#Fear 31: The Unknown's Message

2.8K 89 10
                                    

#Fear 31: The Unknown's Message


Xenzel's POV

"Good morning class. Today, we will have an activity which will be done by pair. Your seatmate shall be your partner." Anunsiyo ng professor namin sa Music.


Shemas. Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng maging partner ko! Siya pa!


Ito pang gangster na pinabayaan akong sakalin ng sinapiang lalaki nung isang araw! Bwisit!


"You will be composing a lyrics, but in a different way." Ngumiti ang prof namin at nagpatuloy. "Let's call it 'Add-a-Line'. You will pick your first line here, from the box, and then one of you must add another line, and then the other one will do the same, and so on."


Ha?


"Do you get it?" She checked. Tahimik lang kaming lahat. "For example, Ree is my partner. We'll pick our song's first line from this box. Then, I will be the first one to add one line to the lyrics. After I add one line, Ree will add one line too. Then we'll add again, and so on. You get it now?"

"Yes~" Sabay naming sagot.

"Cool. Write your lyrics on a one whole sheet of yellow paper. You may pick your first lines now. Don't forget to create a title for your song."


I sighed and secrety stared at Zypher. Nakahalukipkip lang siya habang nakatitig nang blangko sa pisara.


Aish...


Tumayo ako para pumila at kumuha ng first line. Matapos ang halos dalawang minutong pagpila ay nakuha ko na din. Agad akong bumalik sa upuan ko at nabigla naman ako nang makita kong nakahanda na ang yellow paper niya.


I cleared my throat and showed him the first line.


"If only I could ask you"


Wow. Ang ganda ng first line namin, AS IN.


"Sino magsusulat?" Tanong ko sa kanya nang nag-aalangan.


Hindi siya sumagot, sa halip ay iniabot lang niya sa'kin ang ballpen na hawak niya.


Okay, I get it.


Isinulat ko ang pangalan naming dalawa at sa ibaba nun ay ang first line.


"If only I could ask you"


"Ano ang title?" Tanong ko ulit. Alangan namang ako na lang gagawa ng lahat.

"Broken." Maikli at seryoso niyang sagot.

"Sige." Agad kong isinulat ang title na BROKEN.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon