingala pa rin sa kanya. Ang tangkad naman kasi niya masyado!

"Assuming." Yan lang ang sinabi niya bago ako iniwang mag-isa. Aba't pagkatapos niya akong kaladkarin dito, iiwan lang niya ako ng ganun? Psh!

"Nat?" Napalingon ako sa tumawag saakin. Nakakunot ang noo ni Marc habang nakatingin saakin. Parang hindi pa siya makapaniwala na nandito ako ngayon.

"Oh?" Tanong ko saka naupo sa damuhan. Pwesko pala dito. Ang sarap tumambay.

"Anong ginagawa mo dito sa field?" Tanong niya saakin saka naupo katabi ko.

"Si Liam, hinila na lang ako dito tapos nagtanong tungkol saamin ni Hiro. Ayun, pagkatapos nakuha ang sagot, iniwan na ako dito." Ngumuso ako habang binubunot ang damo na mahahawakan ko.

"Tsk. Mukhang napapalapit na kayo ng Liam na yun ha. Nanliligaw ba sayo yun?" Tanong niya saakin. Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya.

"Sinabihan nga ako ng assumera nang itanong ko kung may gusto ba siya saakin. Malabo na magkagusto saakin yun." Natatawang sabi ko sa kanya habang napapailing.

"Hindi imposoble. Kaya mo mapaibig lahat ng lalakeng makakakita sayo." Nakangiting sabi niya saka napayuko.

"Talaga?" Nagbibirong tanong ko sa kanya. May kailangan pa pala akong itanong sa kanya.

"Oo naman. Halos nga yata lahat ng lalake doon sa BU ay may gusto sayo." Nakangiting sabi niya. Natawa ako dahil sa sinabi niya. Bolero talaga ang bwiset na to. Pero, naalala ko na may itatanong pa pala ako.

"Kamusta ang masquerade party kasama si Lara?" Tanong ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya at pansin ko ang pamumula ng mga pisngi niya.

Pffftttt! Ang kyot niyang kiligin. Hahaha!

"Yiieee namumula ang bespren ko..." Pang-aasar ko sa kanya. Inirapan naman niya ako saka binato ng nabunot niyang damo. Lalo akong nagkagana asarin siya.

"Nakamove on ka na saakin?" Tanong ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin saka dahan-dahang lumapit saakin. Tumatawa pa rin ako hanggang sa kilitiin na niya ako sa tagiliran ko.

"Stop it, Marrrrrrc!" Suway ko sa kanya. Tawa lang kami nang tawa hanggang sa mapagod na kami pareho. Napahiga na kami ng tuluyan sa damuhan. Bahala na kung marumihan ang uniform namin.

"Ikaw, kamusta ang masquerade ball? I heard nakausap mo na si Hiro." Pambabasag niya sa sandaling katahimikan. Nilingon ko siya habang nakahiga pa rin kami.

Ibinalik ko ang tingin ko sa taas. Ang ganda ng mga clouds. Iba't ibang shape ang nabubuo.

"I felt relieved, Marc. Para akong nakalaya sa matagal na pagkakakulong." Nakangiting sabi ko saka ginawang unan ang dalawang kamay ko. Nakatanaw pa rin ako sa mga ulap na unti-unting bumubuo ng ibon.

Pakiramdam ko ibon ako na nakawala mula sa matagal na pagkakakulong. Ang sarap sa pakiramdam.. Walang luha at walang lungkot.

"You look so happy. Masaya ako na nakakangiti ka na ngayon. Congrats!" Natatawang sabi niya. Natawa na rin ako.

I am happy..

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon