#Fear 44: Sick
✙ Xenzel's POV ✙
"Hija, hindi ka pa ba kakain? Baka ma-late kayo ni Xevian." Kalmadong tanong ni daddy Icarius sa'kin habang pinapahiran yung sauce sa gilid ng bibig niya.
Kumakain kami ngayon sa dining room. Nakapalibot kami sa mahabang mesa. Katabi ko si Zypher at kasama din namin sina mommy Kyu at ang mga siblings-in-law ko.
Napasulyap ako sa harap ko at nakita kong blangko lang ang tingin sa'kin ni kuya Javeon. Si Jacynth naman ay mukhang nag-aalala. Mabait kasi talaga siya kung ikukumpara sa mga kapatid niyang puro sadista ang aura.
"Hindi na po... Hinihintay ko lang po si...Zypher..." Nahihiya kong iniwas yung tingin ko at tinitigan ko na lang yung platong nasa harap ko.
"Hindi mo ba gusto yung pagkai—"
"Naku, hindi naman po sa ganun. Parang wala lang po talaga akong ganang kumain." Nahihiya na talaga ako! Ito kasing si Zypher kinaladkad pa'ko dito!
"Bakit? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy Kyu habang sinusuri ako ng tingin.
"Mom, dad, kung ayaw niyang kumain, wag natin siyang pilitin." Biglang singit ni Zypher sabay punas ng table napkin sa mga labi niya. "Tapos na po ako."
Tumayo na siya kaya ganun na rin ako. Nakayuko akong sumunod sa kanya at naramdaman ko ang pag-init ng mga tainga at pisngi ko dahil sa nangyari.
Nakakahiya ka talaga, Xenzel! Tinanggihan mo yung pagkain!
Inis kong tinignan ang likod ni Zypher. Hindi man lang niya ako tinanong kung ano ang problema ko. Alam kong grabe na talaga yung hinanakit niya sa'kin, pero hindi naman yata tamang ganito niya'ko tratuhin.
Kagabi lang may payakap-yakap pa siyang nalalaman sa gitna ng malakas na ulan, tapos ngayon malamig na naman sa bagyo ang pakikitungo niya sa'kin. Kaasar. Bipolar yata siya.
Pumasok kami sa kwarto para magtoothbrush at para kunin yung bag namin. Pagkatapos nun ay pupunta na kami sa Seriun.
Aabutin ko na sana yung bag ko nang bigla niya iyong kinuha at isinukbit sa kanang balikat niya. Nagtataka ko siyang nilingon.
"May sakit ka ba?" Bigla niyang tanong habang nakatitig nang diretso sa mukha ko.
Shet! Bakit ganito ang pakiramdam ko?
Imbis na sumagot ako ay napalunok na lang ako sa pagkabigla. Mukha naman siyang nag-aalala pero...kanina lang ang suplado pa niya, ah?
Huminga siya nang malalim at marahan niyang inilapat sa noo ko yung likod ng kanang palad niya. Pagkatapos nun ay inilipat naman niya iyon sa leeg ko.
"Magkakalagnat ka yata. Wag ka na lang pumasok." Seryoso niyang imik.
"Hindi pwede... May practical test tayo sa Filming..." Mahina kong sagot sabay hingang malalim.
Sa totoo niyan masama talaga ang pakiramdam ko, pero sa tingin ko kaya ko pa namang pumasok.
![](https://img.wattpad.com/cover/67915159-288-k601735.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...