#Fear 10: The Gangsters
✙ Xenzel's POV ✙
Naglalakad kami pabalik sa classroom. Kasama ko na naman sina Nem, Celine, Ree at Zypher. Dahil Thursday ngayon, tahimik na naman si Zypher. Sila lang ni Ree yung nag-uusap at halos hindi nga siya lumalapit sa'kin.
Papasok na sana kami sa elevator nang biglang huminto sina Ree at Zypher.
"Uhh, mauna na kayo sa classroom. May dadaanan lang kami." Monotone na sabi ni Zypher sabay lingon sa'kin. Hindi niya sinadya yun, basta sa'kin lang tumama yung mga mata niya.
At dahil nakatitig din ako sa kanya, dahil nagtataka talaga ako kung bakit antahimik niya ngayon, nagkaroon kami ng eye to eye contact.
Something's really weird... It just...doesn't feel right.
"Sige. Magkita na lang tayo sa room." Sagot ni Nem kaya naman naagaw nito ang atensiyon ni Zypher.
Hindi na rin siya tumingin ulit sa'kin. Tumalikod na sila ni Ree at umalis.
Kami naman, pumasok na sa elevator at umakyat na sa 2nd floor.
"Saan kaya pupunta yung mga yun?" Tanong ni Celine sa'min habang naglalakad kami sa hallway papuntang classroom.
"Baka dadaan sa AFS." Sagot ni Nem.
"Guys, may itatanong lang ako." Bigla kong singit sa usapan nila. Sabay silang napalingon sa'kin.
"Ano yun?" Celine replied.
"I'm just wondering..." Nakatingin lang ako nang diretso sa daan. "Why are you always with Zypher and Ree?"
"Ano'ng ibig mong sabihin?" –Nem
"What I mean is... Lalaki sila, babae naman kayo. Walang malisya, pero nagtataka lang ako kung bakit lagi kayong magkasama at hindi sila sumasama sa ibang mga lalaki o grupo."
Isang buwan na kami sa SERIUN pero ngayon lang ako naglakas loob na tanungin sila tungkol dito...
"Well..." Napaisip si Nem. "Childhood bestfriends sina Ree at Zypher kaya lagi talaga silang magkadikit kahit saan. Kami naman ni Celine, bestfriends din since Grade 2. Naging super close kami nina Ree noong nasa Serlande College kami. Marami kasing bully doon at sina Ree at Zypher yung tumutulong sa'min." Kuwento niya.
"Sabi din ni Ree, sa tingin daw kasi nila kailangan namin sila para 'wag kaming pagkaisahan ng masasamang estudyante noon sa SERCOL." Dagdag pa ni Celine.
"Teka nga. Why were you bullied anyway? Mababait naman kayo." Nagtataka kong tanong. Disente naman silang tignan...
"I've always been a scholar." Tugon ni Nem sabay buntong-hininga. "At alam naman nating yung mga scholars ay yung mga estudyanteng walang kamag-anak na nasa matataas na antas. Konti lang kaming mga scholars, at halos lahat sa'min nakakaranas ng pambubully. Itong si Celine naman nadadamay lang kasi lagi kaming magkasama."
"Ahh..." Napanganga na lang ako't napatango. Ganun pala ang pagtrato ng ibang gunggong na estudyante sa mga scholars... "How stupid of them." I shook my head. "Alam mo, sa tingin ko naiinggit lang sila sa mga scholars na kagaya mo. Kayo pa nga itong matatalino at masisipag mag-aral eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/67915159-288-k601735.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Любовные романы"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...