#Fear 2: Serlande University
✙ Xenzel's POV ✙
"Mom, dad, you don't know how happy I am today. Thank you!"
Sa loob ng ilang taon, first time ko ulit ngumiti nang ganito kalaki kina mommy't daddy. Niyakap ko sila sa tuwa.
Ngayon na ang first day of class sa Serlande Intercontinental University, ang paaralang gusto kong pasukan mula pa noong bata pa ako. Kaso nga lang nagsara ito noon dahil sa...hindi ko alam. Basta nagsara. Nagpatayo ang Serlande ng Substitute School ng Seriun at 'yon ang Serlande College. Mas maliit yun nang sampung beses sa Seriun pero doon ko talaga gustong mag-aral noon.
But now, I'm going to SERIUN. The greatest school in the whole Serlande before it was closed 13 years ago. Sa Sercol (Serlande College) pa nga lang masayang-masaya na'ko, ano pa kaya sa Seriun?
MY GOD, IT'S THE BEST THING THAT EVER HAPPENED TO ME!
"We're sorry you felt sad all these years, honey." Malungkot na sabi ni dad sabay hawak sa ulo ko.
"Pero sana last transfer mo na 'to, hija. Panindigan mo yung kagustuhan mong mag-aral doon, okay? Be good there." Bilin naman ni mommy sabay ngiti sa'kin.
"Oo naman po! I swear I won't cause you any trouble this time!" Itinaas ko pa yung kanang kamay ko bilang panata.
"Promise?" Paninigurado ni dad.
"Promise! No more troubles from stubborn Xenzel!" Nakangisi kong sagot sabay yakap ulit sa kanila. "Thank you po ulit!"
"You're welcome, honey." Tinapik ni dad yung balikat ko at binitbit na niya yung malaki kong bag tsaka inabot sa driver namin.
"Mag-iingat ka dun, okay? Bibisitahin ka namin after your first semester." Malumanay na imik ni mommy habang inaayos yung kuwelyo ng uniform na suot ko.
SERIUN UNIFORM. My most favorite uniform of all.
"No worries mom. Sigurado naman po akong mahigpit ang security sa Seriun."
Seriun is the shortcut of Serlande Intercontinental University.
"Yep. Hindi naman kami papayag na dun ka mag-aaral kung hindi maganda ang kalidad ng paaralang yun."
Ngumiti na lang ako at tumango.
"I'm sorry for everything I've done, mom, dad." Bigla akong sumeryoso. "Alam kong naging masama akong anak sa inyo. Matigas ang ulo, pilosopo, at kung anu-ano pa. Gusto ko lang talagang ma-realize niyo na ang Seriun talaga ang paaralang gusto ko." Bumuntong-hininga ako at muling ngumisi. "At ngayong pinagbigyan niyo na'ko, magpapakabait na po ako."
"That's good to hear, honey." Mahigpit akong niyakap ni dad, for the last time.
"Remember that we always love you, Xen. We always will." Mom's comforting words touched my heart. Essss.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...