Chapter 16: meet my mom

670 17 4
                                    

F E B R U A R Y 0 5 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

"Hermione, ano ba naman kasi yang iniisip mo? Bakit gusto mo pa lumipat?" Nandito kami sa garden ni Hiro at sinisermunan niya ako.

"Pakialam mo ba? This is my life!" Sagot ko. Umalis sina Mommy at Daddy kasama sina Mama at Papa. May emergency lang daw sa office. Ewan ko ba, gabi na may ganun pang ganap. Sina Kuya Harry at Kuya Ron naman, ayun nakisama-sama pa. Mga tsismoso talaga. Kaya heto, naiwan ako kasama ang galit na galit na si Hiro.

"Pakialam ko? Hermione, pati ako nadadamay sa lahat ng iniisip mo! Isipin mo naman ako!" Sagot niya. Pinapainit talaga niya ang ulo ko.

"Binawi ko na nga diba? Hindi na nga ikaw ang sasama saakin diba? Ano pa ang ipinuputok ng butsi mo?" Tanong ko sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga saka tumingin saakin.

"Kasi iba ang kasama mo! Ayaw ko nun, Herm. Sinabi ko na sayo noon na umiwas ka sa lalakeng yun. Hindi mo naman ginawa." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Nang makarecover ako, napangisi ako bigla.

"Wow naman.. Ayaw mo nun? Bakit ako, binabawalan ba kita kapag kasama mo si Nikka? Diba hindi?" Maanghang na sabi ko sa kanya saka siya iniwan.

Tumakbo ako paakyat ng kwarto ko saka nagkulong. Iyak lang ako ng iyak. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Bakit kailangan pa niyang sabihin yun?

Ginagago ba niya ako? Ayaw niya na may kasama ako iba tapos siya nga ayaw na akong samahan. Mas gusto pa niyang kasama si Nikka kesa saakin na bespren niya mula fetus pa lang kami. Mas gusto pa niyang kasama ang babaeng kakakilala niya lang at nanloloko sa kanya.

Ha! Edi magsama sila! Mga ungas!

OoooOoooOooo

"Napapadalas yata ang buntong hininga mo. May hika ka ba?" Tinabihan ako ni Ma'am Anj. Nandito kami ngayon sa gymnasium at nagpapractice ng graduation day.

Ang bilis noh?

"Wala po.." Sagot ko saka pinaglaruan ang stick na napulot ko lang ngayon.

"Ano ba ang problema niyo ni Hiro? Siya ang dahilan ng mga buntong hininga mo eh." Nilingon ko siya saglit saka napakunot ang noo.

"Paano mo naman nalaman, Ma'am?" Natatawang tanong ko sa kanya. "Nakikita ko sa mga mata mo. Sa tuwing susulyapan mo siya, hindi mawala ang lungkot sa mga iyan." Tinuro pa niya ang mga mata ko. Napangiti ako ng malungkot. Ngayon ko lang nakausap ng ganito kaseryoso si Ma'am Anj. Madalas kasi nagbibiruan lang kami.

"Ang sakit pala magmahal, Ma'am." Pagsisimula ko. Ramdam ko naman na nakangisi na siya saakin. "Mayroon bang tao ang hindi nasaktan dahil sa love? I bet, wala." Sabi niya. Natawa ako ng mapait. "Nakakasakit po kasi ng loob. We used to be best friends. Kaso, nakakatawang isipin na yung best friend ko noon, parang stranger na lang ngayon." Tinignan ko ang kinatatayuan ni Hiro. Kasama niya si Nikka ngayon. Nagsusubuan pa ng strawberry. Mabilaukan sana kayo. Ang lalandi!

"Parang bubblegum lang noh? Sa una ang tamis, tapos kapag nagtagal nawawalan na ng lasa." Natawa naman ako ng konti dahil sa sinabi niya. Hugot nanaman yun!

"Tinatawanan mo ako eh totoo naman ang sinabi ko." Sabi niya. "Hindi na ba pwedeng maging matamis ulit ang bubble gum na nawalan ng lasa?" Tanong ko sa kanya bago siya makaalis.

"Hindi na. Magcandy ka na lang para hanggang huli, matamis." Natatawang sabi niya saka na umalis. Napapailing na lang ako. Hindi ko alam kung may sense ba lahat ng pinag-usapan namin.

"Hey guys, start tayo ulit!" Sumigaw na si Ma'am Anj kaya tumayo na ako. Inakbayan naman ako ni Marc saka nakisabay saakin maglakad.

"I hope you're ready for tomorrow." Nakangiting sabi niya. Bukas pala ang interview namin sa KFIS. Nakapasa kasi kami sa entrance exam. Excited ako dahil si Ate Ianthe Ford ang mag-iinterview saamin bukas. Idol ko yun. Ang ganda kasi niya. Napakasuccessful at talino pa.

"Yep. I am super ready.." Nakangiting sagot ko sa kanya. Pinisil niya ang ilong ko kaya hinampas ko siya. Pinagigigilan talaga niya ang ilong ko. Ang liit daw pero matangos. Kaasar na nilalang!

Nang matapos kami magpractice, nagpunta na ako ng parking lot. Nagugutom na ako. Hindi kasi ako nakakain ng lunch kanina dahil nandidiri ako kina Hiro at Nikka. Nagsusubuan nanaman! I can't eat with that unpleasant sight. Hindi yata nila ala ang salitang PDA.

Nakakahiya naman sa kanila.

"Hey Nat!" Tinignan ko ng masama si Marc na umakbay nanaman saakin. Ayaw ko kasing tinatawagan niya akong Nat. Pakiramdam ko baliw ako. Nuts.

Nat is from my second name Natasha. Ewan ko ba bakit yan pa ang napiling nickname ni Marc saakin. Pero, ayos na rin kesa naman sa Kyles.

Wala na ngang tumatawag saakin nun ngayon. Nakakamiss din pala yung third name ko.

Anyway! Wag niyo na lang pansinin ang drama ko sa buhay. Basta nagugutom na ako. "Kain tayo, Marc." Aya ko sa kanya.

"Saan?" Tanong niya. "Kahit saan. Basta kain tayo. Nagugutom na ako.." Ngumuso ako. "Sa bahay na lang. Maaga daw uuwi si Mommy ngayon. Tara!" Nanlaki naman ang mga mata ko saka tumango. I would love to meet his Mom. I heard chef daw ang Mommy niya.

OoooOoooOooo

"Hey, hon!" Humalik si Marc sa pisngi ng Mommy niya. "Mommy, si Hermione nga pala. Ang babaeng bumiyak ng puso ko." Hinampas ko si Marc dahil sa sinabi niya. Adik ba siya? Hindi man lang ako binigyan ng kahihiyan.

"Hi Hermione! Call me Tita Cheska. Panay kang nakukwento saakin ni Marc. Halika, maupo muna kayo." Umupo naman kami sa couch nila. Ang ganda ng bahay nila. Sa condo pa lang kasi ni Marc ako nakakapunta. Paminsan lang daw kasi siya umuwi dito sa bahay nila.

"Ano naman po ang kinukwento ni Marc sainyo?" Tanong ko. Baka kung anu-ano na pala ang sinasabi ni Marc at nakakahiya na. "Lahat. Alam ko lahay tungkol sainyong dalawa. Pati ang pambabusted mo sainyo. Actually pati yung friendzoned alam ko rin." Natatawang sabi niya. Namula naman ako. Pakiramdam ko umakyat na lahat ng dugo ko sa pisngi ko dahil sa hiya.

"Don't worry. Hindi naman ako galit. Actually ang sabi ko nga kay Marc, mas okay ang friendship. Iyon hindi nawawala." Sabi niya saka kinuha sa katulong ang juice na dala nito at inabot saamin.

Friendship hindi nawawala? Anong tawag nung saamin ni Hiro? Bula?

"Super close kasi kami ni Mommy kaya alam lahat niya ang tungkol sa mga nanyayare saakin. Kahit na nakabukod na ako sa kanila." Sabi naman ni Marc saka uminom sa juice niya.

"Yup. I always make sure na malapit pa rin saamin si Marc kahit wala na siya sa puder ko. Anyway, nagluto pala ako ng carbonara at garlic bread.." Nagpaalam muna si Tita Cheska saamin at magpunta ng kitchen. Bumaling naman ako kay Marc.

"Marc, bakit ka nga ba maagang bumukod sa mga magulang mo? You're just 16." Tanong ko sa kanya. Bata pa siya. Usually kasi 18 diba? So, why 16? Nacurious ako bigla. Kapag ako naging 18, gusto ko na rin bumukod. Sana lang payagan ako nina Mommy and Daddy. Malapit na rin naman ang birthday ko. Sweet 16 na ako next month.

"Panay kasing wala sina Mommy dito sa bahay. Kaya naisip ko bumukod na lang. Masyado kasing malaki ito para saakin." Napatango ako. Tama naman.. Mabuti na lang ako kasama ko sina Kuya kahit papaano. Kahit medyo nagiging busy na rin sila.

Mabuti nga at hindi pa nagaasawa ang dalawang yun. I wonder kung anong gagawin ko kapag nag-asawa na sila. Iiyak ako ng dugo!

"Nakausap mo na ba si Hiro?" Tanong niya saakin. Napanguso ako. "Hindi. At wala akong balak! Magpakasasa siya kasama si Nikka. Eww.." Nagmake faces pa ako kaya kinurot nanaman niya ang ilong ko. Kainis!

"Marc! Hermione! Halina kayo luto na ito." Tumayo naman kami kaagad ni Marc dahil sa gutom. Hanggang dito pa naman ay amoy ko ang niluluto ni Tita. Amoy masarap!

Masarap din naman magluto si Mommy. Pero syempre mas okay pa rin na may ibang luto kang natitikman.

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon