#Fear 20: The Shadow

3.3K 97 5
                                    

                  

#Fear 20: The Shadow





Xenzel's POV

"Nakita ko talaga kung paano nabali yung katawan niya, Liv. Grabe muntik na'kong himatayin sa takot buti na lang nandun si—" Natahimik ako bigla.


Hindi. Ayoko.


"Sino? Yiieeee! Boyfriend mo?" Kinikilig na tanong ni Olivia sabay tiklop ng librong hawak niya.

"Ha? Hindi ah." Nakanguso kong tanggi sabay buntong-hininga. "Yung kaibigan ko yung ibig kong sabihin."

"Kaibigan? Baka naman ka-ibigan." Panunudyo pa niya.

"Anebe. Hindi nge." Natatawa kong sagot at sabay kaming napalingon nung may kumatok sa pinto.

"Miss Crusiano?" Lady guard yata ng dorm.

"Po? Nandito po ako!" Agad akong tumakbo at binuksan ko yung pinto.

"May naghihintay sa'yo sa baba." Nakangiti niyang sabi.

"Po? Sino daw po?" Nagtataka kong tanong. Sina Nem ba?

"Lalaki, hindi nagpakilala. Matangkad, maputi, medyo slim, tsaka gwapo."

"Ahh..." Napanganga ako. "Si Zypher..." Bulong ko sabay tango. "S-Sige po paki-sabi na lang na bababa na'ko."

"Okay!"


Naguguluhan akong bumalik sa kama ko para kunin yung bag ko.


"Ba't siya nandito?" I whispered again.

"What?" –Olivia

"Ah, wala, wala. May sumusundo sa'kin sa baba kaya aalis na lang ako." Nakangiti kong tugon sabay kaway sa kanya. "Bye-bye!"

"Ingat, Xen."


Laging ganun ang sagot niya sa'kin.


Nagtataka at kinakabahan akong bumaba at lumabas sa dorm naming kilala bilang Leviathan. Yun daw ang pangalan nitong building ng dorm namin 13 years ago.


Bago ako lumapit kay Zypher ay pinagmasdan ko muna siya. Nakatagilid kasi siya. Nakatingin lang siya sa daan. Civilian day namin ngayon kaya iba yung porma niya. Naka-itim siyang slim-fit pants at may nakasablay na malaking itim na coat sa balikat niya. Mukha ring may hinahawakan siyang medyo maliit na bag.

Lumunok muna ako ng laway tsaka ko iwinisik ang pagpapantasya—este pagsuri ko sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumunok muna ako ng laway tsaka ko iwinisik ang pagpapantasya—este pagsuri ko sa kanya.

Bumuntong-hininga ako't naglakad nang mabilis papunta sa kanya.


"Hoy, anong kailangan mo sa'kin?" Matikas kong bati sa kanya habang nakapameywang pa.

"Hoy, anong kailangan mo sa'kin?" Matikas kong bati sa kanya habang nakapameywang pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon