Chapter 33: ball

696 20 15
                                    

A P R I L 1 4 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Natapos ang buong araw sa school at paika-ika akong maglakad. Naiinis din si Marc dahil wala daw siya kanina para sana naipaghiganti niya ako. Ang sabi ko naman ay kaya ko na ipaghiganti ang sarili ko kaya hindi na niya kailangan mag-alala.

Nandito kami sa ospital ngayon dahil ipapa x-ray daw niya ako. Um-oo na lang ako para kahit papaano ay masiguro ko rin na okay ako.

Nang matapos ako ay kaagad kaming umalis. Sumakay ng sasakyan saka umuwi.

OoooOoooOooo

Pagpasok ko sa condo namin ni Hiro ay humahawak pa ako sa kung saan ako pwedeng masuportahan dahil umiika-ika pa ako. Ang lakas kasi talaga ng bagsak ko kanina sa sahig. Hindi pwet ang naglanding sa sahig, balakang ang nauna. BALAKANG! As in nakaside ako natumba.

Napansin ko naman si Hiro na nanonood ng tv. Hindi na ako nag-abalang magsalita pa. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko para makapagpahinga at makapagbihis na.

Maya-maya lang ay kailangan ko na ring magluto ng pagkain namin. Hindi naman gagawin ng kusa ni Hiro yun. Ang sarap niyang katayin dahil hindi man lang ako matulungan sa gawaing bahay.

Lumipas ang ilang oras at nakatutok lang ako sa cellphone ko. Hinanap ko si Liam sa Facebook at inistalk ko na rin siya.

Hmmm...mayaman siya. Nakapunta na rin siya sa iba't ibang bansa base sa mga litrato niya. Hindi masyadong marami ang mga pictures niya.

Limang beses pa lang siya nagpalit ng profile picture niya at tatlong beses sa cover photo. Then apat lang ang album niya. Profile picture, photos of Liam, cover photo, at mobile uploads.

Hayyy ang boring naman ng taong to. Malimit pa yata siya mag-online.

Habang tinitignan ko ang profile niya ay biglang may isang notification ang lumitaw.

Lara Logan sent you a friend request

Pinindot ko muna ang profile niya saka tinignan ang mga pictures niya. Ayun, lumipas nanaman ang ilang minuto bago ko siya inaccept.

6 o'clock na ng gabi nang magpasya akong tumayo para magluto na ng kakainin namin ni Hiro.

Pagbaba ko, nandoon pa rin siya at nakahiga na sa couch. Nagkibit balikat na lang ako saka nagpunta ng kusina.

OoooOoooOooo

Isang buwan na ang nakakalipas mula nang magsimula ang klase namin dito sa KFIS. Si Lara lang larati ang kasama ko dahil nagiging busy na rin si Marc sa mga activities na sinasalihan niya. Sumasali din naman ako sa mga activities para nalilibang ako kahit papaano.

"Please, bes? Sali ka na sa cheering squad.." At heto si Lara Logan, kinukulit nanaman ako na sumali sa cheering squad kung saan kasali siya.

"Lara, hindi ko hilig ang mga ganyang bagay." Sagot ko.

"Hermione Ramirez, kailangan mo ding sumubok ng ibang bagay. Hwag ka dapat nagstay lang sa isang bagay kung saan komportable ka. Try new things, explore! Duh!" Litanya niya. Napabuntong hininga naman ako saka kumuha ng dalawang french fries at isinawsaw sa vanilla ice cream ko.

"Pag-iisipan ko." Sagot ko sa kanya na ikinatuwa niya. Actually, tatlong araw na niya ako kinukulit na sumali. Iisa lang naman ang sagot ko sa kanya pero hindi niya tinatanggap.

"You look different today. Is there something wrong? Inaway ka nanaman ba ni Liam?" Nakakunot noong tanong niya saakin saka kumagat sa burger niya.

At oo, tama ang basa niyo. Panay kaming nag-aaway ni Liam ngayon. Naalala ko nanaman yung ulupong na yun! Panay ang tawag niya saakin ng tanga dahil sa kamalas-malasan naman kasi ay sinusumpong ako ng pagkaclumsy sa tuwing nandyan siya. Ayan, akala tuloy niya lampa ako.

"Hindi si Liam. Ipinatapon ko na yun sa Pasig River sa sobrang inis ko sa pagmumukha niya." Sagot ko. Tawang-tawa naman si Lara.

"Eh ano nga ang problema mo?" Tanong nanaman niya. Uminom muna ako bago tumikhim.

"Si Hiro.." Sagot ko. Kanina kasi bago ako umalis ng bahay, tumawag si Mommy saakin at sinabi niyang okay na daw ang divorce paper namin ni Hiro. In three days ay darating na ang mga iyon at pipirma na lang kami.

"Hiro? Yung ex-best friend mo?" Naikwento ko na rin kay Lara si Hiro. Kaso iniqan ko yung part mula nang ikasal kami. Ang sabi ko lang bestfriend ko siya. Pero pakiramdam ko malalaman na ni Lara na asawa ko yun.

"Uhmm.. Lara, mapagkakatiwalaan naman kita diba?" Tanong ko sa kanya saka tumitig sa mga mata niya.

"Grabe seryoso na ba tayo dito? Okay, ehem, oo naman Herm. Bespren na rin tayo. Ano ba yang sasabihin mo at parang napakaseryoso. Nakakakilabot." Sabi niya. Nginitian ko naman siya bago magsalita.

"Hiro is not just my bestfriend. He is also my...ano uhmm husband." Napayuko ako saka pinaglaruan ang wedding ring namin ni Hiro. Hindi ko ito hinihubad kaya nagtatakha ako kung bakit hindi ito napapansin ni Lara.

"Husband?" Puno ng pagtatakang tanong niya saakin. Sinagot ko lang siya ng isang marahang tango.

"Whoa. Hindi ko ineexpect yun ha. Hahaha! Paano?" Tanong niya at para bang hindi na alam kung alin pa sa mga tanong sa utak niya ang sasabihin niya.

"Long story short, arrange marriage." Sagot ko sa kanya. Napatango naman siya at para bang alam na niya ang lahat.

"Anong problema?" Tanong niya.

"Maghihiwalay na kami." Sagot ko

"Hiwalay agad?!" Nanlalaking mata niyang tanong saakin.

"Oo, kailangan eh.." Nakayukong sabi ko. Ikinwento ko sa kanya ang lahat. Pinigilan ko na huwag umiyak dahil nagsasawa na ako na sa tuwing nababanggit ko ang kwento namin ay lumuluha ako.

Ayaw ko ng umiyak. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak.

"Herm.." Malungkot na sabi niya. Nginitian at inilingan ko siya. "Okay lang ako, Lara.." Pangungumbinsi ko sa kanya. Tumayo naman siya saka tumabi saakin at niyakap ako. Hinayaan ko lang siya na yakapin ako.

Maswerte talaga ako sa mga kaibigan ko. Minalas nga lang sa lalakeng minahal ko.

"Magiging okay din ang lahat.." Bulong ko.

OoooOoooOooo

Umuwi ako sa bahay namin nina Mommy ngayon. Gusto daw nila akong makausap. Ang sabi ko kasi sa kanila na huwag munang sabihin kay Hiro ang tungkol sa divorce namin. Mabuti na lang at pumayag sila.

Nandito na ako sa salas namin ngayon at hinihintay na lang si Mommy at Daddy. Wala sina Mama at Papa dahil busy daw sila sa office.

"Hey sweetheart.." Humalik ako sa pisngi nila saka naupo na.

"Ano yung sasabihin niyo, 'mmy?" Tanong ko sa kanya.

"In three days, darating na yung divorce paper niyo ni Hiro. In that same date ay magkakaroon ng ball para sa mga kilalang pamilya sa buong Pilipinas. You need to go with us, Natasha." Napangiwi naman ako dahil sa pagtawag ni Daddy sa second name ko.

"Ball?" Tanong ko. Tumango naman sila pareho. Napaisip ako bigla.

"Anong klaseng ball?" Tanong ko sa kanila.

"Masquerade ball." Sagot naman ni Daddy. Napakurap ako sandali.

"I'm going with you." Nakangiting sabi ko saka na nagpaalam dahil kailangan ko pa ipagluto ng dinner si Hiro. Ilang araw ko na lang gagawin ito para sa kanya.

Masquerade ball... I should buy a perfect dress for that night.

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon