Chapter 22: graduation

783 23 8
                                    

M A R C H 0 1 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Kahit nilalagnat pa ako ay pinilit ko ang sarili kong bumangon at umattend ng moving up ceremony namin. Nandito ako ngayon sa gymnasium. Katabi ko si Marc dahil parehong R nagsisimula ang apelyido namin.

Ramirez and Ruz.

"Ayos ka pa ba? Baka himatayin ka na." Tanong niya saakin saka nanaman hinipo ang noo ko. Napaatras ako. Siguro sampung beses na niya ako natanong kung ayos lang ba ako at paulit-ulit lang naman ako sagot ko. "Oo nga. Kulit!" Sagot ko na tinawanan lang niya.

Nag-umpisa na ang program at halos hindi ako nakikinig. What's new? Sa ilang taon kong nag-aaral, ince in a blue moon lang ako makinig sa discussion ng teachers ko. Alam ko na kasi ang mga tinuturo nila kaya no need to listen. Nakasandal lang ako sa balikat ni Marc hanggang sa matawag na ang pangalan ni Hiro. Mauuna kasi siya saakin dahil Ortega siya. In a few days, magiging Ortega na rin ako. Kaso magtatagal lang iyon ng isang taon.

Si Hiro ang Salutatorian. Hulaan niyo kung sino ang Valedictorian. Ha! Matatawa na lang kayo kapag nalaman niyo. Hindi niyo aakalain.

Ano, nahulaan niyo na?

"Ramirez, Hermione Natasha Kyles. Valedictorian of batch 2016-2017, academic awardee with highest honor. She got all the best per subjects, citizenship awardee, leadership awardee, perfect attendance, and loyalty award."

Natawag na ang pangalan ko kaya umakyat na ako para kuhanin ang certificate ko at ang sandamakmak kong medals. Kasama ko sina Mommy and Daddy at sila ang nagsabit ng mga medals ko.

Natawa kayo dahil sa nabasa niyo? Hindi niyo inakala? Ako rin eh.. Actually dinaya ko lang yan para maging proud saakin ang mga magulang ko. CHOSS! Hindi ko magagawa yun. Mabuti akong estudyante at responsable.

Kasunod ko si Marc na nakakuha ng loyalty award at academic awardee with high honor. Matalinong bata!

Nang matapos na ang awarding, speech ko na ang susunod. Medyo kinakabahan ako dahil baka mabulol ako. "Just be yourself." Nginitian ko si Marc at sakto namang tinawagan na ang pangalan ko kaya tumayo na ako. Tumingin ako kina Astrid at Bella at nakangiti din sila saakin. Kahit papaano naman ay nahibsan ang nararamdaman kong kaba. Nadako ang tingin ko kay Hiro at nakangiti din siya saakin kaya nabura na lahat ng kabang nararamdaman ko. Naunang nagspeech si Hiro saakin.

Pag-akyat ko, bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Honored guest, President Remus Blood, Dr. Rex Blood, teachers, guest speaker, Principal Reiner Cross, parents, fellow graduates, visitors, and friends, a pleasant evening to all." Bati ko sa lahat ng nagtataasan na opisyales ng eskwelahan namin. Nginitian ko sila saka bahagyang yumuko.

"Blood University is a home for me. Mula nang mag-umpisa ako mag-aral ay dito na ako pumasok. Dito ko nakilala ang mga kaibigan ko..." Tinignan ko sina Astrid at Bella. Kumaway pa sila saakin. "Mga kaibigan ko na hinding-hindi ako iniwan. Nagpatawa saakin kapag malungkot ako. Sila ang bumabatok saakin." Natatawang sabi. Nagtawanan naman ang lahat. "Ngayong grade 10, napakarami kong naexperience. Naranasan kong umiyak dahil sa pag-ibig.." Pinasadahan ko ng tingin si Hiro na nakatingin saakin ngayon. "Naranasan ko rin ang mahalin." Binigyan ko ng isang matamis na ngiti si Marc na sumaludo pa saakin.

"Napakaraming memorya na hinding-hindi ko makakalimutan." Ngumiti ako. Ayaw kong umiyak sa harapan nilang lahat. Kilala nila ako bilang Hermione na matapang, suplada, masungit, palaban. Hanggat maaari ay ayaw kong umiyak. "Lahat ng mga gabing wala kang tulog, sobrang inis dahil sa hirap ng Math, stress dahil sa dami ng projects at requirements, masungit na teacher, boring na subject, lahat yun nalampasan mo na sa Junior High School. Meron pang kasunod yan. Wala pa sa kalingkingan ng pagdadaanan natin kapag college na tayo. Sabi nga ni Aristotle, mapait daw ang ugat ng pag-aaral. Pero matamis ang mga prutas nito. True, mahirap talaga. Nakakainis talaga, pero kasi kapag may pangarap ka, baliwala yung hirap at pagod." Kita kong maraming sumasang-ayon sa mga sinasabi ko. Tahimik silang lahat na nakikinig saakin.

"Thank you for all the people who helped us get through. Another milestone for us, guys! Mommy, Daddy, Mama Loiue, Papa Hayes, Kuya Harry, Kuya Ron, Astrid, Bella, Marc, and Hiro.... This is all for you. Thank you so so so much for everything. I love you.." Tumulo ang isang luha mula sa mata ko. Madali ko itong pinunasan bago humarap sa mga opisyal ng university.

"So, I think I said too much.. Baka abutin na tayo ng madaling araw dito. Stakeholder, administrations, staffs, faculty members, maraming-maraming salamat po sa mga kaalamang ibinahagi niyo saamin. We will forever put them in mind. Thank youuuu!" Kumaway ako sa mga estudyante at kita kong tumayo silang lahat at pinalakpakan ako. Lumapit naman ako sa mga opisyal saka nakipagkamay at nakibeso.

There is no end to education. It is not that you read a book, pass an examination, and finish with education. The whole of life, from the moment you are born to the moment you die, is a process of learning.
- Jiddu Krishnamurti

OoooOoooOooo

Nandito na kaming lahat aa bahay. Sabay cinelebrate ang graduation namin ni Hiro. What's new?

Nandito lang ako sandali sa labas dahil nagpapaalam si Marc. May party din daw sa bahay nila kaso pinili niya munang dumaan dito. Masarap daw kasi ang luto ni Mommy saka gusto niya akong makasama.

"Congrats Ms. Valedictorian." Nakangiting sabi niya. Hinampas ko siya sa braso. Kanina pa siya paulit-ulit. Tapos ginagaya pa niya yung speech ko kanina. Letche talaga!

"Tigilan mo ako Marc. Mabuti pa umuwi ka na. Hinihintay ka na ni Tita Cheska." Tinulak-tulak ko siya papasok ng kotse niya. Kapag hindi ko ginawa ito, kukulitin niya ako ng kukulitin.

"Okay fine.. Bye Nat-nat. See you soon!" Mabilis siyang humalik sa pisngi ko at umalis.

"LETCHE KA TALAGA MARC RUZ!" Buong lakas kong sigaw. Aba, gustong-gusto humahalik sa pisngi ko ng ugok na yun.

"Magpapahalik ka na pala sa pisngi ng kahit sino ngayon." Nilingon ko si Hiro at nakangisi siya saakin. Napairap naman ako. As if he cares.

"Hindi lang kung sinu-sino si Marc. He is my BEST FRIEND." Sagot ko while emphasizing the word 'best friend'. Para kahit papaano naman ay maramdaman niyang konti na lang ay maiwawala na niya ako.

"Tch. Ang bilis mo naman akong ipagpalit." Seryosong sabi niya. Nagpamewang ako saka siya tinignan ng hindi makapaniwala.

"Adik ka ba ha? Sino ba ang naunang lumayo? Diba ikaw? Kaya wag mo akong inaartehan dyan, Hiro." Inirapan ko siya saka nilampasan. Imbyerna talaga! Ang lakas ng loob sabihin saakin yun. He is so unfair! Sinabi ko ba sa kanya yun ha? Na ang bilis bilis lang niya akong kalimutan kapag si Nikka na ang pinag-uusapan. Nyeta nila!

This is supposed to be a good day for me. Kaso ayun nasira nanaman! Nilalagnat pa ako niyan ha! Sumabay pa sa init ng pakiramdam ko ang init ng ulo ko. Nakakainis! Bwiset!

"You look upset. What happened?" Nilapitan ako ni Kuya Harry habang may hawak siyang champagne glass. Alam talaga niya na bwiset na bwiset na ako. Kabisado niya dahil siya ang highest when it comes sa pangaasar saakin.

"Hiro." Maikling sagot ko. Napatango naman siya bago sumimsim sa champagne niya. Alam na niya kung anong dahilan. "Ano nanaman ba nangyare sainyo?" Tanong niya. Naglakad kami papunta sa may buffet at kumuha ng strawberries.

"Ang lakas ng loob magsabi na pinagpalit ko na siya. Utot niya!" Asar kong sabi. Masyado na ba akong oa? Ugh! Wala akong pakialam. Ang sakit na nga ng pakiramdam ko, makikisali pa kasi siya. Ayan, umaalab nanaman ang buong katawan ko.

"Bakit kasi kailangan pa niyang sabihin yun alam naman niyang hindi mo siya mapapalitan." Tinignan ko ng masama si Kuya Harry. Nginitian niya ako saka nagkibit balikat.

"Ewan ko sayo, Kuya." Nginisian niya ako kaya tinalikuran ko na siya. Gustong-gusto ko na magpahinga. Kaso paano kung napakarami pang bisita? Inaantok na rin ako. Kailan ba matatapos ito?

"Magpahinga ka na kaya?" Napalingon ako sa nagsalita. Papalapit saakin si Kuya Ron. Niyakap niya ako kaya ipinulupot ko ang mga kamay ko sa bewang niya. Nakasandal din ako sa dibdib niya.

"Congrats, bunso.. In a few days, magiging misis ka na. Naunahan mo pa ako." Natatawang sabi niya. Napangiti ako ng malungkot. "Isang taon lang naman, Kuya. Hindi magtatagal." Sagot ko. Ramdam kong hinigpitan niya ang pagkakayakap niya saakin saka ako hinalikan sa buhok ko.

"I will always be here for you, baby." Napangiti ako. Sweet naman ang mga Kuya ko kahit panay ang asar nila saakin.

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon