Chapter 11: hinding-hindi

641 17 1
                                    

J A N U A R Y 2 2 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Back to school. Kasama ko si Hiro ngayon dahil sabay kaming pumasok. Kanina paggising ko, wala na akong kasama sa bahay.

Jusme hindi na ako nasanay!

"Oh, bat nakasimangot ka dyan? Ang aga-aga!" Inakbayan niya ako saka pinisil ang ilong ko.

Kasi naman si Nikka niloloko ka na hindi mo pa ramdam. Manhid!

Yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya kaso kinakabahan pa rin ako. Hindi ko pa rin alam kung paano ko uumpisahan.

"Wala kasi akong kasama kanina sa bahay paggising ko." Pagdadahilan ko.

"Hindi ka pa nasanay. Mas nakakagulat pa nga kung nasa bahay sila paggising mo." Natatawang sabi niya.

Totoo naman yun kaso wala akong maidahilang iba kaya keri na yun.

"Sasabay ka ba mamayang lunch saamin?" Tanong ko sa kanya.

"Nope. Sabay daw kami ni Nikka." Automatic naman akong napasimangot.

"Okay.." Sagot ko saka na pumasok ng classroom.

Lumapit naman si Hiro sa mga kaibigan niyang lalake.

"Ang aga-aga hindi maipinta yang pagmumukha mo." Sinamaan ko ng tingin si Bella.

"Ang aga-aga nangbubwiset ka." Balik ko saka naupo.

"Si Kuya Harry nanaman?" Tanong niya.

"Hindi. Paggising ko nga wala na sila sa bahay." Inilabas ko ang cellphone ko saka binasa ang text ni Mommy. Reminders lang para sa mga dapat kong gawin.

"Eh sino pala?" Tanong niya.

"Si Nikka." Mahinang sagot ko. Hindi naman na siya nagtaka.

"Hindi mo pa rin sinasabi kay Hiro?" Tanong niya. Umiling ako.

"Gusto mo ako na magsabe?" Mas lalo akong umiling.

"Edi sabihin mo na." Pangungulit niya.

"Hindi ko nga alam paano." Kinagat ko ang nasa loob ng pisngi ko.

"Ang easy lang Hermione Natasha Kyles... Sasabihin mo lang kung ano yung nakita't narinig mo." Napakamot ako sa ulo ko.

"Hindi ganun kadali yun, Isabella. Mahal niya yung babaeng sasabihan kong nanloloko lang sa kanya. Paano naging madali yun?" Tanong ko saka binagsak ang likod ko sa sandalan ng upuan ko.

"Sabagay may point ka. Edi hayaan mo na lang masaktan si Hiro."

"No way!" Kaagad kong sabi. Ayaw ko na maulit yung dati na umiyak pa siya dahil iniwan siya ni Nikka.

"Hayy..ewan ko sainyong dalawa. Ang gugulo niyo." Sinalpak niya sa tenga niya yung earbuds saka nagpatugtog.

Nasaan nanaman ba si Astrid? Lumalandi nanaman yata.

Maya-maya lang ay nagsimula nanaman ang klase.

Nagtataka ang mga teachers namin kung bakit hindi ako nangugulo. Hindi daw sila sanay. Lalo na si Ma'am Anj.

"Wala ako sa mood bwisetin ka ngayon, Ma'am. Sige na, idiscuss mo na ang bansang China." Walang ganang sabi ko. Tinawanan lang naman niya ako.

Napalingon ako kay Hiro na nakatingin din saakin. Nagtatanong ang kanyang mga mata.

Kahit panay akong inaasar ni Hiro, ayaw ko siyang nasasaktan. Ayaw kong may ibang babae ang nagpapaiyak sa kanya. Gusto ko, ako lang!

Gusto ko ako lang ang inaakbayan niya, inaasar niya, pinapatawa niya.. Kasama niya.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon