#Fear 8: The Humming
✙ Nemsey's POV ✙
"Nasaan na ba kasi kayo?" Tanong ko kay Ree sa phone ko.
["Nasa Engineering Department pa kami ni Celine pero babalik na rin naman kami diyan."]
"Tsh. Sa third floor na lang ako maghihintay. Nakakapagod na Ree ah." Reklamo ko sabay pindot ng number '3' sa elevator.
["Oo na nga, naglalakad na kami papunta diyan. Sina Xen ba nasan?"]
"Doon na daw muna si Xen sa SERIUN Pool. Ayun, nandun na rin si Zypher."
["Hay, mga love birds. Sige na hintayin mo na lang kami diyan."]
"Sige. Bilisan niyo ah."
["Okay po. Bye."]
Pinatay ko na lang ang tawag at ipinasok ko na yung cellphone ko sa bulsa ng skirt ko.
Bumukas na rin ang elevator kaya naman lumabas na'ko at lumiko para tanawin mula dito sina Ree at Celine.
Walang tao sa hallway, tahimik lang. Ibang-iba talaga yung 2nd floor kung saan kami napapabilang. Ang saya-saya kasi lagi dun eh.
Huminga ako nang malalim at humarap sa kristal na pader na hindi na tinted.
Last week, tinted pa ang lahat ng kristal na nakapalibot sa bawat hallway. Pero para daw sa mas madaling student monitoring, ipinatanggal ng SERIUN Head ang mga tint. Kaya nga heto, makikita na rin ng mga nasa labas ang lahat ng nasa loob ng hallway.
Lumundag ang puso ko nang may namatahan ako.
Si Ree.
Naglalakad siya sa quadrangle at patungo na siya sa Department namin. Kasabay niya si Celine.
Napangiti ako sa kanya kahit hindi niya nakikita. Kumportable lang talaga ako kapag nandiyan si Ree.
Nabigla naman ako nang dahan-dahan siyang tumingala at nagtama ang mga mata naming dalawa. Saglit siyang huminto sa paglalakad kaya naman napatingala na din si Celine sa'kin.
Ngumiti si Ree habang nakatitig sa'kin.
My ghad. Nginitian niya'ko!
Nagpatuloy na sila sa paglalakad kaya umatras na rin ako at naghanap ng masasandalan.
Lumapit ako sa labas ng isang classroom na malapit lang sa elevator.
"Makasandal nga muna." Bulong ko sabay sandal ng likod ko sa pader.
Bumuntong-hininga na rin ako at naghintay na lang sa kanila.
May kukunin lang naman akong tools sa isang classroom dito sa 3rd floor. Medyo mabigat yung iba kaya nagpasama ako kay Ree at 'yong si Celine naman na close din kay Ree, sumama na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/67915159-288-k601735.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Любовные романы"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...