#Fear 50: The Rivalry of Hearts
H A P P Y
G O L D E N
C H A P T E R !
❤ ❤ ❤ ❤
✙ Xenzel's POV ✙
Naglalakad ako sa main hall ng Seriun kasama sina Nemsey, Celine, Ree, at Zypher. Nasa likuran naming mga babae sina Ree at Zypher.
"Friendster, ang swerte mo talaga!" Nakabungisngis na namang sabi ni Celine sabay kalabit sa tagiliran ko.
"Ay letche!" Napakislot ako. "Bakit na naman ako swerte, aber?"
"Isipin mo! Inlababung-inlababo na talaga si President Zypher sa'yo! My gaaad!"
"Ay? Delayed reaction lang friend? Antagal na kaya!" Pagmamayabang ko pa. Hehehe! Minsan lang naman ako magyabang payagan niyo na.
"Narinig ko yun ah." Puna naman ng fiance ko mula sa likod.
Napahagikgik na lang kami ni Celine. Bigla ko namang napansin ang isa pa naming kaibigang karaniwang madaldal pero nananahimik ngayon.
"Hoy." Sinundot ko siya sa ulo. "Problema mo, friend? Kanina ka pa tulaley diyan." My brows met as I stared at her cannot-be-painted face.
Bigla siyang natauhan at napailing.
"Gaga, wala 'to."
"Wala? Mukha mong 'yan, mas lukut-lukot pa sa diyaryong tinapon sa basurahan, wala lang 'yan? WOW." Pambabara ko.
"Aish! Hindi ko nga rin maintindihan eh! Nangangamba ako nang walang dahilan!" Ayan, sinabunutan na niya ang sarili niya.
"Baka nababaliw ka na." Natatawang konklusiyon ni Celine.
"Tumawag tayo sa Asylum!" Dagdag ko pa.
"Ang swerte ko talaga sa inyo, mga bespren! Wooooh!"
"Hahahahahahaha~"
Biglang natigil ang pagtatawanan namin nang makita namin si Vain na naglalakad papunta sa direksiyon namin. Nakatago pa sa likod niya yung dalawa niyang kamay.
"Hala, hala. Dito siya papunta?" Reaksiyon ni Nem sabay siko sa tagiliran ko.
"Aray! Kelangan sikuhin talaga ako? Baka naman dadaan lang—"
"Xen." Ay putek, tama nga si Nem.
"Ah—V-Vain..." Utal kong sagot sabay hinto
Napahinto na rin ang mga kasama ko.
Mas lalo pa akong kinabahan at nagulat nang bigla niyang iniangat ang kanang kamay niyang nakatago pa kanina sa likuran niya. May hawak iyong tatlong pulang rosas at obviously, sa akin niya iyon binibigay.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...