#Fear 54: The EXplanation

2.6K 78 5
                                    

#Fear 54: The EXplanation


Xenzel's POV

Sabado ngayon kaya walang klase. Nakatanggap ako ng text mula kay Zypher. May meeting daw sa AFS.

Akalain mo? Buhay pa pala yung AFS.

Well, dahil wala sina mommy't daddy, nagpasiya akong 'wag na munang umattend sa meeting. Masyadong delikado kapag lumabas ako nang mag-isa.


Hindi na rin ako nagreply kay Zypher.

Sa tingin ko okay na siya. Hinika kasi siya last time at umabsent siya kinabukasan.


Nakaupo lang ako sa malambot naming sofa habang kumakain ng chips. Nakapatong pa yung mga paa ko sa center table habang nanonood ng isang romantic movie. Nakakalungkot nga eh! Iwan ba naman nung gagang babae yung boyfriend niya, eh kita naman niyang mahal na mahal siya nun! TSK!


Napahinto ako nang biglang may kumatok sa main door ng bahay.


Sino ka yun?


Hala! Baka yung Masked Mafia!


Baka natunton na nila yung bahay ko!


SHEEETT!


Dali-dali akong tumakbo papuntang kusina at kinuha ko yung pinakamalaki naming kutsilyo.


Muli na namang may kumatok.


Kahit takut na takot ako ay humakbang pa rin ako nang dahan-dahan papunta sa pinto.


Lord, Kayo na po bahala sa'kin...


Huminga ako nang malalim at—


"XEN! FRIEND! SI NEM 'TO!"


Ay, si Nem lang pala! Hahahaha!


Binuksan ko ang pinto at agad namang namilog ang mga mata niya sa gulat nang makita niya ang kutsilyong hawak ko.


"Oh my gad! Papatayin mo ba kami?!" Sigaw niya sabay kapit sa braso ni Celine.

"Hindi! Gaga! Baka kasi masked gangster kaya naninigurado lang ako!" Sagot ko sabay akay sa kanila papasok. "Paano niyo nga pala natunton itong bahay namin?"


I never told them where I live.


Pumunta na rin ulit ako sa kusina para ibalik yung kutsilyo. Umupo naman sila sa sofa.


"Secret na lang namin yun." Sabat ni Celine. "Ang ganda nitong bahay niyo ah! Sleepover tayo next time!"

"Hmm...pwede." Magandang idea nga yun.

"Uy! Pwede daw!" Tuwang-tuwa niyang siniko si Nemsey.


Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon