Chapter 29: taya

672 22 5
                                    

A P R I L 0 4 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Maayos naming nacelebrate ang kaarawan namin ni Hiro. Malungkot sina Mommy dahil 16 years old na daw ang mga bunso nila.

"Hindi na kayo baby." Sumimangot pa si Mommy bago kami niyakap. Napangiwi naman ako.

"You grew up so fast." Sabi naman ni Mama. Napatango na lang ako. Ayaw ko ang drama nila. I had enough drama this past few days.

"Mabuti pa kumain na tayo.." Pagputol ni Hiro sa kadramahan ng mga nanay namin. Mabuti na lang dahil baka hindi na matapos ang pagdadrama nila. Naupo na kami saka nagsimulang lumamon. Masarap ang mga niluto nina Mommy at Mama.

"Louie, bakit may keso itong spaghetti?" Nakasimangot na tanong ni Hiro sa Mommy niya. Allergic kasi siya sa cheese.

"Hon, masarap kasi yan kapag may cheese. Pero may itinabi ako na walang cheese... Nasaan nga ba yun?" Hinanap ni Mama ang hiniwalay niya para kay Hiro at natagpuan ito sa malapit lang sa plato ko. "Ayun sa tabi ng plato ni Hermione." Turo niya. Kukunin ko na sana para iabot sa kanya kaso nagkasabay ang mga kamay namin.

Nasa kanan ko kasi siya nakaupo at yung spaghetti ay nasa kaliwa ko.

Napalunok ako saka napatingala sa kanya. Para siyang nakayakap saakin dahil yung kanang kamay niya ang ginamit niya para kuhanin iyon.

"Ehem.." Lumayo naman siya kaagad kaya ako na ang kumuha at ibinigay sa kanya. Pagkatapos nun ay palihim kong sinamaan ng tingin si Kuya Harry na sobrang epal.

Minsan na nga lang mangyare iyon, eepal pa siya. Kita kong nakangisi si Marc. I wonder what he is thinking. Kahit naman nagmomove on pa rin yan saakin, alam kong gusto niya pa ring magkaayos kami ni Hiro.

Natapos kaming kumain kaya nagpasya kami na pumunta sa labas at mamasyal. Kahit maglakad-lakad lang. Kahit hapon na ay maganda pa rin naman ang kapaligiran.

Kasabay ko maglakad si Hiro na busy pa rin sa cellphone niya. Nauuna sina Mommy saamin. Kasama naman nina Kuya Harry si Marc, Bella, at Astrid. Ang tahimik namin. Dati-rati, kapag ganito ang scenario, kaming dalawa ang pinakamaingay. Kaming dalawa ang nagkukulitan.

"I miss the old us." Sambit ko. Alam kong narinig niya iyon. Ang hindi ko lang alam ay kung may pake pa siya sa sinabi ko.

"Hindi sana tayo ganito kung hindi mo ako minahal." Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Bakit ang sakit niya magsalita? Kasalanan na ba na minahal ko siya? Mali ba na minahal ko siya?

"Hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Dahil sa lahat ng desisyon na ginawa ko buong buhay ko, iyon ay ang panindigan ko na mahal kita. Kung mali yun sa paningin mo, ibahin mo sa paningin ko." Malumanay kong sabi. Nalulungkot ako dahil ganun pala ang tingin niya sa pagmamahal ko sa kanya. Nalulungkot ako dahil iyon pala ang dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan namin.

Natahimik nanaman kaming dalawa. Gusto ko pa siyang makausap. Gusto kong hawakan ang kamay niya. Gusto kong akbayan niya ako tulad ng dati. Ako nanaman ba ang gagawa ng paraan para magkausap kami? Ako nanaman ang first move?

"Paano kung malaman mong niloloko ka lang ng isang tao, anong mararamdaman mo?" Naibulalas ko. Kita ko ang pagkunot ng noo niya at paglingon saakin.

"Masasaktan. Bakit ba?" Tanong niya saakin. Ngumiti ako saka umiling. Ayaw ko siyang masaktan. Isa pa, wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya iyon. I am still working on it.

Bumalik kami sa bahay na tahimik lang. Sina Kuya Harry lang ang maingay dahil ang se-sexy daw ng mga babaeng nakikita nila.

OoooOoooOooo

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon