Chapter 31: hindi nalalaman

657 17 11
                                    

A P R I L 1 0 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Busy na kaming lahat dahil sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Ang bilis lang nagdaan ng bakasyon. Parang panaginip lang. Napapadalas ng wala si Hiro dito sa condo namin. Minsan nagpapractice ng basketball, minsan kasama ang mga kaibigan niya, pero madalas nakikipaglandian kay Nikka.

Pinipili ko na lang huwag pansinin para hindi na lang ako masaktan. Effective naman kahit konti. Pinipigilan ko ang puso ko. Binabaling ko ang atensyon ko. Mabuti na lang at madalas ang labas namin nina Astrid, Bella at Marc. Naging barkada na talaga namin si Marc. Natutuwa din kasi sina Astrid sa kanya.

Nandito ako ngayon sa ospital para sa monthly check up ko. Wala namang mali saakin. Healthy naman daw ako as always. Mula kasi bata kami ay monthly na kami pinapacheck up nina Mommy.

Mamayang konti ay dadaan akong HN's Kitchen dahil inutusan lang naman ako ng magagaling kong Kuya na ikuha sila ng makakakain doon. Ang tatamad diba? Lalamunin na lang nila, kinakatamaran pa nilang kuhanin.

Habang palabas ako ng ospital ay may natanaw akong pamilyar na pangangatawan mula dito sa kinatatayuan ko. Hindi kalayuan ang kinatatayuan nila saakin. Napakunot ang noo ko.

Nang maglakad sila palayo, hindi ko namalayang nakasunod na pala ako sa kanila. Anong ginagawa nila dito? Tumigil ako sa pwesto nila kanina.

Nilingon ko ang clinic kung saan sila nanggaling.

Ob-gyne?

Ano namang gagawin nila dyan? Hindi naman siguro dahil...

Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko. Hindi naman siguro. Wag ka muna mag-isip ng kung anu-ano, Hermione. Inalog ko ang ulo ko para matanggal ang anumang ideya sa isip ko.

Nakakunot noo akong lumabas ng ospital at sumakay ng kotse. Iniisip ko pa rin hangga ngayon ang nakita ko. Hanggang sa makarating ako sa HN's ay yun pa rin ang iniisip ko. Nacucurious ako at nakakainis iyon!

Nagpunta ako sa office ni Kuya Ron na iyon pa rin ang iniisip. Kayo ba, hindi nacucurious kung anong nakita ko? Wag kayong mag-alala dahil hindi niyo naman ikamamatay ang kuryosidad tulad sa Hell University. Binabasa ko yun sa tuwing wala akong ginagawa sa bahay. Matatapos ko na nga ang Chasing Hell.

Nakarating ako sa office ni Kuya Ron at kaagad namang bumungad saakin ang seryosong mukha niya. Kasama niya si Kuya Harry na nakaharap sa desktop.

"Kuyas!" Pag-agaw ko sa atensyon nila. Sabay naman silang lumingon saakin ng nakakunot ang noo.

"I brought your food." Itinaas ko pa ang paperbag na hawak ko. Nagmamadali namang tumayo si Kuya Harry saka kinuha saakin ang dala ko.

"Hoy unggoy! Tirhan mo ako." Sigaw naman ni Kuya Ron saka nakiagaw kay Kuya Harry.

"Marami yan, mga Kuya! Wag kayong sugapa!" Sinamaan lang nila ako ng tingin saka nagpatuloy sa paglamon nila.

Nang matapos sila, nagpaalam na rin ako dahil gusto ko na talagang mapahinga ang tenga ko mula sa pagbabangayan ng dalawang Kuya ko.

"Una na ako mga Kuya." Paalam ko sa kanila. Tumango lang sila saakin at hinayaan na akong umalis. Wow ha! Hindi man lang nagpasalamat at nagsabi na mag-ingat ako.

Napakabuti talaga nilang kapatid. Baka maitapon ko na sila sa tulay.

Nakarating ako ng condo namin ni Hiro at nadatnan ko siyang nanonood ng tv. Aba, anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Tinignan naman niya ako na para bang nagtataka siya.

"Wala na ba akong karapatan magstay dito sa condo natin? Akin din to." Sagot niya saakin na para bang nanunuya pa ang boses niya.

"Wooow! Akala ko pampalipas oras mo lang iyong condo. Wala ka yatang date kasama si Nikka?" Tanong ko sa kanya saka nagpunta sa kusina. Iinom lang saglit ako dahil pakiramdam ko nanunuyo na ang lalamunan ko.

"Wala. Nagpaalam, may pupuntahan daw." Sagot niya. Kumuha ako ng chichirya sa drawer saka kumuha ng maiinom namin. Ibinagsak ko ang sarili ko sa couch sa tabi niya.

Napakunot ang noo niya nang tumabi ako sa kanya. "Movie marathon tayo." Tinaas baba ko pa ang kilay ko. Baka sakaling kahit yung pagkakaibigan lang namin ay maibalik ko.

Ayaw ko talagang mawala siya sa buhay ko. He has a big part in my life. Ayaw kong mawala lang yun ng basta-basta.

So ayun nga at nanood kami ng tahimik. Ang bilis lang namin maubos ang kinakain namin dahil hindi kami nag-uusap at nagkukulitan.

"Doon muna ako sa kwarto ko.." Pagpapaalam niya saakin. Nakatayo na siya bago ako tumango. So, mag-isa nanaman ako. Hayy..

Ang sabi niya nagpaalam daw si Nikka sa kanya dahil may pupuntahan daw. Sinabi kaya sa kanya kung saan pupunta yung babaeng yun?

May iba pa ba akong hindi nalalaman? Bakit nagpapakatanga ng ganito si Hiro?

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon