"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita."
#COMPLETED
☣ von Einsiedel Series 1
Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...
"Nem, mga kaibigan yata ni Kloud yung nasa labas." Imik ni Xenzel sabay sundot sa leeg ko.
Napalingon ako sa labas ng classroom namin at nakita ko ang right hand ni Kloud na nakatingin sa'kin.
"May nangyari ba?" Bigla kong tanong kina Ree at Zypher na nag-uusap sa harap ko.
Napatingin si Zypher sa'kin na para bang may gusto siyang ipahiwatig.
"Puntahan mo na lang." Tipikal na sabi ni Ree tsaka siya humarap ulit kay Zypher.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Ree)
Hay... Gusto ko sanang magpasama sa'yo, Ree. CHAROT!
"Sige, punta muna ako kay Kloud." Pamamaalam ko sa kanila tsaka ako lumabas.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Nemsey)
Siguradong didikit na naman si Celine kay Ree... Pero hayaan na lang natin sila. Kung masaya sila, edi okay. Kumportable na rin naman ako kay Kloud.
Speaking of Kloud... Siya na ang karaniwang sumusundo sa'kin sa classroom kapag gusto niya'kong makasama kaya naman malakas ang kutob kong may nangyaring hindi maganda...
Huminga ako nang malalim at sumabay na sa paglalakad ng gangster na sumundo sa'kin. Tahimik lang kami habang naglalakad at wala man lang siyang clue na ibinigay sa'kin tungkol sa nangyari.
"Pumasok ka na lang diyan." Tinuro niya ang isang classroom kung saan laging nagtitipun-tipon para mag-meeting ang leaders ng Gehenna Sentries.
Tumango ako at dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng silid. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong sinalubong nina Marco at Gregory.
"Nem! Halika!" Kinaladkad na nila ako papalapit sa boyfriend kong nakaupo sa isang silya habang nakatalikod sa direksiyon namin.