#Fear 34: The Acceptance
✙ Xenzel's POV ✙
Paggising ko kanina sa dorm ay wala na si Zypher. Hindi ko alam kung pinatulog lang ba niya'ko at umalis agad siya o kung maaga lang talaga siyang umalis kanina.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Paano kung bumalik na naman sina Nate mamayang gabi? Paano kung dito sa Seriun sila magpakita? Paano pa'ko tatakas? Sino pa ang tutulong sa'kin?
Hindi naman siguro pwedeng tawagin ko si Zypher sa tuwing magpaparamdam sila. Napapagod din yun noh. Kagabi pa nga lang hindi na maipinta mukha niya. Tsh.
"Roselyn! Hey!" Itinaas ko ang kanang kamay ko para makuha ang atensiyon ni Roselyn. Kanina ko pa kasi siya hinahanap at sa wakas nakita ko na rin siya.
Nakaupo sila ni Keina sa gitna ng football field. Nagbabasa siya ng isang makapal na libro habang si Keina naman ay may nilalarong isang matulis na bagay. Katabi rin pala ni Keina ang isang babaeng naka-glasses. Ngayon ko lang nakita ang isang 'to.
Tumakbo ako palapit sa kanila.
"Oh Xenny?" Nakangiting sambit ni Keina sa pangalan ko. Nakatingala siya sa'kin dahil nakatayo ako at nakaupo sila.
"Pasensya na sa istorbo. Kailangan ko lang kasi ang tulong ng isang exorcist." I sighed and sat down in front of them. Magkatabi kasi sila.
"Oh, me? How may I help you?" Tiniklop ni Roselyn yung libro niya tsaka niya'ko tinignan sa mukha.
"Uhh... Kasi..." Napalunok ako at huminga nang malalim. "Marami na'kong nakikita at naririnig na mga multo. Hindi ko na kayang tiisin kaya hinanap kita para sana malaman ko kung ano ba ang dapat kong gawin para lubayan na nila ako."
Umaasa akong may magagawa pa'ko...
"May third eye ka?" Tanong niya habang nakatitig nang blangko sa'kin. Ang creepy naman niya.
"Siguro. I'm not sure." I shrugged.
Si Keina nakikinig lang habang pinapaikut-ikot ang isang matulis na steel stick sa mga daliri niya. Nakatingin lang sa kamay niya yung isang niyang kasama. Isa pa 'to.
"Sabi mo marami ka nang nakita at narinig, right?" She clarified. I nodded. "Sinu-sino ang mga nakita mo?"
"Una...si Devika, yung roommate kong matagal na palang patay..." Nag-isip ako. Naninindig ang mga balahibo ko, putek. "Tapos si Nate, yung close friend ko na akala ko schoolmate natin, yun pala patay na siya 13 years ago pa. Tapos yung Shadow Ghost sa lumang storage room. At nakita ko rin yung Phi Tai Hong sa isang classroom. And I also encountered that ghost who behaves like Mask Death Demon. Sabi niya babalikan daw niya ako. At paulit-ulit kong naririnig ang nakakakilabot na kanta ng multong hindi pa natutukoy, Rose." Dire-diretso kong kwento sa kanya.
Natahimik lang siya at napatitig sa mukha ko.
Jusme naman mas lalo tuloy akong natatakot!
"Roselyn, I badly need your help."
"I'm sorry Xen, pero hindi ko na matataboy ang mga galit na espiritong nagpaparamdam sa'yo. Kung gusto mo, pwede ka namang umuwi na lang sa inyo."
Bigla akong nangamba. Hindi ako pwedeng umuwi sa'min. I promised mom and dad that I won't cause them any more trouble.
![](https://img.wattpad.com/cover/67915159-288-k601735.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...