#Fear 7: The Empty Classroom

4.3K 143 8
                                    

#Fear 7: The Empty Classroom


Xenzel's POV

"Hhhmmmmmm..." I mumbled habang umuunat. Kagigising ko lang, and it's just 5 o'clock in the morning. 7am kasi yung klase namin ngayong Monday. "Haaay..."

"Good morning."

"Ay!" Napabalikwas ako at napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Nasa tabi ko kasi bigla si Olivia, yung roommate ko. "Pasensya na, nagulat ako sa'yo."


Ngumiti lang siya at tumango.


"Akala ko ba hapon yung klase mo ngayong araw?" Tanong ko sa kanya sabay bangon.

"Hindi kasi ako makatulog nang maayos." Mahina niyang sagot. Mahina talaga siyang magsalita. Yun bang parang nasa lamay. Hehehe.

"Oh? Bakit naman?" Eh ang ganda-ganda nga ng tulog ko eh.

"Ang ingay ng mga babae sa kabilang kwarto."

"Oo nga noh? Kagabi pa sila nag-iingay." Pagsang-ayon ko. Mukha kasing mga hyper yung nasa room 12-06.


Nakatanggap ako ng text mula kay Nem kaya naudlot yung pag-uusap namin.


[From: Nem

Saan ka na? Magsisimula na yung klaseeeeeee. XD]


Kumunot ang noo ko at napatitig ako sa orasan namin.


"Oo nga pala, late 'yang orasan natin." Imik ni Olivia sabay balik sa kama niya.

"Oh my God! I need to hurry up!" Parang si Flash akong tumungo sa banyo at naligo nang napakabilis. Mga 3 minutes lang siguro tapos na agad ako.


Mabilis din akong nagbihis at agad nang umalis. Tulog na si Olivia pag-alis ko.


Patakbo akong pumasok sa Side Gate ng SERIUN. As usual, andami-dami na namang tao sa hallway papuntang SERIUN Plaza. Sinusuklay ko pa yung buhok ko gamit yung mga daliri ng kamay ko.


Si Nem kanina pa text nang text. Napi-pressure tuloy ako lalo!


Pumasok ako sa elevator at may isang estudyante lang na nasa loob.


Haaay salamat, walang siksikang magaganap.


Napalingon ako sa lalaking nasa likod ko at agad akong napangiti.


"Nate?" Tawag ko sa kanya. Nakatingin siya sa relo niya pero agad niyang iniangat yung tingin niya sa'kin.

"Xen." Ngumiti na rin siya sa'kin. "Pasensya hindi ko nakita mukha mo. Hindi ko tuloy napansing ikaw pala 'yan."

"Okay lang. May class ka ngayon?"

"Yep." Tumango siya. "Sa 3rd floor. Ikaw?"

"2nd—" Biglang bumukas yung pinto ng elevator kaya naman umabante na'ko. "Mauna na'ko." Kumaway ako sa kanya at lumabas na'ko.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon