Chapter 13: I love you, Marc..

721 18 7
                                    

J A N U A R Y 2 6 2 0 1 7
Happy 26 💙
------------------------ 🌸 -----------------------

Habang ginagawa ko ang homeworks ko, umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta alam ko nabubwiset ako kay Hiro at Nikka! Bwiset sila!

Bakit kailangan ko pang malaman na nagtatawanan sila habang nanonood ng movie habang ako nilamok na kakahintay sa gago at manhid kong bespren!

Ang sabi niya saakin noon hindi na niya uulitin yun! Ano nangyare? Kinain lahat niya yun! Kainis!

Marahas kong pinahid ang luha sa pisngi ko. "Para kang tanga, Hermione! Bakit ka umiiyak? Pabayaan mo sila kung dyan sila masaya. Wag ka na umiyak. Baka pumangit ka dahil sa kanila." Pinapahid ko pa rin ang mga luhang walang tigil sa pagpatak.

"Bakit ka nga ba umiiyak, Hermione?" Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko.

"Kuya Harry, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko saka palihim na pinunasan ang luha ko.

"Narinig kasi kitang humihikbi. Ano nanaman drama mo?" Tanong niya saka ako pinaharap sa kanya.

"Wala! Sige na tatapusin ko pa tong homeworks ko." Pinagtutulak ko siya palayo saakin para hindi niya makita ako namumula kong mata at ilong.

"Sino ba nagpaiyak sa baby sister?" Tanong niya na may pang-asar at lambing ang tono.

"Walaaaa nga Kuya. Balik ka na sa kwarto mo." Pagtaboy ko. Kainis naman si Kuya! Kung kailan nageemote ako, doon niya naisipan umepal ng ganito.

"Come on, tell Kuya nang mabangasan ko." Natatawang sabi niya. Bumuntong hininga ako saka na sumuko. Hindi niya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kanya.

"Si Hiro.." Sagot ko. Kita ko namang napakunot ang noo niya. Nagtataka siguro kung bakit ako pinaiyak ni Hiro. Ayaw kasi akong nakikitang umiiyak nun.

Akalain mo nga naman. Yung lalakeng ayaw ka makitang umiyak noon, soya na ang dahilan kung bakit ka lumuluha ngayon.

"Anong ginawa niya?" Tanong ni Kuya.

"He ditched me. Pinaghintay niya ako sa school dahil dapat sabay kaming uuwi ngayon. Kaso, muntik na akong tinubuan ng ugat, wala pa siya. Hindi man ako pinuntahan. Kahit tinext man lang na hindi pala siya makakapunta dahil may movie marathon silang dalawa ni Nikka." Mahabang sabi ko.

"Sus, nagseselos ka lang pala.." Natatawang sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Nagseselos? Ako, nagseselos? Oh come on, Kuya, why would I?" Tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa pagtawa niya saka ako tinignan ng seryoso.

"Why not? Mahal mo siya. Masyado kang halata, baby sister. Wag mo na ideny." Ginulo pa niya ang buhok ko saka naglakad papunta ng pintuan.

"Pagkatapos mo dyan, matulog ka na. May pasok ka pa bukas. I love you.." Yun lang at umalis na siya.

Nagseselos ako dahil mahal ko siya? Oo! Mahal ko siya. Best friend ko yun eh. Nasanay ako na ako ang priority niya. Nasanay ako na ako lang ang kasama niya parati. Nasanay ako na kaming dalawa ang magkasama manood ng movies. Nasanay ako na ako lang yung inaasar niya. Ako lang yung pinapatawa niya. Ako lang yung pinagtatanggol niya.

Masama ba yun?

Should I stop?

Kailangan ko na bang masanay na mula nang dumating si Nikka, nagbago na ang lahat? Should I just need to accept na hindi lang ako ang babaeng magiging malapit kay Hiro? Should I let him go?

Bumuntong hininga ako. Bakit ang hirap? Iniisip ko pa lang na hindi ko na siya makakasabay pagpasok at pag-uwi galing sa school, ang hirap na.

Nasaan na yung Hiro na bespren ko at kasama ko sa kalokohan?

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon