★ Special GOLDEN Chapter!
✙ Celine's POV ✙
Inihatid namin nina Ree, Xenzel, at Zypher si Nemsey sa bahay nila. Hanggang sa umalis kami, humihikbi pa rin siya. Hindi pa rin niya lubos matanggap na wala na talaga si Kloud, yung boyfriend niya.
Grabe...
As in grabe talaga yung nangyari kay Kloud...
He was killed brutally as if the killer or killers hated him so much.
"Bro, kakain muna kami ni Xen. Sama ka ba?" Mahinahong tanong ni President Zypher kay Ree na katabi ko.
Oo nga pala. Kanina pa lutang itong si Ree. Mukhang naaawa din siya kay Nem...
"Hindi na muna... Wala akong gana..." Mahina niyang sagot habang nakatingin lang sa phone niya. Parang may katext siya eh...
"Saan ka pupunta?" Tanong pa ni Zypher.
"Dun na lang muna ako sa AFS Zone. Wala namang tao dun, diba?"
"Wala naman."
"Sige. Mauna na'ko." Imik ni Ree sabay hakbang palayo.
"T-Teka! Sama ako, Ree!" Agad akong sumunod sa kanya.
"Celine! Akala ko ba gutom ka na?" Biglang sigaw ni Xenzel na naiwan na namin.
"Hindi ah! Sinabi ko ba yun!" Nakanguso ko siyang tinitigan nang may 'wag-kang-epal' na mukha tsaka ako humabol kay Ree.
Hindi na rin naman kumontra pa si Xen at mukhang na-gets na niya yung ibig kong sabihin.
"Ree." Tawag ko sa mahal ko—este sa kaibigan ko.
Hindi niya'ko pinansin. Nakatingin pa rin siya sa phone niya habang naglalakad.
"Uy, Ree." Ulit ko.
Wala pa rin siyang kibo.
"Ree." Isa pa...
Wala pa rin talaga.
Ang bilis pa niyang maglakad. Malapit na agad kami sa AFS Zone.
"Ree—" Naudlot ang pagtawag ko sa kanya nang bigla niyang binuksan nang padabog yung pinto ng AFS Zone at dali-dali siyang pumasok sa silid na 'yon.
Huh?
"Galit ka ba?" Tanong ko sabay takbo palapit sa kanya.
Nakita ko siyang umupo sa isang silya sa unang row. Agad akong umupo sa tabi niya, sa kanan.
"Galit ka ba, Ree?" Para akong rewinder ah.
"Hindi." Maikli niyang sagot sabay sapo ng dalawa niyang palad sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romantik"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...