Chapter 21: i will do anything for you

728 20 8
                                    

F E B R U A R Y 2 4 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------

Hermione's Point of View

Nandito ako ngayon sa office ni Mommy at Daddy. Hindi ako pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Bukas na ang moving up ceremony namin. Last day ng practice ngayon hindi na ako nagattend. Kukunin na lang daw ni Kuya Harry yung toga ko mamaya.

"Dad, do you have a minute?" Tanong ko. Seryoso kasi siyang nakatingin sa laptop niya at nakakunot pa ang noo niya. Ganun din naman si Mommy na nasa isang tabi. Share kasi sila ng office. Ayaw daw ni Daddy na magkahiwalay sila. Gusto niya panay niyang nakikita si Mommy.

"I always have time for you, sweetheart. Come in.." Nginitian ko siya saka na ako pumasok. Napatingin naman si Mommy saamin.

"Kamusta ang practice mo?" Tanong saakin ni Mommy saka lumapit at humalik sa pisngi ko.

"Hindi ako nag-attend. Si Kuya Harry na daw ang kukuha ng toga ko mamaya." Sagot ko. Napatango na lang sila at mukhang ready na makinig sa kung anuman ang sasabihin ko. Bumuntong hininga muna ako saka nanalangin na sana pumayag na sila.

"Mommy, Daddy...please, huwag niyo na pong ituloy yung kasal namin ni Hiro." Napayuko ako. Kita kong natigilan sila sa sinabi ko. Alam ko rin naiinis na si Daddy. Ilang beses ko na kasing nabanggit ito sa kanya at iisang sagot lang ang natatanggap ko. Isang madiin na "No." Huminga ako ng malalim. Ano pa ba ang dapat kong gawin para wag na nilang ituloy iyon?

"Dad, please?" Pagmamakaawa ko pa rin. Tinignan niya ako ng masama. Ang lamig na ng titig niya. Nakakatakot na siya kapag ganito. "I'm sorry Hermione but my decision is final. In seven days, we're flying to New Hampshire." Yun lang ang sinabi niya bago tumayo at akmang lalabas na pero nagsalita pa rin ako.

"Ayaw ko siyang makulong sa isang kasal na hindi niya gusto." Tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Kahit masakit para saakin, ayaw ko siyang matali saakin kung hindi naman ako ang mahal niya. Ayaw kong mangyare iyon.

"Sweetheart.." Nilapitan ako ni Mommy saka ako niyakap. Lalo naman akong naiyak dahil sa yakap niya. Ramdam kong lumapit din si Daddy saakin.

"Fine. Let's have a deal. You'll be married in one year then after that, file a divorce. Kailangang-kailangan lang natin gawin ito, nak. Promise, isang taon lang.." Pakiusap ni Daddy saakin. Napaisip ako sa sinabi niya. Isang taon lang. Pwede na siguro yun. Pagkatapos ng isang taon, papakawalan ko na siya. Maghihiwalay na kami.

"D-deal.." Nauutal kong sabi. Hinalikan ako sa noo ni Daddy saka na inalalayan palabas. Kakain muna daw kami ng lunch saka na uuwi. Sasamahan daw nila ako sa bahay ngayon at maghahanda na sila para sa party ko bukas. Moving up ko na kasi. Gusto nilang magimbita ng mga kaibigan kaya um-oo na lang ako.

Sana okay lang kay Hiro ang desisyon ni Daddy. Kesa naman sa habangbuhay niya akong makasama. Sana okay na sa kanya ang isang taon.

Nakarating kami sa bahay at magluluto daw ng lunch si Mommy. Dumiretso naman ako ng kwarto ko dahil biglang bumigat ang pakiramdam ko. Nagsimula na rin akong sipunin. Ang lamig pa kanina sa office nina Mommy. Tapos naiyak pa ako..

OoooOoooOooo

"Sweety, lunch is ready-- Oh, what happened to you?" Nilapitan ako ni Mommy saka hinipo sa leeg at noo ko. "Ang init mo!" Nakapikit lang ang mga mata ko pero naririnig ko siya. Nilalamig na talaga ako. "Mataas na ang lagnat mo. Dapat hindi kana nagpunta sa office. Nagmaneho ka pa kanina." Napakunot ang noo ko kahit nakapikit ako.

"Mommy, may sakit na nga ako pagagalitan mo pa ako. Alagaan mo nalang ako." Nanghihinang sabi ko. Dinig ko namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Nakuha ko na ang toga ni Hermione." Dinig kong sabi ni Kuya Harry. Napamulat ako ng mata. Nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan habang hawak ang puting toga na isusuot ko bukas. Paano na ako nito kung may lagnat ako?

"Labhan mo para mabango bukas. Nilalagnat tong kapatid mo at aasikasuhin ko muna." Utos sa kanyani Mommy. Dinig kong nagreklamo pa siya kaso wala namang laban kapag inutusan na siya. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang basang towel sa kamay at noo ko. Ang lamig nung towel.

"Mommy, ang lamig!" Reklamo ko. "Mas mabuti ito para maalis yang init ng katawan mo." Sagot naman niya. Lalo akong giginawin sa ginagawa niya. "Patayin mo na lang yung aircon." Sabi ko. "Kanina pa po nakapatay, senyora." Sarkastikong sabi niya. Tumango na lang ako saka pinabayaan siyang ipahid saakin ang malamig na towel.

Maya-maya ay oinaoalit niya ako ng damit at sinubuan ng mainit na soup saka pinainom ng gamot. Medyo nahimasmasan naman ako pero mabigat pa rin ang pakiramdam ko.

"Kakain muna ako, Herm." Marahan kong tinanguan si Mommy at lumabas na siya. Pumikit na ako. Ramdam ko ang umaalab kong mga mata. Pati ang hininga ko ay napakainit. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Para akong binabalutan ng init pero nilalamig ako sa bawat ihip ng hangin.

OoooOoooOooo

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Boses nina Mama iyon.

"Sis, bili na kaya tayo ng mga gagamitin natin tomorrow. Gusto ko kasi tayo ang magluto ng mga pagkain bukas." Dinig kong sabi ni Mama.

"Hindi ko kasi maiwan so Hermione. Ang taas ng lagnat. Alam mo namang hindi ko siya maipagkakatiwala sa mga Kuya niya." Dinig kong sabi ni Mommy. "Kaya ko, 'mmy! Wala ka bang tiwala saakin? Akong bahala kay Hermione." Dinig kong sabi naman ni Kuya Harry.

I groaned. Bakit ba kasi sa may talat ko pa ng pintuan sila naguusap? Pwede naman sa baba na lang or sa labas. Bakit dito pa? May natutulog o!

"Maiiwan naman si Hiro dito. Sila na ang bahala kay Hermione." Sabi naman ni Mama.

"Osige. Hoy Harry, yung kapatid mo tinitignan mo ha? Hiro, maiwan na muna namin kayo." Dinig kong sabi ni Daddy. "Sige, Dad! Kami bahala dito." Sagot naman ni Kuya Harry.

Dahil sa panlalambot ko ay ipinikit ko na lang muli ang mga mata ko. Kaso hindi na ako makatulog. Mahaba-haba na rin kasi ang tulog ko kanina. Feel ko lang sila ipikit dahil umaapoy sila sa tuwing imumulat ko ang mga ito.

Maya-maya lang ay narinig kong bumukas ang pintuan. Nagpanggap akong tulog. Hindi ko alam kung sino ang pumasok. Pero may isang tao akong inaasahan.

"I'm sorry.." Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Sa bilis pa lang ng tibok ng puso ko, kilala ko na kung sino ito. "Sorry kung hindi ko maibalik yung pagmamahal na ibinibigay mo saakin. Hanggang kaibigan lang talaga kita. Nalaman ko na pala yung one year deal niyo ni Papa. Pumayag na ako. Isang taon lang naman kita magiging asawa tapos maghihiwalay din tayo. Ayos na ako doon.." Mahabang sabi niya. Bakit ayos lang sa kanya? Bakit saakin ang sakit? Bakit naghahanggad ako ng mas mahaba pa doon? Bakit gusto ko makasama ko siyang hanggang sa malagutan na ako ng hininga?

Tapos siya ayos na siya sa isang taon? Natagalan pa siya ng konti noh? Psh!

"Ayaw ko talagang nakikita na magkasama kayo ni Marc. Ako lang dapat ang best friend mo. Wala ng iba.." Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Bakit ba kasi niya ginagawa ito saakin? Lalo lang akong nahuhulog. Sana wag na lang niyang gawin to kung wala naman pala siyang planong saluhin ako. Masyadong pafall!

"Ang saya mo sa tuwing kasama mo siya. At kung siya ang dahilan ng ngiti mo, sige hahayaan na kitang samahan siya." Dinig kong sabi niya. Mali ka, Hiro. Ikaw ang dahilan ng pagngiti ko. Nakakatawang isipin diba? Kung sino pa ang taong nagpapaiyak sayo, siya pa ang may kayang magpangiti sayo ulit. Pantanga lang!

"Magpagaling ka na. Bukas na ang moving up ceremony." Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Gusto kong magtatatalon sa tuwa. Namiss ko si Hiro. Namiss ko ang Lyles ko. Kung friendship lang talaga ang kayang mong ibigay saakin, tatanggapin ko na iyon. Huwag ka lang mawala saakin.

Kahit gaano pa kasakit na makita kang masaya sa iba, tatanggapin ko na iyon. Makita ko lang ang pagkislap ng iyong mga mata.

Gagawin ko lahat para sayo, best friend ko.

------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.

bestfriend // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon