Chapter 6: No signs of Hiro

675 20 2
                                    

J A N U A R Y     0 6      2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Nandito na ako sa waiting area ng university na pinapusakan namin. Hintayin ko na lang daw dito si Hiro. Kaya nandito ako at hinihintay ang hinayupak kong bespren.

"Hey Herm!" Kumaway naman ako dun sa bumati saakin.

Kung tinatanong niyo kung sino yun, hindi ko rin alam kung sino yun. Kumaway lang ako para batiin siya pabalik. Dahil magmumukha siyang tanga kapag hindi ko pinansin.

See, hindi naman ako ganun ka samang tao. Mabait kaya ako. Hindi lang halata.

Time check: 5:00 pm

Nasaan na yung si Hiro?

Hiro's Point Of View

Natapos ang klase namin ng 5:00 kaya naglalakad na ako papuntang parking lot at para maisakay ko na si Herm. Ang sabi niya saakin ay hihintayin niya ako sa may waiting shed sa parking lot.

"Hiro!" Lumingon ako sa tumawag saakin.

"Nikka." Nilapitan ko siya at humalik sa pisngi niya. Nasanay na rin siyang hinahalikan ko siya sa pisngi.

"Pauwi ka na ba?" Tanong niya saakin.

"Yes." Sagot ko.

"Can you drive me home? Coding kasi yung car ko." Nakangiti niyang paliwanag.

"Sure. Oo naman." Hinawakan ko yung kamay niya at naglakad na kami papuntang parking lot.

Sumakay kami sa kotse ko at nagdrive na paalis.

"Hey, pwede ba tayong dumaan muna sa restaurant?" Ngumiti muna ako sa kanya bago sumagot.

"Oo naman. Sakto lang at gutom na rin ako." So, nagdrive kami papunta ng HN's Kitchen.

Hermione's Point Of View

Time check: 5:30 pm

Aba't lokong Hiro na yun! Thirty minutes na akong naghihintay dito ha!

Saan nanaman ba nagsususuot yung lalaking yun? Wag niyang sabihin nakalimutan niya dahil babatukan ko talaga yun.

"Hey, Herm! Sabay kana saakin."

"Sorry Marc. Hinihintay ko kasi si Hiro. Sabay kaming uuwi." Marc is one of my....hmmm....suitors? My suitors na hindi ko naman pinayagan manligaw saakin pero makulit.

"Okay...just call me kung hindi siya makakarating. Pupuntahan kita kaagad." Tumango naman ako at kumaway na sa kanya.

Dadating naman si Hiro, diba?

I know hindi niya ako bibiguin. Ito nga yung pambawi niya saakin.

Hiro's Point Of View

Nagtatawanan kami ni Nikka habang palabas kami ng HN's.

"Palabiro ka talaga, Hiro." Natatawa niyang sabi.

"Nah. I did that on purpose." Napatigil siya dahil sa sinabi ko.

"Yeah?" I nodded.

"Well, I just want to hear your laugh." I shrugged. Natawa naman siya. She's so beautiful. She's perfect.

"Anong oras na?" Tanong niya saakin. I look at my watch and.... "7:30" Nanlaki mata niya.

"Ang tagal na pala nating nagkukwentuhan. Hindi ko namalayan yung oras." Napapailing niya sabi. Tumango naman ako.

Sumakay kami ng kotse ko at hinatid ko na siya sa bahay nila.

Pagkatapos kong ihatid si Nikka ay dumiretso na ako sa bahay namin. Nakakapagod ang araw na ito.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon