**AUTHOR'S WARNING: Mahaba ang chapter na ito kaya maghanda na kayo. Hahaha! I-enjoy niyo na lang po!**
#Fear 61: The Fight of Gangs
✙ Zypher's POV ✙
"Bro, umuwi ka na lang kaya?" Nag-aalalang sabi ng kapatid ko sa'kin habang tumatakbo kami papasok sa boundaries ng Masked Mafia den.
"At bakit ko gagawin yun? Kaya ko 'to!" Determinado kong sagot.
"Baka hikain ka. Wag ka na lang lumayo sa'kin, okay?" Paalala pa niya.
"Mas matanda kaya ako sa'yo. Pwede ba wag ka nang OA diyan." Inangilan ko siya at marahang sinapak.
"Tsk. Nag-aalala lang eh."
["Nakapalibot na po kami sa buong lugar. Mukhang nararamdaman na nila tayo pero sa tingin namin hindi pa sila nakakapaghanda."] Balita ni Thorn mula sa audio device na suot ko.
["Nasa likuran po kami ng den. Marami pong kalaban dito."] -Bum
["Maraming kalaban kahit saan. Mukhang ito na nga ang base nila."] -Inu
"Isa itong mansiyon kaya mag-ingat kayo nang sampung beses. Gusto kong makauwi tayong lahat nang buhay." Seryosong pahayag ni Kel sa device niya.
["Positive po."]
"Good."
"Kel, anong plano?" Bigla kong tanong. Sumama kasi ako dito nang walang alam.
"Tayo ang unang grupong papasok. One-fourth ng gangsters at gang leaders ng bawat division ang kasama ng bawat underboss. Mayroon ding tig-dalawang reapers at stabilizers. Papasukin natin ang mansiyon at makikipaglaban tayo sa loob ng tatlumpong minuto. Matapos ang tatlumpong minuto, bibigyan natin ng hudyat ang pangkat nina kuya Jaoyu. Naghihintay na sila sa gitna ng gubat na papunta dito. Kasama niya ang ikalawang one-fourth ng bawat division at ganun na rin ang gagawin nila kagaya natin. May apat na pangkat. Tayo ang una, ikalawa yung pangkat ni kuya Jaoyu, ikatlo yung pangkat ni kuya Javeon, at panghuli sina mommy't daddy. Sa kanila sasama ang apat na spheres." Paliwanag niya sabay hingang malalim.
"Kailangan pa ba talaga nating pangkatin?" Kunot-noo kong tanong. Pwede naman kasi kaming sumalakay nang sabay-sabay.
"Yun ang payo nina El at En. Kailangan daw natin ng elevation para makapaghanda ang ibang pangkat sa mga posibleng mangyari at para mabawasan ang bilang ng mga masusugatan o mamamatay. We will attack by waves. Habang tumatagal, mas lalong lumalakas. Kaya naman, tayo ang naatasang magmasid at magmanman sa mga kilos ng kalaban. Kailangan nating ibalita agad ang mga 'yon sa ibang pangkat para malaman nila ang gagawin nila."
"Sige."
"Bro, isa itong major operation. Kailangan mong malampasan 'to." Tinapik niya ang balikat ko at sabay kaming tumango sa isa't isa.
"Malalampasan ko 'to. Tiwala lang." Ngumiti ako at sabay na kaming humarap sa malaking back gate ng mansiyon. "Tara."
"Isuot niyo na ang facemask niyo." Utos niya sa mga kasama namin at sabay naming isinuot yung mask namin. "It's time."
![](https://img.wattpad.com/cover/67915159-288-k601735.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...