D E C E M B E R 2 7 2 0 1 6
------------------------ 🌸 -------------------------"Best friends rock!"
Sabay kaming nagtawanan pagkatapos ng kalokohan namin.
But wait, hindi pa dyan nagtatapos ang kasiyahan.
"Hiro! Kuha mo naman ako ng marshmallows and strawberry syrup dun sa may buffet." utos ko sa napakapangit kong best friend.
"Ayaw. Kaya mo na yan. Malaki ka na." sagot niya kaya inirapan ko at nilampasan siya.
"Hi Hermione." Bati ni... sino nga ba to? Hayyy ewan.. Minsan kapag hindi gaanong i.portante kinakalimutan ko na lang.
"Who are you?" tanong ko sa kanya. Para hindi ako nanghuhula kung sino siya.
"It's for me to know, and for you to find out." nakangisi niyang sagot.
"Di wow!" at tinalikuran ko na siya para kumuha ng marshmallow at strawberry syrup ko.
Kaagad naman akong nakakuha kaya nilapitan ko nalang sina Kuya dun sa table namin.
"Hey mga Kuys!" at naupo ako sa tabi ni Kuya Harry.
"Saan ka galing, bunso?" tanong ni Kuya Ron saakin.
"Diyan lang sa tabi-tabi." sagot ko sabay subo ng marshmallow dipped in strawberry syrup.
"Hoy, balita ko kakanta ka mamaya? Magsasample ka sa stage?" tanong saakin ni Kuya Harry.
"WHAT?!" gulat na tanong ko. Hindi naman ako prepared dito sa gustong mangyare nina Mommy.
"Yep. Ibinalita na nina Mommy sa mga kaibigan niya." napairap na lang ako. Mahilig talaga sina Mommy sa surprise ano?
"No choice." bulong ko sa sarili ko.
"As always." may bumulong sa tenga ko kaya napakain ko sa kanya yung marshmallow na nakatusok sa tooth pick.
"Oh, Hiro! Buhay ka pa pala. Ang pangit mo parin!" biro ni Kuya Harry kay Hiro.
"Buhay na buhay, tolskie! Meron nga lang akong napakabigat na problema." sagot naman nitong si Hiro.
"Ano nanaman yun? Di ka marunong manligaw?" tanong ni Kuya Ron.
Opo, nagkakasundo-sundo silang tatlo. Pare-parehong lalaki eh. At oo ulit, tinuturuan nina Kuya manligaw yang si Hiro.
"Tsk. No need for ligaw. Mga babae nanliligaw saakin." At nabatukan na nga siya nung dalawa kong Kuya.
"Ano pala yung problema mo?" tanong ko sa kanya. Wala naman siyang nabanggit na may problema siya.
"Iniwan kasi ako ng bespren ko. Nagtatampo yata dahil hindi ko kinuha ng pagkain niya." sagot niya. Muntik na akong matawa.
"Napakaliit talaga ng mga pinagtatalunan niyo noh? Tsk." sabi ni Kuya Ron.
"GOOD EVENING EVERYONE!!" malakas na sabi nina Mommy at Mama sa mic. Nakatayo na sila dun sa may stage.
"Thank you all for coming tonight as we celebrate the opening of our new hotel and restaurant. Of course, with my best friend-slash-business partner, Niall Louis Ortega!" I tell you people, My Mom is so loud. Nakamic na nga siya makasigaw pa. Tsk.
"Thank you so much my oh so loving best friend! And, now, hindi lang kaming dalawa ang magbusiness partner dahil nadagdagan na kami ng isa." nagaabang lang ang lahat sa sasabihin ni Mama Louis.
"May bagong business partner pala sina Louis?" bulong saakin ni Hiro.
"Narinig mo diba?" tumango naman siya.
BINABASA MO ANG
bestfriend // kn
FanfictionBakit kasi napakawrong timing ng tadhana, noh? Tapos ganyan pa pumana si Kupido! Papana na lang, lilihis pa dun sa taong hindi ka naman mamahalin. At ang mas nakakatawang part, sa best friend mo pa! Lintek na pag-ibig! ds: 12/25/16 de: 5/25/17