Chapter 40: magulo

846 21 3
                                    

A P R I L 2 4 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Nandito ako ngayon sa school. Naglalakad mag-isa habang yakap ang mga libro ko. Galing ako ng library. Nabubwiset nga ako dahil kakatapos lang ng report namin ni Liam kanina, meron nanamang panibago. At take note, kailangan yung research galing sa mga libro. Bawal humingi ng tulong kay pareng Google. Nakakainis ang ganito!

Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin si Hiro saka kung anong nangyare dun sa divorce namin. Ano nga bang nangyayare?

Kinapa ko ang wedding ring namin na ginawa kong pendant ng necklace. Kagabi, pagkatapos ko kumain, bigla ko na lang naisip gawin ito kaya heto suot ko siya ngayon. Hindi nga lang sa ring finger ko.

Bumuntong hininga ako.

"Lalim nun." Napapitlag ako nang bigla na lang dumating si Liam. Inirapan ko siya. Panigurado nandito nanaman siya para bwisitin ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita ko kasi na parang depress ka. Naisip ko na baka magpakamatay ka na lang bigla kaya nilapitan kita." Sagot niya. Napangisi ako dahil sa naisip kong dahilan.

"Aww, Liam. I knew you care for me. Huhu!" Pang-aasar ko sa kanya. Napangiwi naman siya dahil sa sinabi ko.

"Yuck! Never! May sinabi ba akong I care for you? Wala!" Defensive niyang sagot.

"Kakasabi mo lang. Bleehh!" Binelatan ko siya kaya nagmake faces naman ang ulol.

"Makaalis na nga dito. Ayaw ko kausap ang isang baliw." Natawa ako dahil sa pagmumukha niya saka naman niya ako iniwan.

Wala talagang kwentang kausap yun. Iiwan ka na lang basta! At dahil mag-isa nanaman akong naglalakad, naalala ko nanaman si Hiro.

Akala ko pagkatapos ko ibigay ang divorce paper sa kanya, mag-uumpisa na akong kalimutan siya. Kahit paunti-unti ay malalayo na ang loob ko sa kanya. Pero mukhang nagkakamali ako. Lalo ko lang yata siyang hinahanap-hanap.

Hindi pala talaga madaling kalimutan ang taong mahal mo. Lalo na kung alam mo sa sarili mong lalo lang tumitindi ang pagkagusto mo sa kanya habang lumilipas ang mga araw.

"Ang seryoso naman masyado ng bespren ko." Tinignan ko ang paparating na si Marc kasama si Lara. Napapangisi na lang ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama.

They're so in love.

"Hey.." Bati ko sa kanila. Nagcling naman si Lara saakin.

"Saan ka pupunta?" Tanong saakin ni Marc. Nakasuot pa siya ng jersey na uniform nila sa basketball. Galing siguro siyang nagpractice ng basketball?

"Pauwi na sana. Humiram lang ako ng libro sa library para sa report ko." Sagot ko. Kanina pa nga ako naglalakad papunta ng parking lot, hindi ako makarating-rating. Bakit ba kasi napakalawak ng campus namin?

"Nagbabagong buhay na talaga si bespren." Natatawang sabi ni Marc kaya pabiro ko siyang hinampas sa braso niya.

"Letche ka!" Sagot ko na ikinatawa nilang dalawa.

"Nga pala Herm, next week may laban ang KFIS FIRE.. Nood ka ha?" Tinignan ko si Marc. Para siyang bata na nagmamakaawa habang nakapout pa. Inihilamos ko naman ang kamay ko sa mukha niya.

"Sino ba ang kalaban niyo?" Tanong ko. Saglit siyang umayos ng paglalakad saka tumikhim.

"BU THUNDER." Sagot niya. Natigilan ako nang marinig ang pangalan ng dati kong school.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon