#Fear 26: The Rejection

3K 95 15
                                    


#Fear 26: The Rejection


Xenzel's POV

Sa wakas ay pumayag na din yung landlady namin na palitan ko yung weird na salamin sa banyo namin. Nakakakilabot na kasi talagang kada pasok ko na lang ay nawiwindang ako sa kung anu-anong nakikita ko. Paningin ko sa sarili ko, multo. O di kaya'y may kasama akong pumasok. Minsan may nakatayo sa likuran ko.

Hindi na nga ako nakakaligo nang maayos dahil sa takot. Tsh.


Ibinaba ko sa sahig yung bagong salaming binili ko para ipalit sa weird mirror. Kinakabahan akong lumapit sa lumang salamin at hinawakan ko iyon sa magkabilang gilid.


Jusko. Sa mga pelikula bigla na lang may lumalabas na nilalang sa salamin eh! Wag naman sana!


Naka-magnet lang ang bawat dulo ng salamin sa pader kaya mabilis ko iyong natanggal. Uso sa Serlande yun eh. Yun bang dinidikitan lang ng magnet yung pader tapos dun din ididikit yung salamin. Hindi naman nahuhulog kasi malakas yung magnet.

Ibinaba ko sa sahig yung salamin at kukunin ko na sana yung bago nang bigla kong napansin ang isang kakaibang parte ng pader kung saan ko tinanggal yung lumang salamin.


Para iyong tribal drawing pero may pangalang ibinubuo ang mga iyon.


DEVIKA NACION


"Devika?" Bulong ko sa sarili ko habang kunot-noong nakatingin sa pader.

May kung anong umuudyok sa'king suriin pa ang parteng iyon.


Dahan-dahan kong inilapit doon ang kamay ko hanggang sa tuluyan ko na iyong nahawakan.


Napakislot ako't napaurong nang biglang gumalaw ang drawing. May isang bilog na parte yung pader at sakto lang ang drawing sa bilog na iyon. Bahagya iyong umatras at pumagilid kaya nagkaroon na ngayon ng butas ang pader.


What the hell was that for?


Kinakabahan kong tanong sa sarili ko. Agad naman iyong nasagot nang makita ko ang isang puting envelope sa loob ng butas.


Unti-unti ko na namang inilapit doon ang kamay ko at agad kong dinampot yung sobre. Baka kasi biglang sumara at maputol pa kamay ko.


Dahan-dahang bumalik sa dating posisyon iyong bilog na may drawing na parte ng pader at tinakpan na nun ang butas.


"Xen." May sumunggab sa kaliwang balikat ko kaya napapihit ako nang may pagkabigla. "You okay?" Nakangiti niyang tanong. Si Olivia lang pala.

"Yes." Tumangu-tango ako at palihim kong itinago sa bulsa ko yung sobre. "Papalitan ko lang itong luma at weird na salamin sa banyo natin."

I pointed the old mirror and took the new one.

"Sige, sige. Pahinga na muna ako." Paalam niya at lumabas na siya.

Mukhang kararating lang niya mula sa Seriun.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon