#Fear 25: The Offer

3.1K 97 10
                                    

#Fear 25: The Offer


Xenzel's POV

"Ay!" Napatalon ako pagilid para ilagan yung isang lalaking bigla na lang tumakbo sa dinadaanan namin ni Nem. Gangster yun. "Ano ba yan." Bumuntong-hininga ako't lumapit ulit kay Nem na tinatawanan lang ako.

"Ang epic nun, friend!" Hinampas pa niya braso ko.

"Gaga, muntik na'kong madulas ah." Natatawa ko ring sagot sa kanya.


Naging normal na sa Seriun yung pag-iingay ng mga gangsters sa hallway. Kapag walang klase, madalas na silang nasa hallways at corridors, nag-uusap o di kaya'y gumagawa ng kung anu-anong trip.


Mas mabuti na nga yun para maging cheerful pa lalo ang Seriun. Hindi naman sila nananakit ng mga estudyante eh.


"Uy, nagtext ang Seriun." Bulong ni Nem habang nakatingin sa phone niya.

Agad ko ring dinukot mula sa bulsa ko yung phone ko at tinignan ko kung nagtext din ang Seriun sa'kin.

"Sa'kin din."


Binasa ko agad yung mensahe.




[From: Seriun

You who belong to the Kingdom of Hifrit and Orfell, please be extra careful of your surroundings. If possible, never be alone. If you notice someone suspicious, immediately go to places where you can find many people. This is for your safety. The university will do its best to protect you, but you must also learn to protect yourselves.]



Agad na nagsalubong ang mga kilay ko.


"Seriously? Bakit ganito ang message ng Seriun? Bakit Hifrit at Orfell lang?" I asked Nem who is now reading the message.

"Oh my God. Yung message naman sa'ming kabilang sa ibang mga kaharian ay ang bantayan kayong mga taga-Hifrit at Orfell."

"Really? Oh my gosh."

Biglang nagvibrate yung phone ko kaya naudlot ang pag-uusap namin. Nakita ko ang pangalan ni Zypher sa screen. Ayoko man siyang kausapin ngayon, sinagot ko na lang yung tawag niya at baka importante yung sasabihin niya.

"Hello? Bakit?"

["Fi, may urgent meeting tayo sa AFS room ngayon."] Medyo paos yung boses niya ngayon. Mukha namang okay na siya kahapon ah?

"Sige." Maikli kong sagot.

["Bilisan mo ah, miss na kita eh."] Pabulong pa yung ikalawang phrase. Hay naku. Andami talagang alam nito.

"Che!"


Ibinaba ko na yung phone at hinila ko si Nem papunta sa AFS room.


Araw-araw na yata itong meeting namin ah! Nananadya na si Zypher ah! Charot lang.


Siguro lumalala na talaga ang sitwasyon ng Seriun. I can't blame Anti-Fear Society. I can't blame Zypher for dragging me into this. Binigyan niya'ko ng chance para magquit, but I decided to stay.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon