Special Chapter!

836 16 3
                                    

M A Y 2 5 2 0 1 7
my last note after this.
----------------------- 🌸 -----------------------

Nikka's Point of View

All of you probably hates me. I actually don't have to explain myself. Pero, gagawin ko pa rin.

Don't get me wrong.

Totoong mahal ko si Hiro. O mas tamang sabihin kong totoong minahal ko si Hiro.

Pero mahal ko rin si Oliver. Sige, sabihin na nating pinagsabay ko sila, it is because I was so confused.

Hindi ko kaagad narealize na magkaiba ang ibig sabihin ng utang na loob sa totoong pag-ibig.

I am always thankful to Hiro. Naibigay niya saakin lahat ng gusto at kailangan ko. Hindi naman kasi kami totoong mayaman. Konti lang ang sobra sa kinikita ng mga magulang ko. Masama na kung masama dahil ginamit ko si Hiro. Pero ang naramdaman ko sa kanya ay totoo.

May punto talaga sa buhay na magkakamali ka. Maraming manghuhusga sayo at kamumuhian ka ng marami.

Gayun pa man, kailangan mo pa ring ipagpatuloy ang buhay. May mga alam ka na hindi mo masabi sa iba at kailangan mo lang sarilinin. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, maiintindihan ka ng marami.

Hindi ko ginustong lokohin si Hiro. Nagawa ko lang iyon dahil nagkasakit ang nanay ko at kailangan ko ng malaking pera. Ayaw ko namang sabihin pa yun kay Hiro dahil angdami na niyang naibigay saakin. Ang tanging paraan na lang ay magpakasal ako kay Oliver para ang pamilya niya ang magsalba sa papalubog na naming negosyo.

Wala akong ibang choice kung hindi gawin iyon. Mahal ko ang pamilya ko kaya mas pinili ko sila.

Iba't iba ang uri ng pagmamahal. Minsan, mas nangingibabaw ang pagmamahal natin sa isang espesyal na tao, minsan naman ang pagmamahal sa mga kaibigan, pero madalas nangingibabaw ang pagmamahal natin sa pamilya natin.

Kaya mas pinili kong itaya ang pagmamahal ko kay Hiro para sa kaligtasan ng Nanay ko.

Hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon ko. Kung hindi ko ginawa yun, malamang ay wala akong cute na anak ngayon at ganun din sina Hiro at Hermione.

Lahat ng sakripisyong ginagawa natin ay may magandang naidudulot sa lahat. Ang kailangan lang nating gawin ay tumaya at harapin ito.

Hermione's Point of View

Narinig ko ang doorbell kaya lumabas ako ng gate.

"Sulat po para kay Mrs. Ortega." Sabi ng lalaking may suot pang sumbrero at inabot saakin ang isang envelop na maliit.

"Papirma na lang po." Inabot niya saakin ang isang papel saka ballpen. Pinirmahan ko naman ito.

Habang naglalakad ako papasok ay tinignan ko ang sulat.

Invitation galing kay Astrid.

--------------------------------------------------------

BITCH, please.
You're obviously going to be
my maid of honor.
(and no, that wasn't a question.)

--------------------------------------------------------

Wow, ikakasal pa pala ang bruhang yun. Finally!

Akalain niyong nagrequest pa talaga siya ng special chapter para sa announcement ng kasal niya?

Hindi talaga siya pumayag na matatapos ang kwentong ito na hindi siya naikakasal kay Hiccup.

Hayyy..

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon