Chapter 10: paano ko sasabihin?

677 17 1
                                    

J A N U A R Y 1 6 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

"Lyles!" Kinalampag ko ang pintuan ng kwarto niya. Ayaw niya ng malumanay na pagkatok, kaya eto, hysterical na katok ang ginagawa ko.

"Ang pangit mo! Buksan mo na tong pintuan." Sigaw ko. Tinatawanan na ako ng mga kasambahay nila pero balewala lang saakin yun.

Pabebe talaga si Lyles!

"Lyles! Kapag hindi mo binuksan to, kalimutan mo na ako!" Nagbilang ako ng limang segundo pero wala pa rin.

Aba! Hinahamon talaga ako.

"Fine! Goodbye!" Tumalikod na ako at ready na umalis sa bahay at buhay ni Lyles nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at niyakap ako.

Sumilay naman ang ngiti sa labi ko. Hindi niya ako matitiis.

"Oh, may halaga pa pala sayo ang pagkakaibigan natin?" Kunwaring inis na tanong ko sa kanya.

"Oo naman! Bespren kita mula fetus pa lang tayo." Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sakin.

"Letche ka pala eh! Bat dahil lang sa hindi kita ginawan ng cake, sinumpong ka nanaman ng saltik mo?" Nakakunot noong sabi ko.

"Hindi lang dahil dun." Humiwalay siya sa yakap niya saakin saka hinarap ako ng nakanguso.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Nagseselos ako." Diretsong sabi niya. Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Anong drama yun?" Tanong ko.

"Kasi naman eh... Dati hindi mo naman pinapansin si Marc. Ako lang lalake sa buhay mo bukod kay Papa at kina Kuya Harry. Kainis!" Halata sa boses niya ang pagtatampo.

Natigil ako sandali saka siya tinawanan ng mahina.

"Anong nakakatawa?" Parang batang tanong niya.

"Ikaw. Perstaym yan, dude. Ngayon ka lang may pinagselosan saakin." Naupo ako edge ng kama niya. Tumabi naman siya saakin.

"Basta, ayaw ko sa lalakeng yun." Nakasimangot pa rin niyang sabi.

"Wag ka ngang madrama dyan." Natatawang sabi ko saka ko siya niyakap patagilid.

"Ikaw lang naman ang bespren ko forever. Wag ka na magselos." Pagpapagaan ko sa loob niya.

"Ikaw kasi eh.. Sinanay mo ako na ako lang." Napatingin ako sa kanya.

"Wow, kasalanan ko pa." Hinampas ko siya sa braso niya at ayun balik na kami sa dati.

Hindi bagay saamin ang nagdadrama ng ganito. Lalo na saakin..

Err..

OoooOoooOooo

Nandito kami nina Astrid at Bella sa mall ngayon. Nag-aya kasi sila bigla maglibot.

Naiwan si Hiro sa bahay nila. Ayaw naman kasing sumama dahil tumatamad daw siyang maging tagabuhad namin ng shopping bags.

"Ay may ikukwento pala ako sainyo." Naibulalas ko habang naglalakad kami.

"Oh, ano nanamang tsismis yan?" Tanong ni Bella.

"Nung isang araw kase, sinama ako ni Mommy sa HN's kitchen. Then nakita ko doon si Nikka." Pag-uumpisa ko.

"Nikka...?" Inaalala naman ni Astrid kung saan niya narinig ang pangalang iyon.

"Nikka the biatch. Yung nililigawan ni Hirong." Pairap na sabi ko.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon