Chapter 27: in a battle field

671 18 0
                                    

M A R C H 2 2 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

April 26, 2016

Araw ng kaarawan namin. 16 years old na kami pareho. Hindi na itinuloy ni Mommy at Mama ang paghahanda ng bongga. Nagpasya kami na icelebrate na lang namin iyon na kami-kami lang. Yung wala munang epal na business partners or kung sino pa.

Nagpasya kami na dito sa Hawaii na lang namin icelebrate ang kaarawan namin. Kasama ko ngayon ang buong pamilya ko at pamilya ni Hiro. Nandito rin si Astrid, Bella at Marc.

"Gosh, ang ganda dito sa Hawaii!!" Kanina pa kuha ng kuha ng selfie si Astrid. Hindi na napagod kakapose sa harapan ng cellphone niya.

"Oo na, Ast. You said that for million times now." Inirapan siya ni Bella. Magkakasama kaming tatlo sa kwarto namin. Isang malaking airbnb house ang nirentahan namin para sa tatlong araw naming stay dito sa Hawaii.

"Ang ganda lang talaga dito. I freaking love this place. At ang laki ng bahay na ito. Maganda din ang view sa labas. Kitang-kita yung beach." Nakatanaw siya sa balcony ngayon at kinukuhanan nanaman ng picture ang kapaligiran. Totoo namang maganda dito sa Hawaii. Napakaraming pwedeng puntahan. Kung gusto mo ang malapit sa araw at beaches, dito ka pumunta.

"Magpapahinga muna ako. Kakapagod ang byahe." Tinanguan ko lang si Bella kaya nahiga na siya at nakatulog. Si Astrid naman ay nagpaalam na lalabas muna siya para magboy hunt. Ano ba ang nangyare sa kanila ni Hiccup? Wala na talaga silang chance?

Ako naman, umupo sa tabi ni Bella at sinindihan ang Macbook ko. Ieedit ko lang yung first part ng montage ko dito sa Hawaii para sa birthday ko.

"Don't you want to go out?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Nakatayo doon si Marc na nakasando at shorts lang. He looks amazing. Pero mas gusto ko makita si Hiro na ganyan ang suot. I bet he'll be so hot. Kahit nga nakaplain shirt at shorts lang iyon ay gwapong-gwapo na.

"Wait a sec. Tapusin ko lang ito then magbibihis ako." Sinave ko na yung ginagawa ko saka tumayo para magbihis.

Nagsuot lang ako ng simpleng romper saka birkenstock. Binraid ko rin ang buhok ko saka na lumabas kasama si Marc. Nagpaalam kami kina Mommy na aalis din para mamili ng mga pagkain at gagamitin namin sa tatlong araw.

Si Hiro, hindi ko alam kung nasaan siya. Ang alam ko ay susunod dito si Nikka. Nagkaroon kasi siya ng problema kaya hindi siya nakasabay. Wala na akong pakialam kung anumang problema ang meron siya. Dahil ako, siya mismo ang problema ko.

"So, saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Marc paglabas namin ng bahay. "Wala. Dito lang sa labas. Sinabi ko kanina 'don't you want to go out?' ito na yun. Out." Binatukan ko siya dahil sa sinabi niya.

"Ginagago mo ba ako, Marc?" Nakapamewang kong tanong sa kanya. Tinawanan lang naman ako ng gago kaya pinaghahampas ko na siya.

"Joke lang. Hindi ko kasi alam saan tayo pupunta. Nakakainip naman sa bahay kanina. Tara, kahit saan na lang." Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila sa kung saan kami dalhin ng mga paa namin.

Sa kakalakad namin ay nakarating kami sa napakagandang resort dito. Namangha talaga ako sa nakikita ko. Ito ang beach na pinakamalapit sa bahay na kinuha namin and, dang! Ang ganda!

"Gorgeous.." Bulong ko saka saglit na pumikit para damhin ang simoy ng hangin. Mainit din ang panahon dito katulad sa Pinas pero iba. Nakakarefresh ang init dito. Perooo syempre hindi ko pa rin ipagpapalit ang Pilipinas.

"Do you want to take pictures?" Nilingon ko si Marc na may hawak na SLR. Napangisi ako saka tumango. Binabawalan ko si Astrid kanina tapos ngayon gaya-gaya din pala ako.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon