#Fear 52: In Danger
✙ Xenzel's POV ✙
Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa nakakauwi si Zypher at wala pa rin akong balita tungkol sa kinalalabasan ng nangyari kanina.
Ang hindi mawala-wala sa isip ko ay yung mga nakita ko kanina sa White Field. Ang kagalingan niya sa pagbabaril at nung tinanong ko siya kung papatayin ba niya yung mga kalaban. He answered me 'SIGURO' without hesitation, as if he's already used to do it.
Alam kong mali ang nagiging reaksiyon ko pero ayoko kasi talagang ma-involve sa mga taong pumapatay. Naniniwala akong kahit ano pa ang dahilan ng pagpatay sa isang tao, mali pa rin iyon at kasalanan pa rin iyon sa Diyos. At ayokong madamay sa karma ng mga taong guilty sa ganoong kasalanan.
Isa pa, natatakot ako sa maaaring mangyari sa susunod. Natatakot ako sa mga taong hindi natatakot pumatay.
Natatakot ako...kay Zypher.
I know...ang sama ko. Judgmental na kung judgmental, but I have my own feelings. I have my own principles.
Gusto ko na talagang matulog kaya naman inilabas ko na lang yung phone ko at nagpatugtog ako ng mga classical music. Para na rin iyong lullaby sa'kin.
~~~~~~~~~~
Nagising ako dahil sa maingay kong alarm. Wala namang klase ngayon dahil Sunday. Maya-maya nga ay magsisimba na naman kami kaya maaga pa akong gumigising kahit Linggo.
Haay...ibig sabihin uuwi na si Zypher. Hindi kasi lumiliban sa pagsimba yun.
Bumuntong-hininga ako at bumangon. Matapos kong magmumog at maghilamos ay nagpasiya akong bumaba na at tumungo sa kusina para uminom ng gatas.
Sakto namang papasok na'ko sa kusina nang bigla kong nakasalubong si ate Janeka, ang pinakamatandang kapatid na babae ni Zypher.
"Ate, good morning po." Nakangiti kong bati sa kanya. Kahit snobbish siya ay makikisama pa rin ako sa kanya.
"Good morning." For the first time, she greeted me back.
Mas lalong lumaki yung ngiti ko sa kanya.
"Umm, sina mom at dad po ba nandito na? Hindi po sila nakauwi kagabi?" Tanong ko para naman makausap ko pa siya. Mukha kasing bumabait na siya ngayon.
"Uhh, nah, I don't think so. But I think they're on their way home now." Sagot niya sabay suklay ng buhok niya gamit yung mga daliri niya.
She's really pretty.
Napansin kong parang siya lang din yung von Einsiedel na nandito ngayon.
"Ahh, okay po. Thank you." Humakbang na'ko papasok sa malapad na kusina.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Любовные романы"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...