#Fear 35: They Don't Exist

2.8K 84 6
                                    

#Fear 35: They Don't Exist


Xenzel's POV

"Ang aga-aga eh." Angal ko habang kinakamot yung ulo ko.

Maaga pa kasi akong ginising ni Zypher, eh mamayang hapon pa naman yung klase namin.

"May pupuntahan nga tayo." Sagot niya sabay hila sa'kin papuntang banyo. "Hintayin kita sa baba."

"Whatever." I sighed and rolled my eyes over him.


Naligo na'ko. Binilisan ko lang at baka katukin na naman niya'ko. Mukhang nagmamadali kasi siya eh.


"Pupunta tayo sa opisina ni El." Imik ni Zypher habang nagda-drive. Di gaya kagabi, normal lang ang bilis ng pagpapatakbo niya ngayon. Naawa na siguro siya sa'kin dahil sa nangyari kagabi.

"Talaga?" Nagliwanang ang mukha ko.

"Oo. Ngayon ang meeting natin. Papunta na din ang AFS members dun."

"So, makikita nilang magkasama tayo?" Oh no.

"Oo. Kalat na rin naman sa buong Seriun na may namamagitan sa'tin."

"HA?! Wala naman diba!" Giit ko sabay sapo sa noo ko! "Jusme!"

"Sorry ka na lang." He just smirked at me!


Gagu!


Matapos ang higit kalahating oras ay nakarating na din kami sa wakas.


OMG! Makikita ko na naman yung idol ko!


Sinalubong kami ng mga kapwa namin AFS members. Sina Nemsey, Celine at Ree ang nangunguna sa kanila. Binibigyan nila ako ng isang malisyosong tingin ngayon.


"WHAT THE FCK?" I mouthed at them and they laughed.

"Uyyyyy!" Sinundot ni Nemsey yung tagiliran ko tsaka niya niyakap yung kaliwang braso ko.

"Don't, Nemsey! Don't!" Pagbabanta ko sabay lingon kay Celine. "How are you now?"

"Okay na'ko, Xen." Ngumiti siya sa'kin at niyakap rin niya yung kanang braso ko.


Jusko! Ako na ang napapagitnaan ngayon!


Naglakad na kami papasok sa opisina ni...


"Huh? Teka, ibang pinto 'to ah?" Nagtataka kong tinitigan yung pintong nasa harapan namin.


May naka-engrave kasing dalawang letra sa malaking bakal na pintong yun.


EN.


"Diba dapat EL?" Singit ng isa naming kasamang mukhang nagtataka rin sa nakita.

"Magpapaliwanag kami sa loob." Pumagilid ang mga estudyante para makadaan si Zypher.


Nilampasan niya kaming lahat at hinawakan niya ang letrang N. Bigla iyong umilaw.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon